Kabanata 32

2K 80 10
                                    

"Is everything okay?" Malaki ang ngiting tanong ni Sammy sa mga kasama namin. Katatapos lamang kasi ng mga itong ilagay sa bus ang mga gagamitin sa camping. Habang ako nama'y kararating lang galing sa mall. Bumili ako ng mga iba pang kailangan. Sinigurado ko ring may dala akong medicine kit. Mahirap kasi kung may biglang may masugatan tapos wala kaming maipapanggamot.


"Yup! Pwede na tayong umalis!" Excited na sagot ng ilan sabay sakay sa bus.


Napapangiting pinagmasdan ko ang aking mga kaklase. Para akong bumalik sa araw na nagkaroon din kami ng camping trip. Ang kaibahan nga lang ngayon ay may ilan sa mga kaklase ko ang kasama ang kanilang mga asawa't anak. Pero marami-rami pa rin naman ang mga single.


"Hoy, tunganga ka girl. May iniisip o may hinahanap?" Pang-aalaska sa akin ni Georgia nang makita ako nito. "Wala pa si Sir susunod na lang yat—."


"Hindi ko siya hinahanap." Walang gana kong sabi bago marahang naglakad bitbit ang aking maleta palapit sa bus.



"Ows? Eh, bakit iyang mga mata mo parang naglakbay na naman sa mundo ng kahapon? Naalala mo siguro iyong nangyari noon, ano? When he helped you with your phobia. Ah, ang sweet ni Sir sayo noon girl."



"Georgia, please..." bulong ko nang mapansing nakatingin sa amin ang mga kaklase namin.



"Bakit ba, totoo—."




"Sir!" Tila nanigas ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang sabay-sabay na pagsigaw ng mga kaklase ko. Hindi ko napigilan ang mapalunok. Pasimple rin akong nagpakawala ng buntong-hininga.



Now that I already know the reason why he left, parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Nakakahiya ang mga salitang binitiwan ko noong una kaming magkita pagkatapos ng mahabang taon na wala siya.



"Hey guys..." Simple niyang bati habang nakangiti sa mga dati niyang estudyante.



"Dito ka ba sasakay Sir?" Tanong ni Janice.



Mariin akong pumikit. Pagkatapos niyo'y isang marahas na buntong-hininga ang aking pinakawalan na siyang ikinatingin sa akin ng lahat. Pero patay-malisya lamang akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makalapit ako sa pinto ng bus.



"Ah, no. Dadalhin ko iyong sasakyan ko." Sagot ni Cace na ikinairap ko.



Padabog na binuhat ko ang aking maleta para maiabot kay Justin na naghihintay sa taas. Kasunod niyon ay akma na sana akong aakyat nang may pumigil sa akin.



"Dalha..."



Kaagad akong napalingon kay Cace na nasa likod ko. "What?"



"Sa akin ka sasabay." Seryoso niyang sabi na ikinaiwas ko ng tingin.



Sasagot na sana ako nang marinig ko ang hagikhikan ng aking mga kaklase. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Kaya malakas akong tumikhim. "No thanks, okay na ako sa bus."



"Dalha."



"Nasa taas na ang gamit ko kaya—."




"Sir, ito na ang gamit ni Dalha. Dadalhin ko na ba sa kotse mo?" Nakangising sabi ni Justin bago ibinaba ang aking maleta. Matalim ko itong tiningnan pero hindi nawala sa mga labi nito ang ngisi. Para bang kahit magalit ako o umiyak ay hindi nito ibabalik sa loob ng bus ang aking maleta.



Nakakainis. Minsan talaga hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko pa ba ang mga kaibigan ko.




"Sa akin ka sasabay dahil may mga pag-uusapan tayo tungkol sa iniwan ni Papa at Elliott." Malamig na wika ni Cace bago ako hinila palapit sa kaniyang kotse.



Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon