Kabanata 27

1.4K 51 0
                                    

AN: POV ni Cace  bago siya umalis.
----

"What the fuck is your problem, Estella?!" Malakas kong sigaw kay Estella habang buhat-buhat si Dalha palapit sa sasakyan kong nakahimpil sa hindi kalayuan. Malakas ang ulan at hindi malabong magkaroon ng bagyo.

"I was trying to help her—."

"You pushed her!" Galit at magkakasabay na sigaw namin nila Elliott at Erina. We were all angry nang makita namin ang ginawa ni Estella. Ang lakas pa ng loob nitong magsinungaling gayong sa harap mismo naming apat nito iyon ginawa.

Apat?

"Fucked!" Malakas kong sigaw bago iniabot si Dalha kay Elliott. "Take her to the hospital, now!"

Natataranta man ay kaagad na sumunod si Elliott sa utos ko. Hindi ko na ito nilingon pa hanggang sa makasakay ang mga ito sa van. Mabilis na lumusong ako sa rumaragasang agos ng tubig. Unti-unti na akong kinakabahan sa kung anong mangyayari.

"Ano bang hinahanap mo?" Malakas na tanong ni Estella nang saglit akong umahon para huminga nang malalim. "Nagsasayang ka lang ng oras! Can we just go home? Nilalamig na ako, Cace!"

"Shut the fucked up, Estella! Wala akong pakialam kung mangisay ka pa riyan!" Galit kong sabi bago muling lumusong. Hindi ko na alam kung may ilang minuto akong nasa ilalim ng tubig. Basta ang tanging nasa isip ko lamang ay mahanap si Papa. Hindi pwedeng mawala ito. Hindi ako papayag na mawala si Papa.

"Ipaubaya na lang natin sa mga rescuer ang paghahanap kay Tito, Cace. Umuwi na tayo, kanina pa tayong basa rito. Baka magkasakit ka." Sabi ni Estella sabay yakap sa akin.

Inabot na kami ng gabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita si Papa. Hindi ko alam kung may pag-asa pa bang makita ito. Marami na ang naghanap, pero lahat ay bigo. Ngayon, nalilito na ako sa kung anong uunahin. Kung maghihintay pa ba ako sa paglitaw ng katawan ni Papa o pupuntahan na lang muna si Dalha.

Tiim ang mga bagang na kinalas ko ang mga braso ni Estella na nakapulupot sa aking baywang. I know why she's doing this. May posibilidad na wala na nga si Papa kaya malakas ang loob ni Estella na yakap-yakapin ako. Hindi kami magkapatid, pero itinuring ko na rin siyang kapatid dahil iyon ang gusto ni Papa. Hindi lingid sa akin ang nararamdaman nito kagaya ng sa ina nitong si Leticia. Maganda si Estella, sexy. Pero hindi ako tanga para mapasailalim nito at ni Leticia. Obviously, yaman lang talaga ng mga Sarmiento ang gusto ng mga ito.

"Stay away from me, Estella. Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko oras na mapuno ako." Malamig kong sabi bago marahang naglakad palapit sa isang pulis na tumawag sa akin.

Alas-tres ng madaling araw nang lumitaw ang katawan ni Papa. Nanghihinang napaupo na lamang ako sa damuhan nang bumungad sa akin ang namumutla nitong katawan. Malaki ang tiyan dahilan marahil sa tubig pumasok sa katawan nito. Mariin akong napapikit kasabay niyon ay ang pag-alpas ng aking luha.

"Oh my gosh!" Narinig kong sabi ni Estella bago humawak nang mahigpit sa aking braso. Hindi ko na ito nagawa pang sawayin. Punong-puno ng lungkot, pagkabigo at galit ang dibdib ko. Magulo na rin ang aking isipan.

Hinintay ko lang na matapos ang mga pulis sa pag-aayos ng katawan ni Papa saka ako pumasok sa aking kotse. Wala na akong nagawa kundi ang isabay si Estella nang walang pasabi itong pumasok. I don't know how to tell Erina the news about Dad. Tiyak na malulungkot ito at iyon ang ayaw kong mangyari.

"I already called Elliott. I told them about what happened." Mahinang sabi ni Estella na siyang ikinaapak ko sa preno ng sasakyan. Malakas iyon na kung hindi nakasuot ng seatbelt si Estella'y tiyak na titilapon ito sa unahan ng kotse.

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon