VII

133 14 0
                                    

Nakakalabas at nakakapasok siya ro'n. Imposibleng wala, imposible na hind siya minsanang pinagkatiwalaan ni Sir Wave sa bagay na 'yon.

"Ito ba ang hinahanap mo, Chantal?" Napalingon ako sa gawing pintuan, naka-sandal at nakatingin lang sa'kin si Gwen.

Huminga ako ng malalim.

"Kailangan ko 'yan, Gwen. Please, ibigay mo sa'kin 'yan."

Humalakhak lang ito.

"Then, kill me." Nanlilisik na mga matang sabi nito sa'kin.

"Gwen, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha?!" Pagsaway sakaniya ni Dein.

"Wala ka na ro'n." Seryosong sabi nito.

"If you want to know the truth, then kill me." Seryosong sabi nito sa'kin.

"Hindi ko magagawa 'yon! Akin na ang susi, tigilan mo na ang kahibangan mo, Gwen!" Pasigaw na sabi ko sakaniya.

Nagulat ako ng kumuha ng gunting si Dein at mabilis na sinaksak si Gwen sa dibdib. Mabilis ang naging pangyayari.

Nagsigawan ang mga kaklase ko at nahalukipkip ako sa nasaksihan kong 'yon.

"Sige na, Chantal. Kunin mo na ang susi." Seryosong sabi ni Dein sa'kin.

Unti-unting bumagsak si Gwen sa sahig at nabitawan nito ang susi na hawak niya.

"G...G-wen!" Lumuluhang pagtawag ko sa pangalan niya.

Lumapit ako sakaniya at inihiga ko ang ulo niya sa hita ko.

"G...G-wen, please lumaban ka. Hihingi ako ng tulong." Nanginginig na sabi ko sakaniya.

"Y...Y-ou cheated on me, right?" Nanghihinang sabi ni Gwen kay Dein.

Napatingin lang sakaniya si Dein.

"I'm sorry." Seryosong sabi ni Dein bago umalis papalayo.

Sapo-sapo ko ang ulo ni Gwen habang nagaagaw buhay siya. Hindi ko alam ang gagawin ko, wala parin ambulansyang dumarating.

Hinila ako ni Heroun. "Halika na!" Seryosong sabi nito. Tuluyan ko na naiwanan si Gwen do'n na nagaagaw buhay.

Gusto kong mag-reklamo kay Heroun, napatingin nalang ako sa uniform ko na puno ng dugo.

"Dito kalang!" Utos nito sa'kin.

"Heroun, anong binabalak mo?"

"I'm sorry but I have to do this." Tinulak niya na 'ko papasok sa isang silid kung saan nando'n ang tambakan ng mga mahahalagang files.

Sinara niya na ang pinto at pilit kong binubuksan 'yon.

"Please, wag mong gawin 'to. Heroun, please buksan mo 'to!" Nagmamakaawang sabi ko sakaniya habang pilit na binubuksan ang pinto.

"I just want to protect you, Chantal."

Umalis na siya sa harap ng pintuan.

Napaluhod nalang ako sa sahig. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hindi maaring may mapahamak sakanila. Ayoko rin na mapahamak si Heroun dahil sa'kin.

Kailangan ko umisip ng paraan para makaalis dito.

Napalingon ako sa likuran ko, nakakita ako ng mahaba ngunit manipis na bakal. Tumayo ako at nilapitan 'yon at saka kinuha. Lumapit na 'kong muli sa pinto at ginamit ko ang bakal na 'yon para sirain ang bukasan nito.

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now