Lumingon siya sa'kin at saka ngumiti.
"But, I failed. Nabigo akong mapagtagumpayan ang hamon na 'yon. Pinahalagahan ko ang pwesto ko sa Student Supreme Government. Kapalit ang pansariling kasiyahan ko. At the end, death is now poisoning me."
Muli siya lumingon sa labas ng bintana. Nilabas niya ang mga paa niya sa mismong labas ng bintana.
"Eliza, bumaba ka na d'yan!" Pagsaway ko sakaniya.
"See you, Mom and sis." Humahagulgol na sabi niya at tsaka tuluyang tumalon.
"Eliza!" Huling pagtawag ko sa pangalan niya.
Nakita kong puno na ng dugo na umaagos sa ulo niya.
Huli na ang lahat.
Maraming estudyante parin ang nasa baba ng building. Pinagkaguluhan nila si Eliza at tumawag agad sila ng ambulansya.
Umalis na 'ko mula sa classroom. Tumakbo ako pababa sa building na 'yon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nanginginig ang mga tuhod ko, mabilis ang tibok ng puso ko. Balot ako ng takot at konsensya dahil di ko man lang siya natulungan.
Nagulat ako ng biglang may humila sa'kin.
Napayakap ako sakaniya. "Hindi mo kasalanan." Seryosong sabi nito sa'kin.
"S...S-tevaun, hindi ko siya natulungan." Lumuluhang sabi ko sakaniya.
Niyakap niya lang ako ng mahigpit.
Mga ilang minuto lang kami nagtagal do'n, hinatid niya na 'ko pauwi sa bahay. Iniwas niya 'ko sa lugar kung saan nahulog si Eliza.
Habang naglalakad kami, tulala lang ako. Ang hirap intindihin kung bakit niya ginawa 'yon. Wala akong ideya, wala din akong nagawa.
"Chantal, we're almost here."
Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa'kin.
"Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan 'yung nangyari, okay?"
Ngumiti naman ako at tsaka tumango. Pinunasan niya ang mga luha ko.
"Sige na, pumasok ka na sa loob. Everything will be fine, trust me." Nakangiting sabi niya sa'kin.
"Salamat, Stevaun."
Pumasok na 'ko sa loob ng bahay. Naabutan ko si Mom na naghahanda ng dinner namin. Nakangiti lang siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"How's your day, Anak?" Malambing na tanong sa'kin ni Mom.
"Okay naman po, Mommy." Nagpanggap akong masaya kahit na hindi. Ayokong magalala si Mommy sa'kin. Ayokong pati siya mapahamak kung sakali man na mapatunayan kong may kinalaman dito si Wave.
"Sige na, mag-bihis ka na muna. Hihintayin ka namin ng daddy mo, okay?"
Tumango naman ako at saka ngumiti.
Umakyat na 'ko sa kwarto ko at umupo muna sandali sa kama.
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko kaagad ito sa bulsa ko.
Heroun is Calling...
Huminga ako ng malalim at tsaka ko 'yon sinagot.
"Hello, Hero---"
"Kamusta ka? Okay ka naman ba? May nangyari ba sa'yo? Nakauwi ka na?" Sunod-sunod nitong tanong sa'kin. Ramdam ko ang pagaalala niya sa tono ng boses niya.
YOU ARE READING
Hell Academy (COMPLETED)
Mystery / ThrillerThe school that full of secrets, full of lies, full of anger and hatred. Secrets that need to be known, lies that should not be believed. Don't throw yourself into the trap you made. Acceptance or revenge? Many lives will be lost. And many lives mus...