Kabanata 31

2K 70 8
                                    

Para akong tangang walang tigil sa pag-iyak. Ramdam ko ang sakit sa mga sinulat ni Elliott. Kung alam ko lang na ganito ang nararamdaman niya sana noon pa tuluyan na akong lumayo sa kanilang dalawa ni Cace. Hindi sana nangyayari ang lahat ng ito. Wala sanang mawawala.


Pinilit kong pahirin ang aking mga luha. Mabilis na binuklat ko ulit ang diary. Inilipat ko ang pahina pero wala na itong kasunod.

Nanghihinang napaupo ako sa upuang nasa gilid. Tulalang nakatitig lamang ako sa kawalan. Ilang minuto siguro ako sa ganoong posisyon. Nabalik lamang ako sa huwisyo nang lumikha ng malakas na tunog ang diary na nabitiwan ko.


Marahan ko itong nilingon. Kasunod niyon ay awtomatikong umawang ang aking bibig. Sa likod na bahagi ng diary nakasulat ang napakaraming entry.


May 4, 2015.

        Okay, mananahimik na lamang ako. I love Dalha. If she's happy with Kuya so be it.

                  E. S.


Damn you, Elliott. Bakit ka ganito?



May 11, 2015.

         Gusto ni Mommy na sumama ako kay Dad papuntang US. Alam kong ang gusto niyang mangyari. Gusto niyang agawin ko kay Kuya ang lahat.

           E. S.


She's crazy.



May 12, 2015.

       Outing. Family bonding at kasama si Dalha. Ang masayang outing ay nauwi sa trahedya. It was all Ate Estella's fault. She's the reason why Dad died!

        E. S.


I'm sorry. Kung alam ko lang, sana pati ang Papa mo iniligtas ko.


May 13, 2015.

          Gusto ni Dad na ipakasal si Dalha kay Kuya. Wala sa huling habilin ni Dad ang kondisyong mapupunta sa kawanggawa ang pera niya kapag hindi naging Sarmiento si Dalha. Gawa-gawa ko lamang iyon para pumayag si Mom na pakasalan ko si Dalha.

            E. S.

Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol. Bakit ito ginawa ni Elliott? Anong dahilan nito?

Saglit akong lumunok bago binasa ang huling nakasulat. Napakahaba niyon na para bang inubos na lahat ni Elliott ang mga dapat niyang sabihin bago nito tuluyang wakasan ang buhay.



September 9, 2020.

       Sa tingin ko ito na ang huling confession ko. Sayang nga lang at hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ito kay Dalha at kay Kuya ng personal. Sana pala umpisa pa lang sinabi ko na ang totoo.

It's okay, Elliott. Hindi ako galit. Naiintindihan ko ang naging desisyon mo.



        Hi Dal! Kung sakaling mahanap mo itong diary, gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita. Walang araw o gabi na hindi ko sinasabi iyon sa iyo. Kahit walang katugon ay ayos lang, mahal pa rin kita. Pero siguro nga may hangganan talaga ang lahat. Don't worry, hindi mo kasalanan kung ano man ang gagawin ko.


       Kung magawa ko man ang balak ko, si Mommy ang dahilan niyon. Pinipilit niya ako sa mga bagay na ayaw kong gawin. She wanted to take everything. Everything, including Kuya Cace.


Disgusting.



      Noon pa man alam kong may gusto siya kay Kuya. Kaya nang malaman ko iyon hindi na ako nagdalawang-isip na magparaya. Mas gugustuhin ko pang kayo ni Kuya ang magkatuluyan.

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon