Kabanata 22

1.5K 74 3
                                    

Napapapikit na humiga ako sa couch na nasa opisina ni Sir Cace. Pinilit kong makatulog dahil totoong nahihilo ako. Marahil ay dahil iyon sa hindi pa ako nakakapag-almusal.

Ilang beses na nagpabiling-biling ako sa couch. Hindi ako makatulog dahil naiisip ko pa rin ang perang kinuha sa akin ni Tiya. Malaki ang halagang iyon. Ilang overtime ang ginawa ko para lang madagdagan ang aking sweldo. Tapos mauuwi lang pala sa wala ang pagpapakahirap ko? Iba lang pala makikinabang ng perang ilang gabi ko ring pinaghirapan?

Oo may kasalanan din naman ako dahil sa pagiging pabaya ko. Pero hindi ko naman naisip na gagawin ni Tiya iyon, lalo pa't kalahati naman ng sweldo ko'y napupunta sa kaniya. Muli na lang akong napabuntong-hininga nang malalim sa panghihinayang na nararamdaman.

"So, what is your problem, babe?"

Kaagad akong napabalikwas nang marinig ko ang boses ni Sir Cace. Nakatayo siya't nakasandal sa hamba ng pinto ng kaniyang opisina. Matiim na nakatitig sa akin na para bang hindi niya paniniwalaan ang mga salitang lalabas sa bibig ko unless totoo ang mga iyon.

Marahan akong naupo nang maayos sa couch. Dahilan para makaupo si Sir Cace sa tabi ko. Inabot niya ang aking kamay at bahagya iyong pinisil.

"Tell me your problem."

Napapabuntong-hiningang napasandal ako sa couch. Ganoon rin ang ginawa niya kaya marahan akong napalingon sa kaniya. "Kinuha ni Tiya iyong ipon ko."

Saglit na natigilan si Sir Cace. Bahagyang tumaas ang mga kilay bago ako marahang kinabig para ipaloob sa kaniyang mga bisig. "Papalitan ko iyong ipon mo."

Awang ang bibig na kumawala ako sa kaniyang yakap. Hindi ko napigilan ang pagsalubong ng mga kilay ko. "Hindi mo iyon kailangang gawin."

"C'mon babe, para din naman mawala na iyang frustration na nararamdaman mo."

"Masama ang loob ko pero ayos na ako. Talagang nanghihinayang lang ako roon sa ipon ko kasi malaking pera iyon. Pero ano pa nga bang magagawa ko kundi pagtrabahuhan ulit ang perang nawala sa akin." Mahaba kong sabi na ikinangisi ni Sir Cace. Lalong lumalim ang kunot sa aking noo.

"I love you."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig na sinabi niya. Nang tingnan ko siya'y para akong hinihigop ng kaniyang mga mata. Pakiramdam ko nga'y mabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

Upang itago ang nararamdamang iyon ay pabirong tinampal ko ang bibig ni Sir Cace. "Pasmado yata ang bibig mo Sir?"

Malakas na halakhak ni Sir Cace ang pumuno sa apat na sulok ng kaniyang opisina. "I mean it, Dalha."

Lalo akong kinabahan. Kahapon lamang ay gusto niya ako. Ngayon nama'y biglang naiba na.

"Babalik na po ako sa klase." Mabilis kong sabi bago tumayo. Akmang maglalakad na ako palapit sa pinto nang bigla niyang hawakan ang aking braso. Pagkatapos niyo'y hinila niya ako dahilan para tuloy-tuloy akong mapaupo sa kaniyang kandungan.

Isang malakas na singhap ang kumawala sa akin. Lalo na nang muli niya akong yakapin. "Five minutes, Dal."

"Pero—."

"Just five minutes, babe." Sabi pa ulit niya na hindi ko na nagawang kontrahin. It's just a hug. Hinayaan ko na lang dahil maging ako'y unti-unting nararamdaman ang pananabik sa yakap niyang iyon.

Do I like him?

Huminga ako nang malalim. "Hindi ba't nag-usap na tayong lalayuan mo ako kapag nandito tayo sa school? Isa pa'y wala naman tayong relasyon para yakap-yakapin mo ako nang ganito. Oh, not just a hug! You also kissed me, dumb Cace."

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon