Kabanata 4

1.9K 74 0
                                    


Pagbukas ng pinto ang nagpagising sa akin. Mabilis akong bumangon pero kaagad din akong napabalik nang makaramdam ng hilo.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Sir Cace nang makita ang nangyari.

Marahan akong tumango. Sinubukan ko ulit bumangon. Hindi na ako nahilo. Medyo wala na rin ang antok ko. Gutom nga lang.

Pasimple kong sinulyapan ang paper bag sa desk ni Sir Cace. Hindi naman iyon nakaligtas sa kaniyang paningin. Kaya nang makita ang kung anong tiningnan ko'y kaagad niya iyong kinuha't inilapag sa aking harap.

"Hindi na kita ginising kaninang lunch. Kainin mo na iyan para makauwi ka na." Seryosong sabi ni Sir Cace bago naglakad palapit sa kaniyang desk.

"Thank you..."

Tahimik na kumain ako ng sandwich. May inilapag din siyang orange juice.

Habang kumakain ay hindi ko naiwasang ilibot ang aking tingin sa buong opisina ni Sir. Ngayon ko lang napansin ang mga paintings sa loob ng kaniyang office. Hindi ko iyon nakita kahapon.

"You like paintings?"

Saglit na tumigil si Sir Cace sa kung anong ginagawa. "I love arts."

"Mahilig kang magdrawing, Sir?"

"Yes." Sagot niyang tila gusto nang tapusin ang usapan.

Hindi na lang ako umimik. Maybe he doesn't really want me here. Naaawa nga lang siguro dahil sa mga narinig kanina.

"How about you? Do you like arts?"

Umangat ang tingin ko kay Sir Cace. Sa kung anong ginagawa niya pa rin ang kaniyang atensiyon. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin.

"Dalha..."

"Uh, yes Sir. Mahilig din ako sa arts. 'Yung Papa ko kasi mahilig magpinta. Tinuruan niya ako kaya medyo marunong."

"Okay."

Nang matapos sa pagkain ay kaagad na akong tumayo. "Uh, Sir mauuna na po ako."

Mabilis na bumaling sa akin si Sir Cace. Dahil sa kaba ay mabilis na itinupi ko ang kumot na ipinahiram niya sa akin. Maayos na inilagay ko iyon sa couch.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Sir Cace. Kaagad na akong naglakad palapit sa pinto. Baka makahabol pa ako sa klase.

Pagbukas ko ng pinto'y sumalubong sa akin ang malamig na hanging panggabi. Madilim na sa paligid at tanging ilaw sa bawat poste ang nakabukas.

"Gabi na?!" Malakas kong sabi sabay harap kay Sir Cace. Patay ako nito, baka matanggal ako sa trabaho.

"It's already ten in the evening. Sumabay ka na lang sa akin pag-uwi." Kaswal na sabi ni Sir Cace.

"Mawawalan ako nito ng trabaho!" Naiiyak kong sabi. Hindi ako pwedeng matanggal sa trabaho. Kailangan ko ng pera para sa pag-aaral ko sa kolehiyo! Saka marami pa akong babayaran para sa nalalapit na graduation.

"We can still go there and talk to your manager. Maybe they can give you a second chance. Tutulungan kitang magpaliwanag."

Nakagat ko ang ibabang labi. "Bakit hindi niyo po ako ginising? Lagot ako nito kay Tiya Sabel."

Napansin ko ang pagtiim ng mga bagang ni Sir Cace. "Ihahatid na kita sa inyo."

"Pero Sir..." bahagya akong natigil nang titigan ako ni Sir Cace. "...teacher ko po kayo. Baka mag-isip ng kung ano ang mga tao kapag nalaman nilang natulog ako dito sa opisina mo tapos ay ihahatid pa pauwi."

"So?"

"So?" Salubong ang kilay na gaya ko sa sinabi niya. "You want me to get expelled? Gusto mo rin bang mawalan ng license?"

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon