Simula

12.5K 161 3
                                    

"Ikaw ang dahilan kung bakit wala na ang anak ko! You ruined our family! You took away my son and now you have the audacity to show yourself in front of us?!" Malakas na sigaw ni Mama bago ako kinaladkad palabas ng bahay ng mga ito.

"Mama, wala akong kinalaman sa nagyari. Hayaan ni'yo naman po akong makasama kahit sa huling hantungan ang asawa ko." Umiiyak kong pakiusap.

Wala pang isang buwan nang ikasal kami ni Elliott. His mother never liked me. Lalong tumindi ang disgusto nito sa akin nang ianunsiyo ni Elliott ang tungkol sa aming kasal.

We were in a relationship for almost two years. Sa loob ng dalawang taong iyo'y ni minsan hindi man lang ako pinakitunguhan nang maayos ni Mama. She intended to shows her hatred for me. Kahit na nariyan si Elliott ay walang pakundangan kung maliitin ako nito.

Elliott was a mama's boy. He was very dependent to his mom. Bawat plano sa buhay namin dapat na isangguni muna nito sa ina. Sa lahat ng iyon, ni minsan hindi ako nagreklamo. Tinanggap ko ang mga masasakit na salitang binibitiwan ni Mama. Mahal ko si Elliott kaya nagbingi-bingihan ako sa mama nito.

Noong bago sumapit ang kasal nami'y napapansin ko na ang pagbabago sa katawan ni Elliott. Humumpak ang katawan nito't nanghina. Noong una'y isinawalang bahala namin iyon, dahil sinabi naman nito sa aking ayos lang ito. Until our wedding day came. Hindi nasunod ang planong beach wedding. Kaya ikinasal kami ni Elliott sa opisina ng Mayor. I didn't care kahit hindi engrande ang naging kasal namin. I love Elliott so much that I would marry him even in our room.

Masayang-masaya ako noong araw na iyon. Pero kabaligtaran ang nararamdaman ni Elliott. His family wasn't even there to support our wedding. Dahilan para mag-isip ng kung anu-ano si Elliott. He got paranoid sa isiping hindi ito mahal ng pamilya nito.

A week after our wedding, I started to notice something unusual. Elliott always wanted to be alone. May mga pagkakataong nakikita ko itong nakatulala habang nakakunot ang noo. Palagi ko naman itong tinatanong kung anong problema, pero ni minsan hindi ito sumagot.

Hanggang sa pag-uwi ko galing school ay nakita ko na lamang na maraming tao sa bahay. May ilang pulis na nasa labas. Maraming sasakyan at mga taong nagkukumpulan. At first I didn't bother to ask what's happening, sa pag-aakalang sa kapitbahay ang dahilan kung bakit maraming tao. But I was wrong.

I was shocked when mama slapped me. Halos mamanhid ang pisngi ko dahil sa lakas niyon. My world literally stopped nang makita kong may ibinababang bangkay mula sa second floor ng bahay namin ni Elliott.

It was Elliott.

"No..." mahina kong sabi habang pilit na kumakawala sa pagpipigil sa akin ni mama na lumapit sa asawa ko. Nang mga oras na iyo'y gusto kong magwala at magsumbat. Pero hindi ko nagawa. I got scared. I was scared.

Isa pang malakas na sampal ang natamo ko. This time it was from Estella; Elliott's eldest sister.

"Sinasabi ko na nga bang walang magandang maidudulot ang pagpapakasal sa iyo ni Elliott! Ikaw ang pumatay sa kapatid ko!"Galit nitong wika na siyang ikinatingin sa amin ng mga taong nakikiramay.

"Ate..."

"Patay na si Elliott, Dalha. Wala ka nang karapatan sa pamilya namin. You ruined this family! Lahat ng lalaki sa pamilyang ito nawala nang dahil sa iyo! Now leave or I'll call the cops." Malamig nitong sabi na lalong ikinaluha ko.

Wala man akong karapatan sa pamilya nila, may karapatan naman ako sa mga labí ng asawa ko!

Pero gaya nang dati'y hindi ko iyon naisatinig. Bagsak ang balikat na lumabas ako ng malaking bahay ng pamilya ng asawa ko. Walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha. Ngayon ko lalong naramdaman ang mag-isa.

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon