Kabanata 35

2.2K 81 9
                                    

"Iinom na 'yan! Iinom na 'yan!" Nakangising sabi ni Georgia habang pinipilit akong inumin ang beer na nasa harap ko. Nasa isang bar kaming tatlo ngayon. Nagpumilit kasi si Georgia na uminom kasama kami. Kahit man lang daw sa huling gabi niya rito sa Pilipinas ay kasama niya kami. Ang kaso nga lang, siya lang naman ang umiinom. Pareho kami ni Lois na hindi mahilig sa ganitong inumin.

"Sige iinumin ko ito pero sa isang kondisyon!" Sigaw ko. Sinadya kong lakasan ang boses dahil kalat sa lahat ng sulok ng bar ang maingay na tugtog at halakhakan ng ibang tao.

"Sure!" Sabi ni Georgia bago nilagok ang beer nito. "What's your condition, Dalha?"

"Uuwi na tayo pagkatapos ko itong inumin." Sagot kong ikinakunot ng noo ni Georgia.

"Oo nga Georgia. Kahit ako, gusto ko na ring umuwi." Singit ni Lois na nasa isang tabi habang hawak ang cellphone na kanina pa yatang nakabukas. Mukhang walang tigil sa pagtawag ang anak nito.

"Sige na nga..." Nakangusong sabi ni Georgia bago sumandal sa upuan.

Saglit akong huminga ng malalim. Unang beses na iinom ako ng beer kaya hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kaba. Nanginginig ang kamay na inabot ko ang basong nasa harap ko. Puno iyon ng alak na alam kong hindi magugustuhan ng aking sikmura. Ganoon pa man mabilis ko iyong ininom. Nang matapos ay malakas na inilapag ko ang basong walang laman sa lamesa. Hindi ko na pinansin ang malakas na hiyaw ni Georgia, kaagad akong tumayo't kinuha ang aking bag. Pagkatapos niyo'y hinila ko naman ito para makalabas na kami ng bar.

"Ano ba 'yan, seryoso kang uuwi na talaga tayo?" Pagrereklamo nito.

"Oo nga!" Sagot kong napapapikit. Maliban kasi sa nalalasahan ko pa rin ang beer ay unti-unti na rin akong nakakaramdam ng hilo.

"Wala naman kayong pasok bukas, ah." Sabi pa ni Georgia.

"Kahit na..." Muli kong hinila si Georgia. Nakasunod naman sa amin si Lois na panaka-nakang lumilingon sa likod nito. Mukhang may nakitang kakilala.

Nang makarating sa parking area ay akmang papapasukin ko si Georgia sa kotse nang may pumigil sa akin. Matangkad na lalaki, maputi at halatang may sinasabi sa buhay. All black ang suot nito, ganoong kulay din ang facemask at sombrero.

"Uh, sorry but—."

"I'm her boss."

"Boss o manager?" Tanong ni Lois.

Marahas na bumuntong-hininga ang lalaki bago kinuha sa akin si Georgia. "I'm Xyrus Lee."

Sabay-sabay kaming napasinghap nang biglang tapikin nang malakas ni Georgia ang pisngi ng lalaki. "Oh! My handsome, boss is here. Ano, iuuwi mo na ba ako sa Korea para pagalitan? Paparusahan mo na naman ba ako kasi tinakasan kita? Ah, sinumbong ako ni Kihyu, ano? Sinabi niya ba sayo na nabasag ko iyong favorite chess board mo? O sinabi niya ba sayong inaway ko ang girlfriend mong maarte? Nalaman kasi ni Jaeha na crush kitang hayop ka!"

"That's enough, Gia." Mariing wika ng lalaki bago binuhat si Georgia. Hindi na hinintay pa ng lalaki na makasagot kami ni Lois. Kaagad na itong lumapit sa isang kotse at ipinasok doon si Georgia.

Gusto kong sumunod sa dalawa, pero hindi ko na nagawa dahil pinigilan ako ni Lois. Isa pa'y nakaramdam na naman ako ng pagkahilo. Para ngang gusto kong masuka. Ang bilis ko namang tamaan sa isang baso lang ng beer. Well, understandable naman iyon dahil unang beses kong uminom ng ganoong uri ng alak.

"Uwi na tayo, Lo—." Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang tila nanlambot ang aking mga tuhod. Tuloy-tuloy na naupo ako sa tabi ng sasakyan.

"D-Dalha!" Rinig kong sabi ni Lois bago lumapit sa akin.

Love Is All That MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon