Kabanata 7

1.8K 66 0
                                    

Wala sa sariling napalunok ako. Napahigpit ang hawak ko sa tissue.

"Wipe it..." mahinang sabi ni Sir Cace na ikinatanga ko.

"Huh?" Halos walang boses na tanong ko kay Sir Cace.

"Wipe the blood on my lips, Dalha."

Bigla akong kinabahan. Ano bang pinagsasasabi ni Sir Cace?!

"Why would I do—."

"Never mind, give me that." Malamig niyang sabi kaya mabilis na inabot ko ang tissue sa kaniya.

Hindi na ako nagsalita. Ibinaling ko na lang ang tingin sa labas ng bintana. Kahit papaano'y naibsan ng panggabing tanawin ang pagkailang na nararamdaman ko.

Matagal pa ang biyahe. Sa bundok kasi ang destinasyon namin. Wala namang bundok sa siyudad at ang pinakamalapit ay apat na oras na biyahe.

Bumaling ang tingin ko sa unahan. Nakasabit doon ang digital clock. It's almost seven in the evening at nagugutom na ako.

Gusto ko sanang pabuksan ang ilaw, dahil unti-unti na akong nakakaramdam ng paninikip ng dibdib. Madilim ang buong bus at pakiramdam ko'y paliit nang paliit ang space sa paligid ko.

I purposely heaved a deep breath. Mariin din akong pumikit. Pinagpapawisan na ako at hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Sir Cace ang sitwasyon ko ngayon.

"Excuse me, can you turn on the lights?" Narinig kong sabi ni Sir Cace sa isang lalaking siyang kapalitan ng driver namin.

"Sir naman! Ang ganda nga kapag madilim eh. Hindi makikita ng iba iyong pagcuddle sa akin ni babe." Pabirong sabi ni Rusty bago dumaing. Malamang ay nabatukan ito ng katabing si Dylan. Nagtawanan ang ilan kong kaklase, pero nanatili akong tahimik.

Kaagad na inabot ko ang mineral water sa aking bag. Walang sabing nilagok ko iyon. Akma kong aabutin ang bag ko sa itaas para sana kunin ang workbook at gamitin iyong pamaypay nang biglang lumiko ang bus. Tuloy-tuloy na nawalan ako ng balanse.

Naramdaman ko ang paghawak ni Sir sa aking baywang nang aksidenteng maupo ako sa kaniyang kandungan. Hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin nang sumakit pa ang dibdib ko.

"Damn it, Dalha!" Inis na bulong sa akin ni Sir Cace bago kinuha ang isang folder sa dala niyang bag. Ipinaypay niya iyon sa akin. Kahit papaano'y nakakaramdam ako ng kaginhawaan.

"When are you going to ask for help?" Tanong niyang ikinainit ng sulok ng mga mata ko. I wanted to cry pero napipigilan iyon ng nababanaag kong galit sa mga mata ni Sir Cace.

Marahan akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kaniyang kandungan.

"I'm sorry." mahina kong sabi habang nauupo sa puwesto ko.

"Alam ba ito ng Tita mo?"

Mariin akong umiling. Hindi ko alam kung nakita ba niya ang pagsagot ko sa ganoong paraan. Pero hindi na rin naman nagtanong si Sir kaya sa tingin ko'y nakita niya ang pag-iling ko.

Muli akong pumikit nang mariin. Hindi pa rin tumitigil si Sir Cace sa pagpaypay sa akin.

"Ayaw kong sabihin sa kanila. Wala rin naman silang pakialam sa akin." Maya-maya'y sabi ko.

Naramdaman ko ang paglingon sa akin ni Sir Cace. Saglit siyang bumuntong-hininga bago muling ipinagpatuloy ang pagpaypay sa akin.

"Sinong mag-aalaga sa'yo kung wala kang pagsasabihan na—."

"Kaya ko ang sarili ko Sir. Ilang beses nang nangyari ito sa akin, nalagpasan ko rin naman. Kaya ayos lang kung hindi na malaman pa ni Tiya." Sabi kong nakapikit pa rin. Hindi ko yata kayang salubungin ang titig ni Sir Cace.

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon