Kabanata 13

1.6K 56 0
                                    

"Happy birthday, Dalha!"

Bigla akong napangiti ng malungkot nang maalala ang huling beses na marinig kong binati ako ng mga magulang ko. Kung alam ko lang na iyon na ang huli, sana pala inirecord ko iyon para lagi kong naririnig tuwing birthday ko.

"I'm already eighteen, Mama, Papa." Mahina kong sabi habang nauupo sa swing house.

Marahang inilapag ko ang box ng cupcakes sa aking tabi. Mariin akong pumikit at dinama ang hanging panggabi.

Ilang sandaling ninamnam ko muna ang hangin bago nagmulat ng mga mata. Inabot ko ang box at binuksab iyon. Kaagad na nangunot ang aking noo. Gulat at kaunting tuwa nang mapansin ko ang ilang maliliit na kandila sa gilid.

"Alam ni Sir?" Mahina kong tanong sa sarili.

Napapangiting isinarado ko na lang ulit ang box. Akmang tatayo na ako nang makarinig ako ng pagkabasag sa loob. Kahit masakit ang paa'y nagmadali ako sa paglalakad.

Nang makarating sa kusina'y tumambad sa akin ang basag na tasa at si Ms. Melissa na buhat-buhat ni Sir Cace. Wala itong malay at bahagyang nakahantad ang damit panloob.

"Anong nangyari?" Tanong kong kinakabahan.

"Fuck." Mariing bulong ni Sir Cace bago inihiga si Ms. Melissa sa kama na nasa kuwartong inuukopa ko.

"What happened?" Pag-uulit ko sa tanong nang bumalik si Sir Cace.

Marahang inilapag ko ang box ng cupcakes sa lamesa at inumpisahang linisin ang nabasag na tasa. Habang si Sir Cace naman ay walang pasabing nilagok ang isang bote ng mineral water.

Habang nililinis ko ang bubog ay napapasulyap ako kay Sir Cace. May mantsa ng dugo sa sahig. Nang tingnan ko si Sir Cace ay namumula na siya.

"Ano bang nangyari?" Inis kong tanong.

"Dalha, please shut up for a minute." Nahihirapan niyang sabi bago naupo sa couch. May dala siyang isang box ng ice cubes.

What the hell is happening?!

Pagkatapos kong malinis ang bubog sa sahig ay kaagad na kinuha ko ang box ng cupcakes. Sumunod ako kay Sir Cace.

"Oh God, Dalha, stay away from me." Mariing wika ni Sir Cace nang makita akong naglalakad palapit sa kaniya.

"Ano po bang problema ninyo? Anong nangyari kay Ms. Melissa?" Kunot ang noong tanong ko.

Tuluyang napapikit nang mariin si Sir Cace nang makaupo ako sa upuang nasa harap niya. Hinagod ko siya ng tingin. Natigil ang mga mata ko sa kaniyang kamay na namumula dahil sa dugo.

Napapangiwing kinuha ko ang first aid kit sa banyong malapit sa kusina. Kanina pa sumasakit ang paa ko dahil sa paglalakad. Hindi naman ako makapagreklamo dahil kailangan din naman ni Sir ng tulong.

"I'll treat your—."

"Goddammit!" Mariing sabi ni Sir Cace nang abutin ko ang kaniyang kamay. Maging ako'y gusto na ring magmura dahil pakiramdam ko'y ilang libong boltahe ng kuryente ang nanulay sa aking mga ugat.

"Dumudugo ang kamay mo Sir Cace." Sabi ko na lamang. Hindi ko siya maintindihan. Bakit ba ayaw niyang lumapit ako sa kaniya? Baka maubusan pa siya ng dugo kung hindi ko gagamutin ang sugat niya.

"Fuck." He hissed.

"Will you stop cursing?" Inis kong sabi na ikinatitig sa akin ni Sir Cace.

Wala sa sariling napalunok ako nang makita ang mapupungay niyang mga mata. Kinakabahan ako dahil napapansin ko ang tila naghihirap niyang kalooban.

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon