Kabanata 18

1.5K 67 0
                                    

"Dalha, are you okay?!" Malakas na tanong sa akin ni Georgia. Mula sa pagkaing nasa harap nami'y nalipat ang tingin ko rito at kay Lois. Parehong basa ang dalawa kagaya ko. Pero hindi man lang kababakasan ng pagkaasiwa ang kanilang mga mata. Nag-aalalang nakatingin lamang sila sa akin.

Pinilit kong ngumiti. "I'm fine..." mahina kong sabi bago tumayo.

"Let's go Dalha, magpalit na tayo. Baka mamaya'y magkasakit tayo kapag hindi pa tayo nagpalit ng damit." Sabi naman ni Lois bago ako hinila palabas ng cafeteria.

Bago kami tuluyang makalabas ay humarang si Sir Cace sa daraanan namin. Bakas ang galit sa kaniyang mukha, pero mas matimbang ang pag-aalalang naroon. Iniwas ko ang aking tingin at nagmamadali nang umalis hila-hila si Lois at Georgia.

Gusto kong magalit dahil sa mga nangyayari. Pero sino bang may kasalanan kung bakit ito nangyayari sa akin? Ako rin naman ang dapat sisihin. Kasalanan ko kung bakit ganito ang naging resulta nang ilang beses na pagsama ko kay Sir Cace.

"Dalha!"

Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Sir Cace. Nagmamadaling tinungo naming tatlo ang locker room at kinuha roon ang P.E uniform.

Hanggang sa matapos akong magbihis ay wala akong narinig na ano mang tanong kay Lois at Georgia. Tahimik lamang ang dalawang nakatitig sa akin. Para bang may kung anong tumubo sa ulo ko na hindi pangkaraniwan.

"Ayos ka lang ba talaga, Dalha?" Tanong ulit ni Georgia.

Muli akong ngumiti nang pilit bago sumagot. "Natural na gawin iyon sa akin ng sino mang may gusto kay Elliott. Siguro, susubukan ko na lang na umiwas para hindi na ito maulit pa."

Magkapanabay na bumuntong-hininga ang dalawa. Marahang lumapit ang mga ito sa akin saka ako niyakap nang mahigpit. Gusto kong umiyak sa ipinapakita nilang pag-aalala. Pero duwag akong gawin iyon. Ayaw kong habambuhay na kaawaan nila ako.

"Siguro dapat na naming itigil ang pagbibiro ng tungkol sa inyong dalawa ni Elliott. Baka sa susunod ay hindi na ganito ang mangyari." Napapangiwing sabi ni Georgia.

"Oo nga, baka mamaya'y kaladkarin ka naman ng mga alipores ng babaeng iyon at bugbugin dito sa locker room o 'di kaya'y sa likod ng school building. Pwede ring sa gym o 'di-."

Natahimik si Lois nang malakas itong batukan ni Georgia. Hindi ko tuloy napigilan ang bahagyang matawa sa nakita. "Ang oa mo naman Lois! Masyadong nilamon ng mga libro mo iyang utak mo. Nasa reyalidad tayo, hindi mala-wattpad ang buhay natin."

Sa bahaging iyon ng sinabi ni Georgia'y biglang nawala ang aking ngiti. Hindi nga mala-wattpad ang buhay ko, pero totoo namang nangyayari sa akin ang nangyayari sa mga librong binabasa ni Lois.

Mga katok sa pinto ng locker room ng nagpatigil sa pagtawa ni Georgia. Sabay-sabay kaming napalingon roon. Ako ang naunang naglakad at marahan iyong binuksan. Mukha kaagad ni Elliott ang nakita ko.

"Dalha! Oh God, are you okay? Naikwento-."

"Ayos na ako, Elliott." Pagputol ko sa mga sinasabi nito.

Tipid ang ngiting tumango ito bago ako pinasadahan ng tingin. Lumamlam ang mga mata nito nang dumako ang tingin sa aking ulo. Basang-basa ang buhok ko at may kaunti pang tumutulo mula roon.

"Tell me when you need help."

"Ayos lang talaga ako, Elliott. Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit na sino. Isang beses lang itong nangyari. Kung lalayo ka sa akin, tiyak na hindi na ito mauulit." Prangkang sagot ko na ikinatungo ni Elliott. Hindi ko mabasa ang ekspresiyon sa kaniyang mukha. Kaya nagpasya na lamang akong lumabas ng locker room. Didiretso na lang ako sa classroom. Nawalan na ako ng ganang kumain. Isa pa'y baka makasalubong ko pa si Sir Cace. Pihadong hindi makakalusot sa kaniya ang pagsisinungaling ko.

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon