CHAPTER 28

18 7 0
                                    

Ronalyn's POV

(September 09,monday)

Hindi ko alan kung anong pinag-usapan nila kahapon. Wala din silang sinabi sa akin. Nandito na kami sa company kung saan kami nagtatrabaho. Nandito din si Danna dahil sila ang may-ari ng kumpanya. Hindi parin pumapasok si Bea dahil sa buntis siya. May sari-sarili kaming office dito at nandito ako sa office ko nakaupo at hindi makapag- concentrate. Paano ba naman kasi nung gumising ako at bumaba para kumain lahat sila nakangisi sa akin pwera lang si mikropono.

"Ugh! Ano ba kasi yung pinag-usapan nila?"tanong ko sa sarili ko habang ginulo ko yung buhok ko. Kanina pa ako nagd-drawing dito pero laging palpak dahil sa kaka-isip ko doon. Bumalik nalang ako sa pagd-drawing ng may kumatok sa pintuan.

"Ms. Dela Cruz?"tanong nung tao sa labas ng pinto.

"Pasok!"sagot ko naman kaya bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babae.

"Yes? Ms.Aguilar?"I asked her back.

"Ms. Dela Cruz may naghahanap po sa inyo sa baba"saad niya.

"Yun lang ba?"tanong ko ulit sa kaniya.

"Pagkatapos niyo daw pong kausapin yung lalaking naghihintay sa inyo, dumeretso daw po kayo sa office ni Ma'am"sagot ni Ms. Aguilar na secretary ni Danna. Umalis na siya kaya inayos ko na yung mga kalat ko at tsaka tumayo. Lumabas ako habang iniisip kung sino yung taong naghahanap sa akin. Sumakay ako ng elevator at pinindot yung ground floor dahil nasa 5th floor ako. Nang makarating ako sa ground floor ay agad akong dumeretso sa isang malaking sofa kung saan naghihintay yung lalaking naghahanap sa akin. Nang makalapit na ako sa kaniya ay agad ko siya kinalabit kaya agad siyang humarap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya.

"Nic?!"masayang sambit ko sa kaniya. Tumayo siya at niyakap ako at agad ding humiwalay.

"Anong ginagawa mo dito Nic?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Binibisita lang kita tsaka eto pala para sayo"sagot niya bago niya ibinigay yung isang bouquet of roses, stick-o, yakult, chuckie at gummy foods.

"Bakit ang dami? At tsaka paano mo nalaman na paborito ko 'to"tanong ko sa kaniya na ikinapula niya kaya tumingin siya sa ibang direksyon.

"A-ano,tinanong ko kasi yung ate ko kung ano yung pwede kong ibigay sayo kaya iyan yung sinabi niya tsaka alam ko naman na hindi ka mahilig sa mamahaling bagay dahil simpleng bagay lang ay masaya ka na"sagot niya habang namumula. Ngayon ko lamg napansin na naka-office attire pala siya.

"Eh? Nagta-trabaho ka rin sa isang kumpanya?"gulat na tanong ko sa kaniya.

"Oo eh,tsaka ako yung boss dun haha"saad niya bago siya tumingin sa relo niya.

"Cool"saad ko sa kaniya.

"Sige,alis na ako may meeting pa kasi akong pupuntahan bye Lyn-lyn"saad niya bago niya hinalikan yung pisngi at noon ko at umalis. Ako naman nakatayo lang dun habang nakatangin sa papalayong pigura. I snapped back when I feel someone tapped on my shoulder so I turn around to see Kyle staring blankly at me.

"B-bakit?"nauutal na tanong ko sa kaniya.

"The boss is looking for you"he said before he walk away.

"Shit! Bakit ko nakalimutan yun? Tanga mo, Ronalyn"bulong ko sa sarili ko bago ako tumakbo sa elevator at pinindot ang 5th floor kung saan nandun yung office ko. Nang bumukas ang elevator ay agad akong lumabas at pumunta sa loob ng office ko. Linigay ko yung binigay ni Nic sa sofa at inayos ang sarili ko at tumungo ulit sa elevator at pinindot ko yung 24th floor kung saan nandun yung office ni Danna. Nagmamadali akong lumabas ng bumukas yung pintuan. Tatlong office ang naka-lagay dito sa 24th floor. Kay Ate Angel ang nauuna, pangalawa ay kay Danna at ang panghuling office ay kay Kuya Rico.

Fallin' for you (Friends to lovers Series #2)✓Where stories live. Discover now