Kabanata 36

2.1K 82 8
                                    

Bigla akong napamaang sa mga narinig na sinabi ni Cace. "Huh?"

"I rented people here in the Philippines before I went to US." Kumunot ang noo ko. "Dahil sa kanila nalaman ko ang ginawa sayo ng Tiyahin mo. Masama man, pero binili ko ang lupang kinatitirikan ng bahay nila at sapilitan ko silang pinalayas bilang ganti sa pagpapalayas nila sayo noon, Dal."

Umawang ang aking bibig. Hindi ko iyon alam at mukhang wala ring alam si Elliott dahil wala naman itong nababanggit sa akin noon. "But..."

"Alam ko kung gaano kaimportante sayo ang mga pangarap mo. At ako ang dahilan kung bakit hindi mo kaagad iyon naabot. Kaya bago ako umalis nakiusap ako sa school Directors na huwag kang alisin sa school. Lumuhod ako sa harap nila, Dalha."

Muling nanulay ang mga luha sa aking mga mata. Wala akong alam sa nangyari. Hindi ko alam na ganoon ang ginawa niya.

"Nakiusap ako kay Indigo na bantayan ka niya habang wala ako. Nakiusap ako kay Elliott na..." Saglit na tumigil si Cace sa pagsasalita. Bahagya siyang lumunok bago hinayaang tumulo ang kaniyang mga luha. May lamlam sa mga matang tumitig siya sa akin. "I'm sorry if my efforts were still not enough."

"C-Cace..."

Sa gitna ng kaniyang pag-iyak ay matamis siyang ngumiti. Marahan din siyang naglakad palapit sa akin. Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok nang masuyo niya akong yakapin.

"Akin ka noon." Mahina niyang sabi na ikinatayo ng mga balahibo ko. "Sana akin ka pa rin hanggang ngayon."

Pagkatapos niya iyong sabihi'y magaang halik sa aking ulo ang kaniyang ginawa. Lalo tuloy kumabog ng malakas ang dibdib ko. Parang gusto ko tuloy ibalik sa dati ang lahat.

"I love you Dal, I always do." Hindi ako nakakibo. Maging si Lois at Hiro ay walang maisabi dahil sa sakit na nababakas sa boses ni Cace. Bigla'y parang gusto ko na lang bawiin ang mga isinumbat ko sa kaniya kanina. Sarili ko lang ang iniisip ko. Hindi ko naisip na may sarili siyang kuwento at sakit na dinadamdam.

Hanggang sa makaalis si Cace at Hiro ay tulala pa rin ako sa kawalan. Tumutulo ang luha ko dahil sa maraming bagay na napagtanto. Ang tahimik kong pagluha ay nauwi sa hagulgol hanggang sa tuluyan akong mapaupo sa lupa. Dali-dali naman akong dinaluhan ni Lois na labis ang pag-aalala.

"Ang gaga ko talaga! Ang tanga-tanga ko!" Palahaw ko habang yakap-yakap si Lois. Hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong habulin si Cace at sabihing ayos na ako. Na payag na akong ibalik ng lahat sa dati. Papayag na akong maging kaniya ulit.

"Oo nga. Isa kang matalinong-bobo. Matalino ka sa pag-abot ng mga pangarap mo. Pero bobo ka naman pagdating kay Cace." Pangaral sa akin ni Lois. Hindi ko na siya sinagot pa dahil alam ko namang nagsasabi siya ng totoo.

-

"Rita, nasaan si Eri?" Tanong ko sa aking helper pagkapasok ko pa lang sa bahay. Sisinghot-singhot pa ako habang naglalakad palapit sa malambot na couch.

Bago sumagot ay mabilis na tumungo si Rita sa kusina. Pagbalik nito'y may bitbit na itong isang baso ng tubig. Kaagad ko naman iyong inabot at ininom.

"Si Ma'am Erina po pala nagmamadaling umalis kanina. Pinigilan ko nga pero tuloy-tuloy pa ring umalis. Umiiyak nga po pero nakangiti."

Natigil ako sa akmang paglapag ng baso sa center table nang marinig ang huling sinabi ni Rita. "Bakit? Wala ba siyang nabanggit na problema?"

Saglit na nag-isip si Rita para isipin kung may nasabi man si Erina. Pero ilang sandali lamang ay mariin itong umiling. "Wala po Ma'am eh, pero may dala siyang notebook."

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon