Kabanata 16

1.6K 65 4
                                    

"Are you sure you'll be okay?" Hindi ko alam kung ilang beses na iyong naitanong sa akin ni Sir Cace. Pinilit ko kasi siyang ibaba ako sa convenience store na pinagtatrabahuhan ko. Dahil paniguradong hindi ako makakapasok sa bahay ni Tiya. Madaling araw na't tiyak na hindi naman ako pagbubuksan ng mga ito.

"Opo..." Sagot kong ikinakunot ng noo ni Sir Cace.

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko na naman kayang salubungin ang mga titig niya. Bakit ba kasi ganiyan ang pakikitungo niya sa akin? I'm not even that special.

Bumuntong-hininga si Sir Cace bago muling itinuon ang mga mata sa kalsada.

Ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa convenience store. Nakita ko kaagad si Kuya Al at ang bagong kasama ko sa trabaho. Umalis na kasi si Kuya Roy, kailangan daw nitong bantayan ang anak at ang asawa.

"Dalha..." mahinang sabi ni Sir Cace nang akma akong bababa na ng kotse. Napabalik tuloy ako sa pagkakaupo.

"Sir?"

Matagal bago siya sumagot. Nakatitig lamang siya sa aking mga mata. Parang ang dami niyang gustong sabihin, pero may kung anong pumipigil sa kaniyang bigkasin ang mga iyon.

"Nothing..." Mahinang sabi ni Sir Cace.

Marahan akong tumango at muli na sanang lalabas nang maramdaman ko ang paghawak ni Sir Cace sa aking kamay. Taas ang dalawang kilay na tiningnan ko siya.

"Bakit po?"

Marahas siyang bumuntong-hininga. Mariing umiling at ngumiti. "Just, take care of yourself."

Kumunot ang noo ko. Ano ba talagang gustong sabihin ni Sir Cace?

"O...kay?" Sabi ko na lamang bago tuluyang lumabas. Kaagad na kinuha ko ang aking mga gamit sa backseat. Mabilis akong ngumiti at kumaway kay Sir Cace bago naglakad palapit kay Kuya Al.

-

Kaagad na inabot ko ang aking cellphone. Awtomatiko akong napangiti nang makita ang display picture niyon.

"Boring pa rin ba ang cellphone ko?" Mahina kong tanong sa sarili habang titig na titig sa mukha ni Dalha. Bigla akong napangisi. "Boring nga, wala akong number ni Dalha."

Pinakatitigan ko pang maigi ang picture hanggang sa magpasya akong pausadin na ang kotse.

Kalahating oras ang itinakbo ng sasakyan. Nakarating ako sa bahay na sobrang bigat ng pakiramdam.

"Cace hijo..." humihikab na sabi ni Manang nang pagbuksan ako nito ng pinto.

"Good morning Manang." Nakangiti kong sabi. Nagtuloy-tuloy ako sa aking kuwarto. Alas-tres na ng umaga at inaantok na ako. Kailangan ko na munang matulog bago kausapin si Mama.

Pagkahiga ko pa lang sa kama ay mukha na kaagad ni Dalha ang pumaskil sa aking isipan. Napapailing na tumayo na lang ako't hinubad ang suot na damit.

Maalinsangan ang panahon, tinatamad naman akong magbukas ng air-con o 'di kaya'y ng bintana. Natulog na lang akong tanging boxer ang suot.

Sunod-sunod na katok sa pinto ang nagpagising sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata, pero kaagad ko rin namang naipikit nang tumama ang sinag ng araw sa aking mukha.

"Kuya!" Malakas na tawag mula sa labas ng aking kuwarto. Napapaungol na bumangon ako.

"What?" Salubong ang kilay na tanong ko nang buksan ko ang pinto.

It was Erina, ang bunso sa aming magkakapatid.

"Breakfast na, kanina pa kami naghihintay sa dining table." Nakanguso nitong sabi sabay irap.

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon