II

125 12 0
                                        

'Bwisit! Bwisit ka talaga kahit kailan, Heroun!'

Papalabas na 'ko ng bigla akong may narinig na papasok dito. Agad akong nagtago sa loob ng Comfort Room.

"Para saan ba ang contest na 'yan, Mr. Cuevo?" Pamilyar ang pang babaeng boses na 'to sa'kin, narinig ko na 'yon noon.

"Titignan natin kung kakayanin ng mga nasa Brilliance Section ang mga mananalo d'yan na mangagaling sa lower section. I'm sure, hindi sila magpapatalo."

"And then?"

Humalakhak naman ito.

"I'll make sure after that contest, they will suffer. It's their choice, either Death or Nightmare. No one will escape here in my own Academy."

Kung gano'n, siya ang may ari ng paaralang 'to? Hindi niya ito nasabi sa'kin.

"History repeats itself." Humahalakhak na sambit pa nito.

"By the way, I have something to do in the clinic. May I excuse myself, Mr. Cuevo?"

"Sure."

Hanggang do'n lang ang narinig kong usapan nila no'ng araw na 'yon. 'Di ko alam kung bakit gusto niyang magkaroon ng problema ang mga estudyante rito. Hindi ko maintindihan, bakit gusto niyang sirain ang paaralang 'to kagaya ng Academy Of De Silvestria.

Matalinong scientist si Mr. Alejandro Silvestria na siyang naging ama-amahan niya sa loob ng tatlong taon. Nakagawa 'to ng gamot para mag-hallucinate ang mga estudyante na nag-aaral do'n. Ngunit sa pagkakaalam ko, hindi kaya ni Wave 'yon.

Anong balak niya? Bakit, bakit ang hirap malaman ng mga lihim na tinatago niya.

September 02, 2027 | 05:18 pm

"Alam ko ang gamot do'n, ngunit bakit ko sasabihin?!" Humahalakhak na sabi ko kay Heroun. Nakatali ako ngayon sa isang upuan, nakagapos ang mga kamay ko sa likod at gano'n din ang mga paa ko.

"Sino ka ba talaga, Yarem?"

"Alamin mo." Nakangising sabi ko sakaniya.

Inihagis niya ang upuan na noo'y nasa harapan ko. Tinawanan ko lamang siya dahil bakas ang galit at pagka-gigil nito sa'kin.

"Who the hell are you, Heroun? You don't know what are my sacrifices just to make them suffer from this hell. I'll make sure that no one here will be having a happy ending, no one!" Humahalakhak na sabi ko sakaniya.

Bigla akong napakapit sa tyan ko.

Tinadyakan niya ang upuan na kinauupuan ko dahilan para bumagsak ito sa sahig.

Nilapitan niya ko at saka tumingin sa'kin ng diretso.

"I'm your SSG President and your worst nightmare, Yarem. I'll make sure that you will suffer more." Nanlilisik na mga matang sabi nito.

'Di na 'ko nagsalita pa at hinayaan ko nalang siya na umalis do'n sa isang silid kung saan tambakan ng mga basura.

Natutuwa akong malaman na nasa kritikal na kalagayan si Chantal.

'Mamatay ka na, Chantal. Nahulog ka sa sarili mong patibong.'

"C...C-hantal!" Humahagulgol na pagtawag ko sakaniya. Hawak ako ng dalawang lalaking estudyante.

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now