THE END?

525 15 0
                                        

Walang tunay na nakakaalam kung ano ang mga mangyayari sa susunod na kabanata sa buhay naming lahat. Ang tanging alam ko lang, magiging maayos na ang lahat at hindi na mauulit pa ang impyernong naranasan namin mula rito.

Hindi dapat nanaig ang pagiging makasarili nila. Nasa kanila ang desisyon ng mga mangyayari sa buhay nila. Hindi 'to pwede idepende sa kahit na sino.

Dahil sa nasa legal age na sina Thrextan at Kael, pareho silang nabilanggo at napatunayan na guilty sila sa kasong homicide. At sinensyestahan sila ng pang-habang buhay na pagkakakulong.

Humingi rin ng tawad sa'kin ang Mama ni Heroun sa nagawa ng kaniyang anak na si Thrextan, pero 'di gano'n kadali magpatawad. Naintindihan naman niya 'yon at hindi kinunsinte ang kaniyang anak sa mabigat na kasalanang ginawa nito.

"Iha, padating na raw si Heroun." Nakangiting sabi sa'kin ng Mama ni Heroun.

"Opo, Tita. Nagluto po ako ng pagkain sabay-sabay po tayong makakain mamaya." Nakangiting sabi ko sakaniya.

"Swerte pala ako sa soon to be asawa ng anak ko." Biro pa nito.

"Mom, Chantal." Pagtawag ni Heroun. Napalingon kami pareho ni Tita nasa may pintuan siya. Mabilis siyang nilapitan ni Tita at saka niyakap siya ng mahigpit.

"O...O-uch, Mom. Naiipit 'yung sugat ko."

"Pasensya ka na, anak. Sobrang nasabik lang ako. Dalawang araw rin na hindi kita nakasama o nakita man lang."

"I miss you too, Mom." Hinalikan ni Heroun sa noo si Tita at saka tumuon ang atensyon niya sa'kin. Nakangiti lang ako sakaniya. Kumalas na sa pagkakayakap si Tita sakaniya.

"O siya, maghahain na muna ako." Nakangiting sabi ni Tita samin.

Nang makaalis na si Tita. Ngumiti sa'kin si Heroun. "That white dress is beautiful on you. Paano pa kaya pag wedding gown na?" Pangaasar nito.

"Sira!"

"C'mon, I know na gusto mo rin ako yakapin." Pangaasar muli nito sa'kin. Lumapit ako sakaniya at saka hinampas ang sugat niya.

"Tsk, sumusobra ka na!" Inis na sabi nito sa'kin at saka ako hinalikan ng mabilis sa labi.

Tinulak ko siya ng marahan at saka niyakap siya ng mahigpit.

"Thank you."

"For?" Yumakap din siya ng mahigpit sa'kin.

"Hindi mo ko iniwan."

"Never, Baby."

Napangiti ako sa sinabi niyang 'yun.

"Dumating na nga pala ang diploma ninyong dalawa, Atty. Chantal Falcon at Eng. Heroun Cuevo." Masayang sabi ni Tita samin.

Pareho naman kaming nagkatinginan ni Heroun at saka nginitian ang isa't-isa.

"Halika ka na, kumain na tayo." Pagyaya ko sakaniya. Tumango naman siya at saka kinapitan ang bewang ko.

Napatingin ako sa altar sa gilid kung saan nando'n ang isang maliit na lagayan. Do'n nakalagay ang abo nina Mom at Dad.

I never thought this would happen in my life and in the lives of all of us. In that hell, I learned to fight fairly. The loss of Mom and Dad still hurts. But I know I can handle it because I learned a lot from what happened in my life. The hell we experienced is over. Sometimes we have to choose the people we trust. I know that someday, someone will not break the trust we will give.

The wound that came from the painful yesterday will also heal.

There is no secret that can't be revealed.

I'm Chantal Silvestria Falcon, signing off as your SSG Vice President, until we meet again.

***

Cellphone Ringing...

"Hello?"

"Chantal, he escaped."

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now