Kabanata 6

1.9K 66 1
                                    

"Tiya, aalis na po ako." Pagpapaalam ko kay Tiya Sabel.

Pairap itong tumango bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Hindi ko sinabing sasama ako sa camping. Paniguradong babawasan nito ang baon ko. Inipon ko pa naman iyon dahil ito ang unang beses na sasama ako sa school camping.

Maganda rin na umalis ako ngayong araw. Espesyal ang araw ng kinabukasan sa akin. Kaarawan ko at wala akong balak na magmukmok sa bahay. Tiyak na walang plano si Tiya Sabel na maghanda.

Alas-singko na ng hapon. Alas-sais ang alis namin. Maganda raw kung gabi kami aalis para maaga pa lang ay makapagsimula na sa mga activity.

Halos nasa school na lahat ng mga estudyante nang dumating ako. Kaya nagmamadaling pinuntahan ko kaagad ang bus na siyang sasakyan ng mga senior high.

"Dalha!" Naantala ang akma kong pag-akyat sa bus nang marinig ang pagsigaw sa pangalan ko.

Ayaw ko sanang lumingon pero wala na akong nagawa dahil nasa likod ko na si Elliott.

"Gusto mo bang sa akin na lang sumabay? Malamig sa kotse at hindi siksikan. Hindi ka mababagot." Nakangiti nitong alok.

Napapangiwing iniwas ko ang tingin. Bago ako makasagot ay inunahan na ako ng mga kaklase kong nakalitaw ang mga ulo sa bintana ng bus. Malalaki ang ngiting nakapaskil sa kanilang mga mukha.

"Pumayag ka na, Dalha!"

"Nakakakilig! Ibig sabihin totoong may gusto si Elliott kay Dalha!"

"Well, maganda naman si Dalha eh! Matalino na, masipag pa. Sinong hindi magkakagusto sa isang tulad niya?" Malakas na sabi ni Georgia.  Halatang nilakasan talaga nito ang boses para marinig ni Elliott.

Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi. Kung hindi ako nagkakamali'y namumula na iyon.

"See, they all want you to go with me." Nakangiting wika ni Elliott.

Kung nagkataon na may crush din ako sa kaniya baka kanina pa akong pumayag. Pero hindi eh, hindi ko siya gusto. Wala pa sa isip ko ang mga bagay na iyon. I only want to focus on my studies.

"Pero Elliott—."

"C'mon Dalha, hindi kita—."

"Is she your girlfriend, Elliott?" Pagsulpot ng malamig na boses ni Sir Cace.

"Not yet, Kuya." kaswal na sagot ni Elliott.

Pasimpleng pinagmasdan ko ang dalawa sa aking harapan. Elliott's wearing his expensive clothes, shoes and his Rolex. Habang si Sir Cace naman ay nakasuot ng simpleng itim na pantalon at puting t-shirt and of course a branded pair of shoes that matches his shirt. Nakababa ang buhok niyang palaging may gel. May itim rin na backpak sa kaniyang likod.

I immediately shifted my gaze when I noticed Sir Cace looking at me. "Mauuna na po—."

"Dalha, you stil haven't—."

"Nililigawan mo ba si Dalha?" Tanong na ikinatahimik ng lahat. Maging ang driver ng bus na sasakyan namin ay nag-aabang sa maaaring isagot ni Elliott.

"Hindi pa, but I'm planning to—."

Natigil si Elliott sa pagsasalita nang biglang ibaba ni Sir Cace ang bag na suot. Lumikha iyon ng tunog nang tumama sa hagdan ng bus. "Then why are you asking her to go with you? Are you expecting her to say yes just because you like her? Elliott, you're not being a gentleman. Wait 'till she finally feels the same."

Mariing bulong lamang iyon, pero hindi pa rin nakaligtas sa aking pandinig.

"Uh, sorry, Elliott." Pagbasag ko sa tensiyong namagitan sa dalawa. "Narito kasi ang mga kaibigan ko. Gusto kong kasama sila buong biyahe. Pasensiya na."

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon