CHAPTER 3

50 17 0
                                    

Ronalyn's POV

Makita lang siyang nakatitig sa kaniya, nagseselos na ako.

'Bakit kailangan mong tumitig sa kaniya?'

Sinundan ko lang si Danna nung sinabi niyang susundan niya si Mike at tinext din ako ni Claude na nandito siya. Sana pala hindi ko nalang tinanong kay Claude kung nasaan sila.

Flashback

Nagkatinginan kaming lahat dahil bigla nalang lumabas si Mike.

"Anyari kay Mikropono?"tanong ni Kyle.

"Hindi naman madali magbago mood nun diba?"tanong naman ni Jenalyn.

"Lagot ka, Aquisha!"saad ni Ace kay Aquisha.

"Lah? Bakit ako?"tanong naman ni Aquisha.

"It seems that he got jealous because of that!" rinig kong sabi ni Kevin.

"Anong because of that?"tanong ko sa kaniya.

"Manhid!"sagot naman ni France at Khalix.

"I'm gonna follow him!"biglang sabi ni Danna kaya napatingin ako sa kaniya.

"Bakit naman, Danna?"tanong ni Claire.

"It seems that he need me to punch his face!"sagot niya bago lumabas.

"Wow! Suntukin talaga?"tanong naman ni Kyle. Ilang segundo akong natahimik hanggang sa tumunog yung cellphone ko kaya agad ko yung tiningnan.

Claude:
Hey!Ronalyn! I'm at the front of the building! I'm under the tree!

Ronalyn:
Eh? Anong ginagawa mo diyan?

Claude:
Binibisita ka malamang! Antagal kaya nating hindi nagkita 'no! Ok! Nandito ako malapit sa building na pinagta-trabahuan mo! Nakatayo ako dito sa ilalim ng puno! May dalawang tao na nag-uusap, di kalayuan sa gawi ko!

'Dalawang tao?'

Ronalyn:
Anong dalawang tao? Pwede mo ba silang ilarawan sa akin?

Claude:
Yung lalaki, mas matangkad dun sa babae! Umiiyak ata yung lalaki eh! Tapos yung babae? Nakapanlalaking damit tapos may kulay yung lower part nung buhok niya! Parang pamilyar din siya sa akin eh!Isa lang naman yung kilala kong may ganung kulay ng buhok eh!

Pagtapos niyang sabihin yun ay ibinalik ko na yung cellphone ko sa shoulder bag ko bago ako tumayo.

"Where are you going, Ronalyn?" tanong sa akin ni Jacob.

"Magpapahangin lang ako!"sagot ko naman sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita dahil naglakad na ako palabas at pumunta sa elevator. Pinindot ko yung ground floor. Mabuti nalang at mag-isa lang ako.

'Sana hindi ikaw yung lalaking yun!'

Biglang tumunog yung elevator kaya agad akong lumabas ng building. Nakita ko agad si Claude na nasa silong ng puno kaya agad ko siyang pinuntahan.

"Long time no see,Ronalyn!" nakangiting sabi niya sa akin kaya ngumiti na lang din ako.

"Uhmm! Asaan pala yung dalawang taong nag-uusap?!"tanong ko sa kaniya.

"Ayun sila oh!"sagot niya habang may itinuturo kaya sinundan ko yung kamay niya. Nang makita ko na yung sinasabi niya ay parang biglang tinusok yung puso ko.

Fallin' for you (Friends to lovers Series #2)✓Where stories live. Discover now