Kabanata 1

5.8K 102 0
                                    

"Hala, late ka na! Nakaalis na si Sir, Dalha." Malakas na sabi ni Georgia pagkapasok ko pa lang sa classroom.

Nasa grade twelve na ako. Kaunting sikap na lang ay makakatuntong na ako ng kolehiyo. Kaya kailangan ko talagang magtrabaho para makapag-ipon.

"Naku, pwede pa naman sigurong humabol, 'di ba? Nasaan kaya si Sir ngayon?" Nag-aalala kong tanong. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng oras para gawin ang nasa workbook ko. Marami akong ginawang trabaho sa convenience store sa bayan. Tapos siyempre, may mga ginawa pa ako sa bahay. Nakakahiya naman kay Tiya baka tuluyan na akong palayasin niyon.

"Eh may klase pa tayo. Mamaya mo na lang iyan ipasa, hanapin mo sa college department. Huling klase na tuturuan niya sa araw na ito ang klase nila Elliott." Nakangisi namang sagot ni Lois.

Napaiwas na lamang ako ng tingin. Halata kasing tutuksuhin na naman nila ako. Paano ba naman kasi'y kumalat sa buong school na may gusto sa akin si Elliott. Nakakailang at nakakahiya nga dahil napakayaman niyon. Baka isipin pa nitong assuming ako't nagugustuhan ang mga panunukso ng mga kaibigan.

"Ganoon ba..." patay malisya kong sagot bago naupo sa aking upuan.

Inabala ko ang sarili sa pakikinig sa aming guro. Gusto ko sanang mag-excuse para ipasa ang workbook kaya lang ay nahihiya ako. Lalo na't napakaistrikto pa naman ni Sir Indigo.

Natapos ang buong klase nang bandang alas-tres ng hapon. Sana ay may isa pa kaming subject na pag-aaralan kaya lamang ay may sakit si Ma'am Remy kaya pinauwi na lamang kami.

"Samahan niyo naman akong magpasa, oh?" Sabi kong nginisihan lang ni Georgia at Lois.

"Talagang sasama kami, marami kayang gwapo sa college department."

Napangiti na lamang ako. Alam ko namang hindi talaga iyon ang dahilan nila. Gusto lang talaga nila akong makitang pumunta sa room nila Elliott.

Tahimik kaming naglakad papunta sa college department. Wala akong imik dahil sa kaba; baka kasi hindi na tanggapin ang workbook ko. Samantalang ang dalawa kong kasama kulang na lang maging direktor sa isang pelikula sa sobrang lawak ng imahinasyon.

"Uy, nandito na pala tayo!" Nakangising sabi ni Georgia habang tinitingnan ako.

"Mukhang wala namang klase sina Elliott. Look oh, he's outside." Kinikilig naman na puna ni Lois.

Kaagad na lumipat ang tingin ko sa pinto ng classroom nila Elliott. Nasa labas nga ito gaya nang sinabi ni Lois at Georgia.

"Eh di, wala si Sir. Tara na umalis na tayo." Pagyaya ko sa dalawa.

Akma akong aalis nang mabilis na hinila nila ako palapit sa grupo nila Elliott. Hindi nakalagpas sa aking pandinig ang mga tuksuhan at hiyawan ng ilang college students.

"Sarmiento, nariyan na ang crush mo!" sigaw ng isa sa mga lalaking nakaupo sa tapat ng kanilang room.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi. Wala akong nagawa nang magbigay daan ang mga estudyante para makalapit ako kay Elliott.

Nakayuko at marahan akong naglakad palapit dito.

"Hi, Dalha, may kailangan ka?" Tanong nitong nakangiti.

"Uh, i-itatanong ko l-lang sana kung p-pumunta ba rito si Sir C-Cace?"

"Si Kuya? Bakit, anong kailangan mo kay Kuya?" Seryosong tanong nito sa akin.

Saglit na tumingin ako sa paligid nang mapansing tahimik na ang mga nag-iingay kanina. Lahat sila ay atentibong nakikinig sa pinag-uusapan namin ni Elliott.

"Magpapasa sana ako ng workbook. Nalaman ko kasing kayo ang huli niyang tuturuan sa araw na ito. Pero mukhang wala naman si Sir kaya aalis na lang ako." Mahina kong sagot.

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon