Kabanata 15

1.7K 56 0
                                    

Tahimik na inaayos ko ang aking mga gamit. Nang dumating kasi si Sir Cace galing campsite ay kaagad niya akong sinabihan na isasabay niya na raw ako. Naipagpaalam niya na ako sa mga organizers at mga kaibigan ko. Kaya wala na rin akong nagawa kundi ang sumunod sa utos niya.

"Okay na ba ang mga gamit mo?" Tanong sa akin ni Sir Cace.

Marahan akong tumango. Pagkatapos niyo'y kaagad kong iniwas ang aking tingin. Napapangiwing kinuha ko ang aking mga gamit.

Medyo mabigat ang pakiramdam ko. Sumasakit ang aking ulo pati na ang dibdib. Kanina ko pa ito nararamdaman. Hindi ko lang maisabi kay Ms. Melissa dahil abala naman ito sa ginagawa.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Sir Cace nang mapansin ang pagtigil ko sa paglabas ng kuwarto.

Marahan akong humarap sa kaniya bago ngumiti. "Ayos lang po ako."

Saglit na kumunot ang kaniyang noo. Pinagmasdan niya akong mabuti bago naunang lumabas bitbit ang iba kong gamit.

Napapabuntong-hiningang sumunod na lamang ako sa kaniya hanggang sa kinapaparadahan ng kaniyang kotse.

"You look tired. Are you sure you're okay?" Tanong pa ni Sir Cace nang makapasok kami sa loob ng kaniyang kotse.

Muli akong napabuntong-hininga. Ayos lang naman talaga ako. Hindi naman na iba sa mga babae ang ganitong pakiramdam sa tuwing darating ang buwanang dalaw. Hindi nga lang ako mapakali dahil baka mamaya ay mayroon na ako. Nakakahiya kung dito pa ako sa kotse ni Sir Cace abutan. Isa pa'y nakasuot ako ng pinagsamang dilaw at puting summer dress. May shorts naman ako, pero mukhang hindi iyon sapat. Kaya sana makauwi kaagad kami bago pa man ako datnan.

"Dal..."

"Ayos lang po, medyo uncomfortable lang." Sagot kong napapaiwas ng tingin. Itinuon ko na lamang ang pansin sa pagkakabit ng seatbelt.

"Why?" Tanong ulit ni Sir Cace na ikinakagat ko sa labi. Wala ba siyang pakiramdam? Hindi ba niya maintindihang wala akong balak na sabihin sa kaniya ang dahilan kung bakit hindi ako komportable?

"Ah, pwede bang dumaan tayo sa gasoline station?" Sabi ko na lamang para maiwas ang usapan.

"Okay..." sagot naman niyang ikinahinga ko ng maluwag.

Ilang sandali lamang ay unti-unti nang umusad ang kotse ni Sir Cace. Bawat limang minuto ang lumilipas ay palagi niya akong sinusulyapan. Kunot ang noo na para bang may gustong sabihin o itanong pero kaagad kong nauunahan.

Para hindi na ako mailang pa sa bawat tinging ipinupukol sa akin ni Sir Cace ay nagpasya na lamang akong pumikit. Pinilit kong itulog ang pagkailang na nararamdaman.

Hanggang ngayo'y hindi ko maintindihan ang mga ikinikilos ni Sir Cace. May takot akong nararamdaman sa tuwing tititigan niya ako. Pero minsan, parang hinahaplos ng kung ano ang puso ko sa tuwing gagawin niya iyon. Para bang nahanap ko sa kaniya ang pakiramdam na dapat ay sa pamilya ko manggaling.

"Dalha, we're here..."

Mahinang haplos sa pisngi ang tuluyang nagpagising sa akin. Unti-unti kong iminulat ang mga mata. Madilim na sa labas kaya tanging mga ilaw sa isang gasoline station ang nabungaran ko.

Huminga ako ng malalim bago sumulyap kay Sir Cace. Hindi ko naiwasan ang mapalunok nang makitang titig na titig siya sa akin.

"May bibilhin ka ba?" Tanong niya.

"Yes, Sir..." sagot ko namang napapatango.

Kaagad kong binuksan ang pinto ng kotse. Pero bago ako lumabas ay itinali ko na muna sa aking baywang ang jacket na nahila ko kanina sa aking bag.

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon