Kabanata 34

1.9K 62 4
                                    

Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin pagpasok ko pa lamang sa bahay ni Tito Renato. Ramdam ko ang lakas niyon kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Erina na siyang sumalo ng sampal na para sa akin.

"Erina!" Sigaw ni Estella pagkatapos ng sampal.

"Can we stop this already?!" Umiiyak na sigaw ni Erina. Mabilis ko itong hinila nang akmang sasampalin na naman ito ni Estella. Takot na humawak ito ng mahigpit sa aking damit.

"So, tagapagtanggol ka na ni Erina ngayon?" Mariing wika ni Estella. "Noong una, si Dad ang gusto mong perahan. Sunod ay si Cace at si Elliott. Tapos ngayon si Erina naman?! Hindi ka ba titigil Dalha sa ambisyon mong umangat?! Napakadumi mo! Napakababoy mo! Wala kang delikadesa! Wala kang—"

Natigil si Estella sa pangungutya sa akin nang malakas na ipinadapo ko rito ang aking palad. Pagod na akong marinig ang mga maruruming salitang lumalabas sa bibig nito. Naririndi na ako sa paulit-ulit nitong pangmamaliit sa akin. Huwag nila akong susubukan ngayong masama ang timpla ko.

"Ikaw Estella, kailan kayo titigil ng ina mong gahaman sa pera? Kailan niyo ititigil iyang pantasya niyong mag-ina?" Alam kong mali na ungkatin ko ang bagay na iyon pero wala na akong maisip na paraan para makaganti. Kahit man lang sa ganoong bagay masaling ko ang damdamin nila bago kami umalis ni Erina.

"Anong ibig mong sabihin?" Nanlilisik ang mga matang tanong nito sa akin.

Hindi ko napigilan ang mapangisi. "Ano sa tingin mo ang ibig kong sabihin, Estella?"

"Hayop ka! Anong alam mo?"

Tuluyan na akong napahalakhak. Dahilan para tumiim ang mga bagang ni Estella. "Marami akong alam, Estella. Marami akong alam tungkol sayo at tungkol sa iyong ina."

"At ano naman iyon, aber?" Tanong ni Leticia na pababa ngayon sa malaking hagdan ng bahay. "Anong alam mo, Dalha? Dapat na ba kaming masindak."

"Ate, umalis na lang tayo." Mahinang sabi sa akin ni Erina. Pilit ako nitong hinihila pero hindi ako nagpatinag.

"Bakit nasa labas ka ng kuwarto mo Erina?!"

"She's already eighteen, Mama. May karapatan na siyang patakbuhin ang sarili niyang buhay." Nakangiti kong sabi. Ewan ko ba, pero himalang nawala ang kaba ko sa dibdib.

"Huwag mo akong tawaging Mama! Isa ka lang sampid sa pamilyang ito! Nang mamatay si Elliott ay nawalan ka na ng karapatan sa—."

Isang pekeng halakhak ang binitiwan ko. Kasunod niyon ay ang paglakad ko ng marahan palapit kay Leticia.

"Pasalamat ka't may kaunti pa akong respeto sa iyo bilang manugang mo."

"Hindi ko kailangan ng respe—.'

"Okay, madali akong kausap, Leticia." Sabi kong ikinalaki ng mga mata nito. Narinig ko rin ang pagsinghap ni Estella at ng ibang katulong na siyang nakakasaksi sa nangyayari. Nang sulyapan ko si Erina ay bakas sa mga mata nito ang pagkamangha. Pasimple ko itong kinindatan na siyang ikinangiti nito. "Well, marami akong bagay na napagtanto. And if you're wondering what are those things. Isa na roon ang katotohanang, mas may karapatan ako sa iyo sa pamamahay na ito."

"What are you talking about?" Galit na tanong ni Estella. Kaagad itong lumapit at tumabi sa ina nito. Habang si Leticia naman ay matalim ang pagkakatitig sa akin.

"Ano nga ba?" Kunwa'y nag-iisip kong tanong sa kawalan. Marahan akong naglakad-lakad sa harapan ng mga ito. "As far as I remember, Papa Renato left you with nothing but ten million pesos. At sa dami ng mga gamit na binili ninyo na nagkakahalaga ng higit sa perang iniwan sa inyo ni Papa Renato, sa tingin ko oras na para umalis kayo rito."

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon