Kabanata 33

1.8K 64 2
                                    

Pinigilan ko ang sariling mapanganga nang ilapag ng lalaki ang malaking lobster sa gitna ng lamesa. Ang buong akala ko'y iyon lang ang kakainin namin, pero lalo akong nagulat nang makita ang ibang putaheng dumating. Lahat ay pawang seafood.

Ayos lang naman sa akin kung ganoon karami ang pagkain. Ang problema lang ay kung paano namin iyon uubusin? Mabuti sana kung marami kaming magsasalu-salo. Eh, dadalawa lamang kami, ang masama pa'y hindi naman ako malakas kumain.

Akma akong kukuha ng lobster nang biglang tumunog ang aking cellphone. It was Erina. Kaya mabilis akong nagpaalam kay Cace na sasagutin ko muna ang tawag.

"Ate..." Umiiyak na tawag sa akin ni Erina.

"Bakit ka umiiyak?" Nag-aalala kong tanong habang napapasulyap kay Cace na nasa table at mariing nakamasid sa akin.

"Kinulong ako ni Mommy dito sa bahay." Lalong lumakas ang pag-iyak ni Erina kaya bigla akong kinabahan. Wala sa sariling napalingon ulit ako kay Cace.

"Bakit?!" Galit na tanong ko.

"She saw you with Kuya Cace kanina. Sabi niya kapag nagkabalikan daw kayo ni Kuya tuluyan niya na raw akong ikukulong dito. Magpapakalat din siya ng pictures niyo ni Kuya Cace. Sasabihin niya rin daw na ikaw ang pumatay kay Kuya Elliott, dahil nalaman mo raw na mas mayaman si Kuya Cace. Ipagsasabi niya raw na mukha kang pera at kabit mo si Kuya."

Hindi ko napigilan ang pagkuyom ng aking mga kamay. Ramdam kong unti-unting nabubuo ang galit sa aking dibdib.

Isang malungkot na ngiti ang aking pinakawalan. "Huwag kang mag-alala Erina, hindi kami magbabalikan ng Kuya mo. Pangako, pagbalik ko, kukunin kita riyan."

"Opo, ate. Natatakot na kasi ako kay Mommy."

"Don't worry, Erina, akong bahala sayo."

Nang matapos ang tawag ay saglit kong kinalma ang sarili bago naglakad pabalik sa table. Wala akong balak na sabihin kay Cace ang mga sinabi ni Erina. Mukhang pati ang kapatid nito'y ayaw ipaalam sa kaniya ang nangyayari. Natatakot marahil sa kung anong gawin ng kuya nito.

"May iba ka pa bang gusto?" Tanong na ikinatikhim ko.

Mabilis akong umiling. "Napakarami na nga nito magdadagdag ka pa?" Pasuplada kong sagot.

Bigla akong napairap nang marinig ang pagtawa ni Cace. Akala mo'y may nakakatawa sa sinabi ko gayong totoo naman ang mga iyon.

Ilang sandali lamang ay nagsimula na kaming kumain. Kaunting-kaunti lang ang kinuha ko dahil ramdam ko pa naman ang kabusugan. Ayaw ko namang kumain ng madami at baka sumakit lang ang tiyan ko.

"Kumusta ka, Dal?"

Awtomatiko akong natigil sa pagsubo ng pagkain nang marinig ang tanong ni Cace. Marahan kong itinaas ang aking tingin. I gulped when our eyes met. Punong-puno ng iba't ibang emosiyon ang kaniyang mga mata. Kakaiba rin ang paraan ng kaniyang pagtitig. It was as if he could see my whole being.

Malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Saglit kong ibinaba ang kubyertos bago sumandal sa upuan. "Itinatanong mo pa iyan sa akin gayong alam mo naman ang sagot."

Cace smirked. "Bakit ba ang sungit mo? Mayroon ka ba ngayon?"

Tiim ang bagang na ikinuyom ko ang aking kamay. "Dinala mo ba ako rito para makausap o para pagkatuwaan?"

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Cace. Inis na tumayo ako't naglakad palayo. Nakakawala ng gana kung kakain ako habang kaharap ko siya. Mas maigi pang huwag ko na lang tapusin ang pagkain.

May limang minuto akong nakatitig lamang sa malawak at madilim na karagatan. Nang magsawa ay akma na sana akong papasok sa cabin nang maramdaman ko ang hininga ni Cace sa aking batok. Bigla tuloy akong kinabahan, lalo na nang itukod ni Cace ang kaniyang mga kamay sa railings ng yate. Pakiramdam ko'y kakapusin ako ng hininga nang mapagtanto ang aming posisyon.

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon