Kabanata 41

2.3K 81 2
                                    

"Hindi na ba magbabago ang isip mo, Dalha?" Malungkot na tanong ni Lois nang sabihin ko rito ang desisyon kong pag-alis sa trabaho. It's been two weeks since Cace brought me to his house-oh, I mean, our house. Isang linggo ang itinigil namin doon bago kami bumalik sa Manila. Marami kaming bagay na napag-usapan. Lalo na ang mga bagay sa pagitan naming dalawa.





Kahapon nang makauwi kami'y kaagad na inayos ko ang aking resignation letter. Alam kong biglaan, pero wala na akong magagawa. Aalis si Cace at balak niya akong isama sa US. Pwede naman akong tumanggi, kaya lamang ay mapilit siya. Hindi ko na raw kailangang magtrabaho pa dahil mayaman na raw ako. Siya na lang raw ang magtatrabaho dahil siya raw ang mahirap. Siraulo talaga!





"Sorry talaga, Lois." Tangi kong nasabi kay Lois. Naikwento ko na sa kaniya ang pagkakaayos namin ni Cace. Pati si Georgia ay alam na rin ang tungkol doon. At pareho silang masaya para sa akin. "Huwag kang mag-alala, palagi kitang dadalawin dito." Sabi kong tinanguhan ni Lois. Saglit siyang ngumiti nang matamis bago ako niyakap nang mahigpit.





Hanggang ngayon ay hindi raw sila makapaniwala na kaming dalawa ni Cace ang magkakatuluyan. Oo at palagi nila akong tinutukso kay Cace noon. Pero wala sa hinagap nilang darating sa punto na magkakaroon ng malalim na unawaan sa pagitan naming dalawa. Hindi rin nila inasahang magiging komplikado ang lahat. At ngayon nga'y heto kami ni Cace, masaya at puno ng pagmamahal sa isa't isa.




Ako man, hindi ko pa rin alam kung bakit minahal ako ni Cace. Na kahit na alam niyang bawal at labag sa batas ay pinili niya pa ring harapin nang may tapang ang nararamdaman. Kung ako siguro ang nasa posisyon niya, may possibility na sumuko ako. Takot ako sa mga bagay na makakadulot ng sakit at hirap sa akin. Duwag ako. Kaya malaki ang paghanga ko sa kaniya dahil nakaya niyang harapin ang mga iyon.





Pagkatapos kong makuha ang ilan kong gamit sa school ay kaagad na akong umuwi. Naabutan ko si Mira na nagmimeryenda sa kusina kasama si Cace. Wala ang Mama nito dahil natanggap na sa pinapasukan. Isa iyong fast food restaurant. Ang lolo at lola naman nito ay sa bahay na lamang at piniling tumulong sa paglilinis ng bahay at bakuran. Wala namang kaso sa akin. Ipapaubaya ko na rin naman sa kanila ang pangangalaga sa bahay. Siguro naman ay ayos lang iyon kay Elliott.



"Oh, babe, you're here." Nakangiting sabi ni Cace bago lumapit sa akin at mabilis na ginawaran ako ng halik sa pisngi. "Gusto mong kumain?"



Bigla akong nakaramdam ng gutom nang alukin niya ako. Kaya kaagad kong itinaas ang tatlong box ng mango tart na binili ko sa nadaanang pastry shop. "I bought some mango tart, let's eat."





Malaki ang ngiting kinuha sa akin ni Cace ang mga bitbit ko. Dinala nito iyon sa counter. Habang ako naman ay sabik na nilapitan si Mira. Napansin kong kumakain ito ng hopia.







"Hi Mommy Dal." A sweet smile formed on her lips. Maging ako'y nahawa kaya matamis din akong ngumiti at mabilis siyang kinintalan ng halik sa noo. "Binilhan ako ni Tito Daddy ng mga story book."






"Well, that's good." Sagot ko bago tumingin kay Cace na saktong papalapit sa amin dala ang platitong may mango tart. I hurriedly took a bite on my tart. Nang sumayad iyon sa aking dila'y hindi ko napigilan ang mapapikit at mapangiti nang matamis.






"Masarap?" Tanong ni Cace na kaagad kong tinanguhan bago muling kumagat sa kinakain. Nang maubos ang nasa platito ko'y nagrequest pa ako ng isa na siya namang sinunod ni Cace. "God, it's so good! Bakit ngayon ko lang nalaman ang pastry shop na iyon?" Tanong ko sa sarili bago inubos ang ikalawang slice. Pagkatapos niyo'y muli pa akong kumuha na siyang ikinangisi ni Cace.






Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon