V

355 33 5
                                    

"Maayos pa rin naman ang kapalit, ayaw kong mamuhay sa impyernong ito na kasama ka!" nakangising sabi ko sa kaniya. Unti-unti nilang sinasalin sa dugo ko ang dugo ni Tita Zenery. Walang halong pagtatakang demonyo nga ang Alejandro Silvestria na ito.

'Bumalik ka rito, Rias. Gumising ka!'

Hindi, maaari. Kailangang matapos na ito ngayon. Hindi ko hahayaang maraming tao pa ang magdusa. Akala ko noong una ay mapagkakatiwalaan si Mr. Gueverro ngunit hindi pala. Kasabwat din siya ng siraulo kong tito.

'Don't trust anyone, anyone can be your enemy.'

Kasinungalingan.

Pagtataksil.

Demonyo.

Mga demonyo ang taong pinagkatiwalaan namin. Mga demonyong dapat nasusunog sa impyerno ang mga kaluluwa.

'Nagbukas na ang daan palabas sa academy!' Rinig kong sambit ng isa sa mga kaklase ko mula sa kung saan.

"Success. Dumadaloy na ngayon ang dugo ni Ms. Zereny sa dugo ni Ms. Rias." Humalakhak sila nang malakas.

"Kung ganoon. Maligayang pagbabalik, asawa ko!" deklara nito at humalakhak muli.

'Hindi! Hindi kami lalabas nang hindi ka kasama, Rias. Gumising ka. Mahal kita! Mahal na mahal kita. Please, wake up, Rias. Please, keep your promise to me na hindi mo ako iiwan. Please, don't leave me!' Rinig kong sambit ni Shan.

Pumatak ang mga luha sa mata ko.

"Academy Of De Silvestria is now signing off."

Kinulong ako ng lungkot at matinding depresyon dito sa impyernong ito. Hindi ko na alam kung paanong makaalis muli. Tanging hawak ko lang ngayon ay kasiyahan dahil nakamit na nila ang katotohanan.

"Napatunayang hindi suicide ang nangyari sa pagkamatay ni Ms. Rhianna De Vega. Ang kaniyang mismong ama na si Mr. Acer Gueverro ang pumatay sa kaniyang sariling anak. Matapos nito umanong pag-eksperimentuhan ang kaniyang anak. Napag-alaman din na matagal na pala itong may sakit sa pag-iisip kaya't ngayon ay dinala na siya sa isang mental hospital." Nakaranas din ng depresyon si Mr. Gueverro noong namatay ang kaniyang mismong anak dahil sa kagagawan niya. Nawala siya sa sarili niyang katinuan dahil kontrolado siya ni Silvestria na siyang demonyo.

"Honey, here's your food. Kumain ka na, ha?" nakangiting sabi ni Alejandro sa akin.

"Demonyo ka!" pasigaw na sabi ko sa kaniya dahilan para kuhanin niya ang baril niya at itutok sakin.

"Honey, ginawa ko lahat. B...b-akit demonyo pa rin ako? I do my best para maibalik ka. Tell me, what's wrong? Hindi pa ba enough 'yong ginawa ko sa 'yo?" wala sa sariling sabi nito sa akin habang unti-unti niyang inaalis ang pagkakabutones ng uniporme ko.

"Kill yourself. I don't want you in my life! Mamatay ka na, Alejandro! Mamatay ka na!" sigaw ko.

Tinigilan niya ang pagbubukas ng butones ko. "You don't love me! You fooled me, Zereny! I hate you!" Tinutok niya ang baril sa ulo niya at saka kinalabit ang gatilyo.

He committed suicide.

---

June 13, 2003 | First day of School

"Ngayon ay kumpirmado at malinaw na sa lahat na ang dahilan ng mga pangyayaring hindi katanggap-tanggap ay kagagawan ng may ari ng paaralan na si Mr. Alejandro Silvestria. Nakapagtapos siya sa kursong Biology. Nagawa niyang pag-eksperimentuhan ang kaniyang mga babaeng estudyante dahil matagal nang may nararanasang mental health issues. Kakapasok lamang ng balita na pinatay niya mismo ang kaniyang sarili sa mismong paaralan."

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now