Kabanata 12

1.6K 58 1
                                    

Hindi ko alam kung ilang beses na akong nakapagpakawala ng buntong-hininga. Naiilang kasi ako sa sitwasyon namin ngayon ni Sir Cace.

"Ahm, g-gusto mo po bang magpahinga?" Tanong kong nakatingin sa malayo. Ayaw kong ibaling kay Sir Cace ang aking tingin. Baka bigla siyang lumingon sa akin, baka may mangyari na namang hindi inaasahan gaya noong paakyat kami ng bundok.

"I'm fine, Dal." bulong ni Sir Cace.

Wala sa sariling napaawang ang bibig ko. Kaagad na nilingon ko si Ms. Melissa; ang isa pang school nurse. Kasama namin itong babalik sa malaking bahay.

"D-Dal?" Tanong kong biglang napahigpit ang pagkakayakap kay Sir Cace mula sa likuran. He's giving me a piggy back ride.

"What? Then, I'll call you Dalha if you don't want me to call you Dal." Sagot niyang muli kong ikinalingon kay Ms. Melissa. Baka kasi naririnig nito ang pinag-uusapan namin ni Sir Cace. Pero mukhang hindi naman dahil abala ito sa pag-aayos ng buhok.

Hindi na ako sumagot pa sa huling sinabi ni Sir Cace. Nanatili na lamang akong tahimik hanggang sa makarating kami sa malaking bahay.

Kaagad niya akong pinaupo sa sofa nang makapasok kami. Pagkatapos niyon ay inayos niya na ang mga gamit ko sa isang kuwarto. Habang si Ms. Melissa naman ay abala pa rin sa pag-aayos ng sarili.

Nagtataka na ako kay Ms. Melissa. Hindi naman nito kailangang mag-ayos ng sarili lalo pa't magbabantay lang naman ito sa akin. Babalik kasi si Sir Cace sa campsite bukas ng umaga.

"Dalha, pantay ba ang kilay ko?" Maya-maya'y tanong sa akin ni Ms. Melissa. Saglit pa nitong sinulyapan si Sir Cace na abala pa rin sa pag-aayos ng aking gamit sa kuwartong tanaw mula rito sa sala. Nakikita ko kung gaano siya kaseryoso sa ginagawang pag-aayos ng kamang hihigaan ko.

"Okay naman po." Napapangiwi kong sabi. Halatang ginagawa nito iyon para mapansin ni Sir Cace.

Malaki ang ngiting ipinagpatuloy ni Ms. Melissa ang pag-aayos. Nang lumapit si Sir Cace sa akin ay nagkunwari pa itong natusok ang mata. Kaya ayon, ito muna ang nilapitan ni Sir bago ako.

Wala namang kaso sa akin. Pero hindi naman kailangang gawin iyon ni Ms. Melissa. If she likes Sir Cace, bakit hindi na lang nito aminin kay Sir?

"Magluluto ako, sige na Sir Cace, ihatid mo na si Dalha sa kuwarto niya." Tila 'di mapaihing teenager na turan ni Ms. Melissa. Akala mo'y sinabihan ng 'i love you' ng crush nito.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa ginawa ni Ms. Melissa. Gusto kong mapangiwi dahil kinikilabutan ako. Pero parang gusto ko ring maawa rito dahil parang wala namang pakialam si Sir Cace.

"Magpahinga ka na mun—." Natigil si Sir Cace sa pagsasalita nang biglang bumalik si Ms. Melissa.

"Anong gusto ninyong kainin?"

Marahang sinulyapan ko si Sir Cace. "Ah, kahit ano, Ms. Melissa." Sagot ko.

"Ikaw, Sir Cace?" Malambing na tanong naman nito kay Sir.

"I'll eat anything you cook." Sagot niya bago ako hinawakan sa braso. "Let's go, Dalha."

Bago tuluyang magpaakay kay Sir Cace ay muli kong nilingon si Ms. Melissa. Pakanta-kanta pa ito habang naglalakad pabalik sa kusina. Mukhang kinilig na naman ito sa simpleng sagot ni Sir Cace.

"Ayos na ako rito Sir—okay ka lang po ba?" Tanong ko nang makapasok kami sa kuwarto. Napansin ko kasi ang biglang pagngiwi ni Sir Cace at pasimpleng paghawak sa kaniyang balikat.

"Yeah, medyo napagod lang. Magpahinga ka na, tatawagin na lang kita kapag tapos na si Melissa sa pagluluto."

Marahan akong tumango. Halata kay Sir Cace na napagod siya dahil sa pagpasan sa akin pababa ng bundok. Mabigat din naman ako kahit na hindi ako mataba.

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon