Kabanata 20

1.9K 67 5
                                    

Marahan kong inilayo ang sarili kay Sir Cace. Pero nang makawala ako sa kaniyang yakap ay tila kandilang nanlambot ang aking mga tuhod. Hindi ko inaasahan ang mabilis niyang pagkilos.

"Be careful..." mahina niyang sabi habang hawak ang aking baywang.

Awang ang bibig na hindi ko alam ang gagawin. Tila lutang ang isipan ko sa narinig na pagtawag niya sa akin. Hindi ako makapaniwala. Ano bang gusto niyang iparating sa mga salitang iyon?

"U-Uuwi na po ako S-Sir." Utal kong sabi sabay layo kay Sir Cace. Gusto ko nang umuwi at magkulong sa kuwarto. Naiilang ako sa mga ginagawa ni Sir Cace. Lalo pa't nagiging abnormal na naman ang tibok ng puso ko.

"Ihahatid na kita, Dal—."

"Ayaw ko! Okay lang ako! Kaya kong umuwi mag-isa!" Hindi ko na napigilan ang sariling sigawan si Sir. Hindi ko kasi naiintindihan kung bakit ganito siya sa akin.

"You're not okay! Masama bang ihatid kita pauwi?" Napapikit ako nang mariin. Kuyom ang kamaong tumigil ako sa paglalakad saka humarap kay Sir Cace.

Isang hingang malalim ang pinakawalan ko bago sumagot. "Oo! Ayaw kong maging tampulan ng usapin sa school! Ayaw kong mag-isip sila ng masama dahil gusto kong makapagtapos nang maayos ang lahat! Bakit ba hindi mo iyon—."

"Dahil ba ito sa ginawa ni Mama sa iyo? Dalha naman, I already told you! Magsumbong ka sa akin kung may ginagawa siyang masama sa iyo!"

Mariin akong umiling dahil sa hindi maintindihan ni Sir Cace ang kalagayan ko. "Cace pwede ba, layuan mo na lang ako."

"Dal, sweetie please..." mahina niyang sabi habang inaabot ang aking kamay. Kumunot ang noo ko. Para bang unti-unti ko nang naiintindihan kung anong gusto niyang mangyari.

"Cace, do you like me?" Prangkang tanong ko na ikinatitig niya sa akin. Bakas ang pagkabigla sa kaniyang mga mata pero mabilis niya iyong napalis.

"It's more than that, babe."

"Stop me calling me names!" Inis kong sabi kahit na ba tila may kung anong kumislot sa dibdib ko nang marinig ang kaniyang sagot.

"Alright, but please tell me what should I do to make you stop ignoring me?"

"I want you to stay away from me, Cace. Teacher kita at alam natin pareho kung anong kahihinatnan ng lahat, oras na pagbigyan kita."

Napansin ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Sir Cace. "Don't do this me, Dal."

Hindi ko siya sinagot. Mabilis lang akong tumalikod bago muling naglakad. Hindi ko inaasahang pareho silang magtatapat ni Elliott. Too bad, wala akong pipiliin sa kanilang dalawa dahil mas importante ang pag-aaral ko. Hindi ko kakayaning isugal ang pag-aaral para lang sumuong sa walang kasiguraduhang pagmamahal ng isa sa kanilang dalawa.

Hindi pa man ako nakakalayo'y bigla kong naramdaman ang paghila sa akin ni Sir Cace. Wala akong nagawa nang mahigpit niya akong yakapin. Mahigpit na para bang wala talaga siyang balak na pakawalan pa ako.

"Cace!" Inis kong sikmat.

"I'll quit. Bukas na bukas magpapasa ako—."

Hindi niya naituloy ang sasabihin nang malakas ko siyang binatukan. Kita kong bumalatay ang pagkabigla sa kaniyang mukha. Maging ako nga'y nabigla rin sa ginawa pero kaagad akong nakahuma. Inis na muli ko siyang hinampas. But this time sa kaniyang dibdib ko na iyon pinatama.

"Nahihibang ka na ba?! Sa tingin mo ba may magagawa iyon?! Kahit tumigil ka pa sa pagtuturo gagawan pa rin ako ng masama ng Mama mo oras na malaman niyang magkasama tayong dalawa! At iyon ang pinakaayaw kong mangyari. Kaya pwede ba Cace, layuan mo na lang ako." Mahaba kong lintaya na ikinangisi niya lamang. Ngali-ngaling batukan ko na naman siya sa naging reaksiyon niyang iyon.

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon