Kabanata 38

2.2K 89 10
                                    

Six o'clock na ng umaga ako nakauwi. Naratnan kong nagluluto ng almusal si Rita. Katulong naman nito si Tiya Sabel at Ate Melanie. Ang dalawa ko pang pinsan ay abala naman sa paglilinis sa sala. Si Tiyo naman ay tinungo ang garden para magbunot ng damo at magdilig.


"Good morning, Mommy Dalha!" Sabi nang nakangiting si Mira. Nakatayo ito sa upuang nasa dining hall at abala sa pagpupunas ng mga kubyertos.

"What are you doing?!" Gulat kong tanong bago kinuha rito ang mga kubyertos.


"Bakit Mommy Dalha? Bawal ba akong maglinis?" Tanong nitong nakakunot ang noo. "Sabi kasi ni Mama baka magalit ka at paalisin kami. Masipag ako Mommy Dalha! Minsan nga sumasama ako kay Lola para maglaba sa ibang bahay."

Bigla akong nakaramdam ng habag sa narinig. She's still a kid. "No Mira, what I mean is that, masyado ka pang bata para gumawa ng mga gawaing bahay. Kaya huwag mo na itong ipagpatuloy dahil maghahanap si Mommy ng mga gagawa nito, okay?"

Salubong ang kilay na tumango na lamang ito. Marahil ay hindi masyadong naintindihan ang mga narinig mula sa akin.


"Saan ka po pala galing?"


Bigla akong natigilan nang muling maalala ang mga nangyari. Cace really left without even telling me or even said goodbye noong makausap niya ako. He didn't even tried to—oh God, again, nagrereklamo na naman ako sa mga bagay na ako naman talaga ang may kasalanan.



Mabilis akong ngumiti bago ginulo ang buhok na Mira. "Mamaya pupunta tayo sa mall. Sa ngayon, magpapahinga muna ako, okay?"



Nang tumango si Mira ay kaagad na akong tumalikod. Bagsak na bagsak ang balikat na naglakad ako paakyat sa hagdan. Sobrang pagod ang siyang nararamdaman ko ngayon. Kulang na nga lang ay gumapang ako paakyat sa aking kuwarto.

Malalalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan nang tumapat na ako sa pinto ng kuwarto. Mariin akong napapikit nang tila babagsak na ako dahil  sa pagkahilo. Pikit ang mga matang pumasok ako sa loob. At nang maisara ko na iyo'y marahan akong napaupo sa sahig habang nakasandal sa pinto.



"Ah shit..." Mahina kong sabi bago hinayaan ang sariling mapahiga sa sahig. I was so tired to the extent na hindi ko na kayang lumapit pa sa kama.



Ilang minuto na akong nakahiga sa sahig at halos lamunin na rin ng antok nang bigla kong maramdaman ang pag-angat ko mula sa sahig. I'm so damned exhausted to utter any word. I also doesn't have the strength to open my eyes. Patay na patay na ang katawan ko. At ang tanging gusto ko lang gawin ay papagpahingahin ang aking katawan, lalo na ang puso at isipan ko.



"I'm only gone for hours and you already looked like this." Mahinang bulong ng pamilyar na boses bago ako tuluyang gupuin ng antok.



-



"What?!" Malakas na tanong ko kay Karen nang ipaalam nito sa akin na nagpupumilit si Leticia na kunin ang mana ni Elliott at Erina. "Alright, well talk about it tomorrow morning."



Nang ipaalam sa akin ni Manang ang nangyaring sagutan sa pagitan ni Dalha at Leticia ay kaagad na ipinatawag ko ang abogado ni Papa. Lahat ng nakasulat sa last will and testament ni Papa ay binasa ko. Nabasa ko mula roon na gusto nitong maging isang Sarmiento si Dalha. And I was shocked when I saw my name in it. Papa wanted me to marry Dalha.



"Anong gusto mong mangyari ngayon, Cace?" Tanong ni Clarissa; abogado ko. Ito rin ang CFO sa kompaniya. Kasama ko ito ngayon sa bahay dahil sa mga importanteng bagay na ipapagawa ko. At mga bagay na kailangan kong malaman ukol sa perang pumapasok at lumalabas sa kompaniya.



Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon