"The Graduation"

144 12 0
                                    

Chantal's P.O.V

"Mom, ako na d'yan." Nakangiting sabi ko kay Mom at saka kinuha ang bag niya. Binuksan ko ang pinto ng kotse at saka nilagay sa may bandang likod ang bag niya.

"Anak, masaya akong naging maayos na ang lahat. Patawarin mo 'ko kung pati ikaw nadamay. Hindi man lang kita naipagtanggol sakaniya."

Hinawakan ko ang kamay niya at saka siya nginitian.

"I'm Chantal Silvestria Falcon, the daughter of Rias Silvestria. Mom, tinuruan mo 'kong lumaban at maging matapang. Sa pamamagitan nun, nagamit ko 'yun para ipagtanggol ang sarili ko at magampanan ang tungkulin na sinumpaan ko sa paaralang 'yon."

"Masaya akong napalaki kita ng maayos, anak. Masaya kami ng daddy mo, para sa'yo. Nga pala tawagan mo na ang daddy mo at sabihin sakaniya na mauna na siya dun sa school, mukhang magkakaroon pa ng traffic, pag dumiretso siya rito sa bahay at baka mahuli pa siya sa Graduation mo."

"Sige po, Mom." Masayang sabi ko. Sinara ko ang pinto ng kotse, nauna na si Mom na pumasok sa loob ng kotse. Kinuha ko ang cellphone ko at saka aktong tatawagan ko na sana si Daddy ng biglang sumulpot ang pangalan ni Heroun, tumatawag siya sa'kin.

Sinagot ko naman 'to kaagad. "Hello, Chantal? Nasan ka na?"

"Papunta na 'ko sa school, hintayin ninyo nalang ako d'yan."

"Just to remind you, ayoko ng late." Masungit na sabi nito sa'kin.

Napairap nalang ako dahil sa kasungitan niya. Ang aga-aga, nakakainis siya.

"Yes, yes! I'm sorry."

Bigla siyang humalakhak ng malakas.

"Anong nakakatawa?" Inis na tanong ko sakaniya.

"Just kidding. Take care, I'll wait for you here." Mahinahong sabi nito sa'kin.

"Tss, okay bye!" Binabaan ko na siya ng tawag.

'Kahit kailan talaga ang sarap niyang hampasin ng upuan.'

Agad ko na hinanap ang number ni Daddy at saka siya tinawagan. "Hello, Dad? Where are you?"

"Papunta na 'ko d'yan, nak."

"No need, Daddy. Dumiretso ka nalang po raw sa school sabi ni Mom, wait mo nalang po raw kami dun."

"Okay nak, ingat kayo ni Mommy mo. See you!" Masayang tonong sabi ni Daddy.

"Yes, Dad. You too, see you po!"

Pagkatapos nun pumasok na 'ko sa loob ng kotse.

Iniisip ko kung maayos na kaya talaga ang lahat ngayon? Hindi ko alam pero nagaalala ako ng husto. Sumasama 'yung pakiramdam ko sa tuwing inaalala ko na baka may mangyaring masama ulit. Hindi ko alam, bakit parang ang sakit at ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.

"Anak, are you okay? Bat parang namumutla ka?"

"I'm okay, Mom. Kinakabahan lang po ako." Pilit akong ngumiti. Ayokong magalala siya sa'kin.

Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa paligid.

'Sana, sana nga. Sana walang mangyaring masama.'

Nang nakarating na kami do'n, nasa may gate sina Heroun, Stevaun, Kael at Yarem.

Si Heroun na mismo ang nagbukas ng pinto ng kotse para sa'kin. "Tss, bwisit ka. Inis pa'rin ako sa'yo."

Tumawa lang 'to at saka kinuha ang bag na dala ko. "You should thank me later. May utang na loob ka dapat sa'kin."

"Kapal mo." Bulong na sabi ko sakaniya.

"Anak, mauna na 'ko sa loob ha?"

"Sige po, Mommy. Susunod nalang po kami sainyo."

Tumango naman si Mom at saka naglakad na papasok sa loob. Nilapitan naman ako ni Stevaun.

"Chantal, naalala ko na 'di pa 'ko nakakahingi ng tawad sa'yo. I'm sorry, hindi ko sinabi sayo kasi---"

Umubo naman si Heroun. Umaarte na naman ang mokong. "Pwede pakibilisan? Nagseselos ako."

Hinampas ko naman siya sa braso. "Okay na 'yun, wala na 'yon. Kalimutan na natin at ang mahalaga ngayon, okay na ang lahat." Masayang sabi ko sakaniya.

Nginitian niya naman ako at saka nagpasya na kaming pumasok sa loob.

Naglalakad na kami papasok ng biglang may sumabog na kung ano. Natumba kaming lahat dahil sa lakas ng yanig nito.

"Okay lang kayo? Walang nasaktan?" Seryosong tanong ni Stevaun sa'min. Tumango naman silang lahat at gano'n din ako.

"Si Mommy." Nagmadali akong tumayo at saka tumakbo papunta sakaniya.

Sumunod naman sila sa'kin.

Nag-play ang video sa projector.

"I'm not done yet." Lumabas do'n ang mukha ni Wave.

"Alam kong ngayon siguro ay wala na 'ko, but I have more plans para masira ang Brilliance Section. Ganun din ang Academy na 'to! Kung inaakala ninyo na kakampi niny siya, nagkakamali kayo."

'Sino ang tinutukoy niya?!"

Lumabas si Ms. Zyrina na may hawak na pistol grip shot gun.

Napahinga nalang ako ng malalim. Nakita ko si Mommy na nasa may harap niya lang at nakadapa.

Tumuon ang atensyon nito kay Mommy at saka niya hinila ang buhok nito.

"Rias Silvestria. Nagkita tayong muli." Nanlilisik na mga matang sambit nito.

"Bitawan mo siya!" Pasigaw na sabi ko.

"At sino ka para utusan ako? Mga hangal! Sa tingin ninyo ba hahayaan ko lang ang ginawa ninyo sa asawa ko? Pinatay ninyo siya!"

"You're a devil like him. Kung gusto mo magkasama kayong dalawa." Mahinahong sambit ko.

"And so? What will you do to save your mom? You will kill me?!"

Aktong lalapit na 'ko sakaniya ng biglang pinigilan ako ni Daddy.

"Daddy."

"Ako na ang bahala rito, anak."

"Daddy, wag!" Susundan ko sana siya ng hawakan ako ng mahigpit sa braso ni Heroun at Yarem.

Wala tayong laban sakaniya ngayon, Chantal." Seryosong sabi ni Yarem sa'kin.

"Bitawan mo ang asawa ko." Malamig na tonong sabi ni Daddy kay Ms. Zyrina.

"Subukan mong lumapit! Talagang papatayin ko ang asawa mo!"

Kahit kailan, hindi ko pa nakitang umiyak si Mommy. Nagulat ako ng biglang tinawanan lang siya ni Mommy dahilan para mas lalong kumunot ang noo niya.

"Mahina ka pa'rin pala hanggang ngayon, Zyrina. 'Di na nakakapagtaka kung bakit ako ang nanalo noon sa Election. Alam nilang lahat na mahina ka. At kahit ngayon, mahina ka pa'rin!" Tinadyakan siya ni Mommy sa paa at saka pilit na nakipag-agawan sa shot gun na hawak ni Ms. Zyrina.

Nung huling sandaling nasulyapan ko, nakisali na rin si Daddy sakanila pumutok ito at saka sila napahintong lahat.

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now