Kabanata 9

1.7K 63 1
                                    

Kaagad akong bumaba ng sasakyan ni Sir Cace pagkahimpil niyon sa labas ng isang kubol. Sigurado akong nagpapahinga na ngayon ang mga kaklase ko sa loob ng isang malaking bahay sa 'di kalayuan dahil nakasalubong namin ni Sir Cace ang mga bus na sinakyan ng mga kasama sa camping.

Halos alas-dose na kaming nakarating dahil binagalan ni Sir Cace ang pagmamaneho. Hindi ko alam kung sinadya ba niya o pagod na siya sa haba ng oras na nakahawak siya sa manibela.

Akma akong lalabas nang bigla akong pigilan ni Sir Cace. Saglit kaming nagtitigan. Halata sa hitsura niya na may gusto siyang sabihin. Ngunit hindi niya na itinuloy sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Mauuna na po ako." Mahina kong sabi habang inaabot ko mula kay Sir Cace ang aking malaking bag.

Saglit siyang tumango bilang sagot. Ganoon rin ang ginawa ko bago tuluyang naglakad palapit sa malaking bahay.

"Dalha!" Pagtawag ni Sir sa aking pangalan. Atubili akong lumingon at nagtaas ng kilay. "Good night. "

I stayed there for a minute with a blank expression on my face. Ilang sandali lamang ay tuluyan na akong naglakad palayo.

"Alright!" Malakas na sigaw ng isa sa mga organizers. "Make sure you wear your shoes properly! Ayaw niyo naman sigurong maabala sa pag-akyat ng bundok kung hindi maayos ang pagkakasuot ninyo. May ilang organizers na sa likod pupuwesto para maging maayos ang lakad natin."

May ilan akong namataang tila walang pakialam sa sinasabi ni Mr. Gomez. Mukhang inaantok pa ang mga ito. Alas-kuwatro pa lang kasi ng umaga. Maganda raw na maaga pa lang ay umalis na kami para hindi kami tanghaliin sa pag-akyat ng bundok.

Inilibot ko ang paningin. Pawang mga senior high students lamang ang nasa paligid. Hindi ko alam kung makakasama ba talaga namin ang college students sa camping na ito. Pero wala akong namataan isa man sa kanila. It's either sa ibang lugar sila pumunta o baka nauna na sa campsite.

"Dalha, sayang!" Malakas na sabi ni Georgia na nasa tabi ko. "Nauna na pala kagabi sila Elliott. Sila pala ang naatasang magtayo ng mga tent."

"Hindi ba delikado iyon? Gabi silang umakyat, paano kung may nangyaring masama?" Nag-aalalang sabi ni Lois.

"Oo nga! What if may mga mababangis na hayop pala sa bundok na ito? Ayaw ko pang mamatay!" Maarteng wika ni Lindsay sabay kapit sa aking braso.

Napabuntong-hininga ako. "Uh, guys, sandali lang ah, kailangan ko lang gumamit ng banyo. Naiihi na kasi ako." Bulong ko sa mga kaklase kong malapit sa akin.

"Huh?! Eh aalis na nga tayo. Madilim naman, kaya pwede kang umihi sa damuhan!" Sabi sa akin ni Lois na ikinangiwi ko.

Akma akong sasagot nang mapansin naming nagsisimula nang magsilakad ang ibang mga estudyante. Wala na akong nagawa kundi ang tiisin ang panunubig at taimtim na nanalangin na sana'y malapit lang ang pupuntahan namin.

"Anong oras na?" Tanong ko kay Sammy na siyang malapit sa puwesto ko.

"Alas-singko pa lang."

Napapangiwing napaupo ako. Hindi ko na kayang pigilan ang panunubig! Parang sasabog na ang pantog ko.

"Dalha, are you okay?" Tanong sa akin ni Sammy.

"I need to—."

"What's happening?" Narinig kong tanong ni Sir Cace mula sa aking likuran.

"She needs to pee, Sir." Sagot ni Georgia na ikinalaki ng mga mata ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Sir Cace. "Royllan, mauna na kayo, sasamahan ko lang si Ms. Gregorio." Sabi ni Sir sa organizer na kasama ni Sir. Actually, isa rin sa mga organizers si Sir Cace.

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon