Kabanata 30

1.9K 59 0
                                    

AN: Flashback ni Cace ang naka-Italic.
----

"I'm sorry Mr. Sarmiento." Sabi ng isa sa mga school director na siyang kumausap sa akin.

Tinanggalan nila ako ng lisensiya. Sa anong kadahilanan? Someone saw me and Dalha kissed at the locker room. Hindi ako naniniwalang aksidenteng makita kami ng kung sino mang taong iyon. Malakas ang kutob kong kagagawan ito ni Leticia. Ganoon pa man wala na akong magagawa. Alam kong mali pa rin naman ang ginawa ko. Naging mapusok ako sa aking nararamdaman dahilan upang mangyari ang lahat ng ito. Ako ang dahilan kung bakit maging si Dalha ay mawawalan ng pagkakataong maabot ang mga pangarap niya. Mga pangarap na alam kong importante para sa kaniya.

"Sir..." Mahina kong sabi na ikinatingin ng lahat sa akin. Marahas akong nagpakawala ng buntong-hininga bago unti-unting lumuhod sa harap ng mga ito. "Tatanggapin ko ang hatol ninyo. Pero..."

"Mr. Sarmien-,"

"Pakiusap, hayaan ninyong tapusin ni Dalha ang pag-aaral niya rito." Seryoso kong sabi na ikinasinghap ng iba. "Please, I'm begging you."

"Hindi namin maipapa-,"

"I'll pay for everything, just...let her stay here." Halos wala ng boses na sabi ko. Kasunod niyon ang pag-uunahan ng aking mga luha. Alam kong kamumuhian ako ni Dalha oras na malaman niya ang tungkol dito. Mas gugustuhin ko pang lumuhod at magmakaawa sa harap ng mga taong narito kaysa mangyari ang kinatatakutan ko. I don't want her to hate me. Iyon ang pinakahuli kong gustong mangyari.

Wala akong narinig mula sa mga kaharap ko. Unti-unti nang bumabagsak ang aking mga balikat. Pero bago pa ako tuluyang mapaluhod nang nasa sahig ang ulo'y kaagad na akong napigilan ni Indigo.

"I'll talk to them, gagawin ko ang lahat para manatili rito si Dalha." Bulong nito sa akin habang tinutulungan akong tumayo. "Kailangan mo munang umuwi, Cace. Hindi-"

"No, I'm leaving tonight, Indigo. Kaya kailangan kong lubusin ang oras ko para makiusap sa kanila." Sabi ko bago akma muling luluhod nang hilahin naman ako ng ama ni Brick. "Sir..."

"You need to rest, Cace. Kailangan ka ng pamilya mo ngayon. Ako na ang bahala rito." Sabi nito bago nila ako tuluyang hinila palabas ng opisina.

Wala na akong nagawa nang ihatid ako ni Indigo sa bahay. Gusto ko sanang magpahatid sa hospital. Pero isang tawag mula sa secretary ni Papa ang natanggap ko. Nagkakagulo sa main office nito sa US at kailangan ako roon ngayon din. Kaya labag man sa loob ay nag-umpisa na akong mag-impake. Maiksi lang naman ang tatlong araw. Tiyak na makakauwi kaagad ako kay Dalha.

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon