Kabanata 26

1.5K 54 1
                                    

Puting kisame ang namulatan ko. Nakakabingi ang katahimikan. Sa tingin ko'y nasa hospital ako.

Mariin akong napapikit nang maramdaman ang pananakit ng aking katawan. Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan. Mabilis na binalikan ko sa isipan ang mga pangyayari bago ako napunta rito.

"Gising ka na pala..."

Kaagad na bumaling ang aking tingin sa couch na nasa gilid. Nakita ko roon si Elliott. Bakas sa mukha nito ang lungkot. Mukhang galing din ito sa pag-iyak.

"What happened?" Nag-aalangan kong tanong. He remained silent. Nakatitig lamang si Elliott sa akin. Tila tinitimbang ang damdamin kung sasabihin ba sa akin ang totoo o hindi.

Lumipas ang limang minutong tahimik lamang si Elliott. Gusto ko sanang magtanong pa ng tungkol sa mga nangyari nang bigla itong lumapit sa akin. Hindi na ako nakapagsalita pa nang mahigpit ako nitong niyakap. Kasunod niyon ay tuloy-tuloy na itong umiyak sa aking mga balikat.

"Elliott..." I said.

"W-Wala na si Dad."

Tila tinakasan ako ng lakas. Maging ang paghinga ko'y naging abnormal. "What? Why? How?"

"He died because he tried to save you and Ate Estella."

Bigla akong nanlamig sa narinig na sinabi ni Elliott. Patay na si Tito Renato? "He saved me-."

"Mabuti na lang dumating si Kuya. Dahil kung hindi'y baka pati ikaw at si Ate ay wala na rin." Lalo yata akong natigilan sa narinig. Binalot ng takot ang aking puso. Ang lakas ng tibok niyon, para bang ano mang oras ay sasabog na.

"Si C-Cace?"

Napansin ko ang pagluwag ng yakap ni Elliott sa akin. Maya-maya lamang ay tuluyan na siyang kumalas sa yakap. Bakas sa kaniyang mga mata ang lungkot. Bagsak ang balikat na nagpakawala siya ng buntong-hininga. "Totoong may relasiyon kayo ni Kuya?"

Unti-unting umawang ang aking bibig. Marahan akong umiling. "Elliott, no...we-."

"Do you love him?" Tanong niyang ikinatahimik ko.

I nodded. "Yes..."

"Even if he left you?"

Awtomatikong napatitig ako sa mga mata ni Elliott. "What are you talking about? Kakasabi mo lang na siya iyong nagligtas sa amin ng-."

"He's in US. Umalis siya dahil sa kaalamang ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Dad." Mariing wika ng kapapasok lang na si Estella. Mabilis itong naglakad palapit sa akin. At dahil sa nasa kama pa rin ako'y hindi ko nagawang umiwas sa malakas na sampal ni Estella. Pakiramdam ko'y matatanggal ang ulo ko sa sobrang lakas niyon.

"Ate!" Malakas na sabi ni Elliott sabay hila kay Estella palayo sa akin.

"Ikaw ang dahilan kung bakit wala na si Dad! Ikaw din ang dahilan kung bakit wala si Cace! Wala kang kwenta! Tapos ngayon pati si Elliott gusto mong makuha? Wala ka man lang bang balak na magtira ng kahihiyan, Dalha? Lahat ng lalaki sa pamilya namin gusto mong makuha?!"

"Estella, that's enough!" Sigaw ng isang babaeng nakatayo sa pinto ng kuwartong inuukopa ko. Marahan ko itong pinasadahan ng tingin. Nakakatakot ang kaniyang kabuohan. Sumisigaw iyon ng kaistriktahan at pagiging suplada. Dahilan para unti-unting tumulo ang aking mga luha. She's Leticia, right? Cace's stepmother.

"But Mom-."

"She's now part of the family. Walang kwenta kung sisisihin mo pa siya sa lahat ng nangyari. Mag-aaksaya ka lang ng oras mo Estella." Mariin at matalim ang tinging sabi ni Mrs. Sarmiento.

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon