Kabanata 17

1.6K 56 4
                                    

"Love problem?"

Marahas akong bumuga ng hangin nang sabihin iyon ni Hiro. Kaagad akong umiling. "My step-mom."

"Ohh...your crazy stepmother," natatawang sabi ni Hiro na sinamaan ko lang ng tingin. "Ano na namang problema?"

Saglit na tinungga ko muna ang beer na hawak ko bago sumagot. "Gusto niyang layuan ko si Dalha."

"Who's Dalha?"

Hindi ako sumagot. Alam ko ang likaw ng bituka nitong kaibigan ko. Oras na sabihin ko kung sino talaga si Dalha, tiyak na bukas na bukas may complete information na itong hawak. It's kind of creepy but he's my friend, wala akong magagawa kundi tanggapin ito.

"Sabihin mo na. Pangako hindi ko huhukayin ang pagkatao ng girlfriend mo." Nakangisi nitong sabi.

"She's not my girlfriend." Kunot ang noong sabi ko.

Malakas na tawa ang pinakawalan ni Hiro habang tinatapik ang aking balikat. Uminom ito ng beer bago muling tumawa. "Let me guess, hindi mo pa naaamin sa kaniya o basted ka na kaagad?"

Ako naman ang napangisi. "Both?"

Totoo naman, dahil sa sitwasyon namin ni Dalha. Ilang beses na pinamukha niya sa aking wala siyang balak na kagatin ang mga pagpaparamdam ko dahil teacher niya ako. Dahil doon mas lalo akong nahuhulog.

Damn it.

I was like a teenager who's afraid to confess my feelings in front of my crush. Kailan nga ba ito nagsimula? Was is from the very first time I saw her? Nah—hindi naman yata. Parang noong naging maingay ang mga estudyante ko sa kaalamang may gusto si Elliott kay Dalha.

As a brother, siyempre, naging curious ako sa kung anong klaseng babae ang natitipuhan ni Elliott. And then, it turns out, it was one of my students; Dalha Mae.

I got more curious. Palihim na minamatyagan ko si Dalha. Hanggang sa napansin kong wala itong ano mang interes sa kapatid ko o sa kahit na kaninong lalaki. I also learned she's paying for her own tuition fee by working part time in one of my friend's convenience store. Mula noon tila nakaramdaman na ako ng paghanga kay Dalha. Paunti-unti, lalo siyang naging espesiyal sa puso ko. She's not just one of my students. She's the woman I'm attracted to.

"Dang, that's bad..." komento ni Hiro habang tinatapik-tapik ang aking balikat. "Anyway, anong gagawin mo ngayon?"

"What do you think?" Taas ang kilay na sabi ko sa kaibigan. Hindi ako ang uri ng taong magpapamanipula sa mga magulang ko. Lalo na kung hindi ko naman ito totoong magulang.

"Oh, c'mon dude. Don't tell me, isasakripisyo mo ang propesiyon mo para kay Dalha?"

Hindi ko napigilan ang mapangisi. Kung pwede ko nga lang na gawin iyon ay hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ora mismo'y magpapasa ako ng resignation letter just to be with Dalha. Pero hindi naman ako ganoon katanga, kailangan ko munang masiguro na sa akin nga babagsak si Dalha.

"You bet..."

"Oh shut up, we're professionals. At least let her graduate first or lumipat ka ng school." Nakangising wika ni Hiro na ikinabuntong-hininga ko lamang.

-

"Good morning Dalha! How are you?" Malakas na bati sa akin ni Georgia pagkapasok ko pa lang sa classroom. May hawak pa itong sandwich at mineral water.

Today's Monday, pasahan ng mga reaction paper about sa nangyaring school camping. Well, obviously wala akong maipapasa dahil sa aksidenteng nangyari sa akin na naging dahilan ng pag-uwi ko.

"Ayos lang naman, medyo okay na ang paa ko pati na rin ang iba kong sugat." Tipid ang ngiting sagot ko habang nauupo sa aking assigned seat.

Marahang inilabas ko ang ilang workbook na sinagutan ko nitong mga nakaraang araw. Natapos ko na ang mga assignment na ngayon ipapasa. Tanging ang reaction paper lamang ang wala ako.

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon