Kabanata 23

1.5K 55 0
                                    

Mariin at inis akong napaungol nang makita ang pagdating ni Sir Cace sa kiosk na siyang kinaroroonan ko. Kanina pang nagsimula ang event. Pagkatapos ng program ay dito na kaagad ako dumiretso.


Lalo akong nainis nang marahan akong sikuhin ni Sammy. May ngisi pa ito sa mga labi na akala ko'y may nakakakilig sa nangyayari.

"Hi..." Nakangiting bati ni Sir Cace nang makalapit itong lalo sa amin. Napaiwas na lamang ako ng tingin dahil nagsimulang bumungisngis ang mga kasama ko.

"Hi Dal! I'm Hiro!" Malaki ang ngiting bati ng best friend ni Sir Cace. Hindi ito nagtuturo sa school namin. Pero kilala ko pa rin naman ito dahil ilang beses na itong sumama kay Sir Cace sa mga event na ginagawa ng school namin.

"H-Hello po..." nakangiti at magalang kong bati pabalik.

Lahat kami ay napatingin kay Sir Akihiro nang bigla itong humagalpak ng tawa. Nakahawak ito sa tiyan habang tinatapik si Sir Cace na ngayon ay madilim ang ekspresiyon sa mukha.

"Oh, free hugs and kisses? Okay, Ill buy a cup of—."

"We're just checking their booth, Akihiro. Hindi tayo bibili." Masungit na sabi ni Sir Cace bago hinila si Sir Akihiro palayo.

"But you told me we'll buy everything in their kiosk, Cace. What's wrong with you? Are you jealous?" Tanong ni Sir Akihiro na ikinasinghap ko. Nang lingunin ko ang aking mga kasama ay nanlalaki ang mga mata ng mga ito.

"Let's get back to work." Mahina kong sabi bago naunang magpatuloy sa ginagawa.

Marami-rami na rin ang bumibili sa amin. Karamihan ay magbabakarda. Ang iba ay pabalik-balik para lang sa free hugs and kisses. Pero ang iba'y sadyang gusto lang bumili.

Nasa kalagitnaan ako nang paglalagay ng malamig na buko juice sa baso nang may malakas na tumikhim sa aking likuran. Nang lingunin ko iyo'y nakangising mukha ni Lois at Georgia ang natunghayan ko. Pawang nakatingin ang dalawa sa pila ng mga bumibili.

"Gosh, he's here!" Kinikilig na sabi ni Lois sabay sundot sa tagiliran ko. Dahilan para mapakislot ako't mabitiwan ang hawak na baso.

"Oh shoot! I'm sorry!" Mabilis kong sabi sa babaeng bumibili. "Papalitan ko na lang."

Saglit na pinandilatan ko ang dalawa bago inulit ang paglagay ng buko juice sa baso. Nang matapos ay kaagad akong umalis para magpalit ng damit. Natapunan kasi ang suot ko. Malagkit at hindi kaaya-aya kung patatagalin ko pa iyon.

"Saan ka pupunta?" Nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Sammy.

"Magpapalit lang ng damit. Natapon kasi iyong buko juice." Kaswal kong sagot bago tumalikod. Hindi pa man ako nakakahakbang nang muling magsalita si Sammy.

"Bilisan mo, nasa pila si Elliott." Sabi nitong nakangisi.


Mabilis na bumaling ang tingin ko sa mahabang pila. Bahagyang umawang ang aking mga labi nang magtama ang mga mata namin. Sandali niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa bago ngumiti at kumaway. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kaya tipid na lamang akong ngumiti bago tuluyang umalis.

Ramdam ko ang malakas na kabog sa aking dibdib habang papalayo. Tila bumalik sa aking isipan ang araw na umamin sa akin si Elliott. Ewan ko ba kung bakit, pero nahihiya ako.

"You're blushing..." Halos mapatili ako nang sumulpot ang boses ni Sir Cace. "Where are you going?"

"Huh, uh, magpapalit lang ng damit." Sagot kong hindi makatingin ng diretso sa kaniya.

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon