Kabanata 25

1.7K 60 2
                                    

Pakiramdam ko'y nanliliit ako sa aking kinauupuan. Pinilit ko ang sariling huwag ilibot ang tingin sa kabuohan ng malaking bahay ng mga magulang ni Cace. Nahihiya ako at kinakabahan na rin sa isiping ano mang oras ay darating ang masungit niyang ina. Iyong tipong baka magsasalita ito ng mga salitang tanging sa mga pelikula ko lamang naririnig.

"Ate Dalha!" Malakas na sigaw mula sa puno ng hagdan ang nagpalingon sa akin. Humahangos na bumaba si Erina na may malaking ngiti sa mga labi. Kaagad ako nitong niyakap nang makalapit sa akin. "I thought you're not gonna make it! I'm happy to see you, Ate!"

Napapangiwing gumanti na lamang ako ng yakap. Hindi ako makapagsalita. Lalo pa't nasa likod lamang ni Erina ang Ate nitong si Estella. Masama ang tingin nito sa akin. Patunay na hindi nito gusto ang kaalamang kasama ako sa kanilang family outing.

"Dalha, you're here!" Malaki ang ngiting sabi ni Elliott nang makita ako.

"Uh, hi..." mahina kong bati sabay tango.

Akmang lalapit sa akin si Elliott nang biglang sumulpot ang Daddy ng mga ito. Nakangiti itong lumapit sa akin. "It's good to see you again, hija."

Napatango na lamang ako. Nahihiya akong sumagot o bumigkas man lang ng kahit na anong salita. Pakiramdam ko kasi'y isang malaking kasalanan kung sasagot ako. Kug nandito lang sana si Cace. Paano ba naman kasi'y may gagawin daw saglit. May tumawag kasi rito kanina. Mukhang galing iyon sa opisina niya kaya wala siyang nagawa kundi ang pumunta roon saglit. Hindi ko naman na pinigilan, baka kasi emergency meeting pala iyon. Isa pa, ibinilin naman niya ako sa isang nilang katulong.

"Let's go?" Nakangiting tanong ni Elliott sabay hawak sa aking siko. Hindi na ako umangal, nakakahiya kasi. Pero nang nasa pinto na kami ay bigla akong lumayo kay Elliott. "Why?"

"Ah, hihintayin ko na lang si Sir Ca—."

"Bakit naman? Ayaw mo bang sumabay sa amin?" Mataray na tanong ni Estella.

Bigla akong napalunok. "Hindi naman sa ganoon. Kaya lang ay—."

"Iyon naman pala, 'wag ka nang maarte, susunod naman iyon si Kuya."

Tahimik na sumunod na lamang ako sa pagsakay sa malaking van ng mga Sarmiento. Hindi na lamang siguro ako magsasalita para wala na ring masabi si Estella.

Buong biyaheng nakatuon lamang ang aking tingin sa labas ng bintana. Hindi nga ako umiimik hanggang sa makarating kami sa isang tagong paliguan sa lugar na hindi ko alam. Isang talon iyon na may malamig at napakalinis na tubig. Mukhang private property ang kinaroroonan namin dahil kami lamang ang tao.

"Ate Dalha, can you help me with my bathing suit?" Pakiusap sa akin ni Erina. Kaagad akong tumango at naglakad papasok sa isang cabin na malapit sa isang malaking puno.

Habang tinutulungan ko si Erina sa pagpili ng kaniyang isusuot ay hindi ko maiwasan ang mapangiti. Wala akong kapatid, kaya natutuwa ako sa ginagawang pagtulong kay Erina. Sa ganitong paraan para na rin akong nagkaroon ng nakababatang kapatid sa katauhan nito.

"Sorry Ate, inabala pa kita. Wala kasi si Mommy, eh. She's in Paris."

Awtomatikong nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Kaya pala hindi ko ito nakikita, nasa ibang bansa pala. "You said she—."

"Well, dapat talaga nandito siya. Kaya lang, mukhang nag-away na naman sila ni Kuya kagabi." Nakangusong sabi ni Erina habang tinitingnang maigi ang kulay kremang swimsuit.

Saglit akong tumikhim. May hinala akong dahil iyon sa perang gustong isuhol sa akin ng kanilang Mama. Akma akong magsasalita nang biglang pumasok si Elliott sa cabin. Nakangiti ito habang pinupunasan ang sarili. Mukhang umaambon base sa mga patak ng tubig sa kulay pulang hoodie ni Elliott.

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon