Kabanata 28

1.7K 65 4
                                    

AN: Present time na po ito.
-----

"Good morning, Ms. Dalha!" Nakangiting pagbati sa akin ng ilang highschool students na nadaanan ko sa hallway. Isang matamis pero pilit na ngiti ang isinukli ko sa mga ito bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa opisinang inuukopa namin ni Lois. Sa aming tatlong magkakaibigan, kami lamang dalawa ni Lois ang nagpasyang maging guro. Si Georgia kasi'y mas piniling maging isang singer sa Korea. Sa ngayon ay parte ito ng isang kpop group sa ilalim ng pinakamayamang entertainment doon. Paminsan-minsan ay tumatawag ito para magkuwento at mangumusta.

"What are you doing here?" Taas ang dalawang kilay na tanong sa akin ni Lois nang makapasok ako sa office. Alam ko ang gusto nitong sabihin. Sino nga bang matinong tao ang papasok sa trabaho habang nakaburol ang asawa nito? Ako...ako lang naman. At dahil iyon sa kaalamang wala akong ibang kayang gawin kundi ang magpatuloy sa buhay. Tinanggalan ako ng karapatan ni Mama na makita si Elliott. Kahit gustuhin ko mang magmakaawa pa'y hindi ko na ginawa. Ayaw kong lumuhod na naman para magmakaawa gaya nang ginawa kong pagluhod noon sa school Directors. Nagmakaawa ako na huwag alisan ng lisensiya si Cace. Pero wala namang nangyari. Nasaktan lang ako, nauwi sa wala ang pagmamakaawa ko para sa kaniya.

And he said he promised he'll come back? Wala siyang sinabi! Kagabi ko pa iniisip kung kailan niya iyon ipinangako sa akin. Pero hanggang ngayon ay wala akong maalala. Sumasakit lang ang ulo ko sa paulit-ulit na pagbalik-tanaw sa nakaraan.

"Hindi ba dapat nasa tabi ka ng namayapa mong asawa? You're the wife, Dalha!" Sabi pa ni Lois.

"We all know na fake marriage ang mayroon kami."

"But you loved him."

"Bilang isang kaibigan, dahil siya ang dumamay sa akin noong mga panahong iniwan ako ng mundo ko. Pinakasalan ko siya dahil bayad ko iyon sa pagdamay niya sa akin. Lois hindi ako tanga, pumayag ako dahil alam kong peke ang kasal. Alam kong makakalaya rin ako." Mahina kong sabi habang nauupo sa aking swiveling chair.

Narinig ko ang pagpapakawala ng malalim na buntong-hininga ni Lois. "Hindi ba dapat masaya ka kasi nga malaya ka na? Dapat nga galit ka rin eh kasi ginamit ka lang naman nila para makuha nila ang naiwan ni Mr. Sarmiento."

Tipid na lamang akong ngumiti. May isa pa akong rason kung bakit pumayag ako sa alok ni Elliott. Kahit na ba kaawa-awa ang sinapit ko sa kamay ng Mommy at Ate niya. Dahil doon natuto akong maging matatag. Natuto akong makipagplastikan. Kung hindi ko lamang inaalala si Elliott at Erina baka nasupla ko ang Mommy nila kagabi.

Habang inaayos ko ang aking mga gamit ay hindi ko mapigilan ang mapakamot sa ilong. Kasunod niyon ay malakas akong napabahing. Simula pa kaninang umaga'y mabigat na ang pakiramdam ko. Makati ang aking ilong, masakit ang aking lalamunan at tila napakabigat ng aking katawan.

"Yuck girl, baka mahawa ako ah! Nagpaulan ka ba kagabi?"

Saglit akong suminghot bago sumagot. "Sorry..."

"Umuwi ka na muna kasi. Kahit naman wala kang nararamdaman para kay Elliott alam kong nasasaktan ka pa rin. Dagdag pang mukhang lalagnatin ka." Sabi ni Lois bago tumayo at lumapit sa akin. Kinapa nito ang aking noo. "See, may lagnat ka girl. Ako na ang bahala kay Mrs. Lacson. Papayag iyon na lumiban ka ngayon dahil sa mga nangyayari. At saka pwede ka naman kasing magtake ng leave, napakatigas lang ng ulo mo."

Wala akong nagawa kundi ang sundin si Lois. Hindi naman kasi ito titigil sa pagpapangaral sa akin. Bandang huli ako pa rin ang matatalo. Kaya saglit ako nitong inihatid sa bahay. Wala kasi akong dalang kotse.

"Tawagan mo ako kapag hindi naging maganda ang pakiramdam mo mamayang gabi. Pupunta-." Natigil sa pagsasalita si Lois. Biglang nanlaki ang mga mata nito habang nakatitig sa gate ng bahay. Wala tuloy sa sariling nabaling din doon ang tingin ko. "Nakauwi na siya? What is he doing here?"

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon