CHAPTER 61

14 5 0
                                    

Ronalyn's POV

(November 23, Sunday)

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung sinabi ni Danna na may date sila. Nakaramdam ako ng matinding selos dahil dun.

"Uy! Ano bang iniisip mo?"biglang tanong sa akin ni Jenalyn. Nandito kami sa kwarto ko.

"Iniisip mo na naman siguro yung tungkol kahapon 'no?"tanong naman ni Aquisha.

"Halata namang iniisip niya parin yun"sabat ni Steph.

"Umamin ka nga, Ronalyn. Mahal mo parin ba si Mike?"tanong ni Claire sa akin.

"Malamang mahal niya pa yan. Nakita niyo naman yung reaksyon niyan kahapon eh"sagot ni Jenalyn.

"Nasaktan ka di ba, Ronalyn?"tanong ni Elvie sa akin.

"Hindi mo na kailangan pang sabihin dahil alam namin na nasaktan at nagselos ka kay Danna kahit hindi mo namang kailangang magselos sa kaniya"sabi ni Steph.

"Ganun na ba ako kahalata?"tanong ko sa kaniya.

"Oo, sinaktan ka na ng ilang beses nun eh. Binigyan mo ng napakaraming chance pero sa huli, sinaktan ka ulit. Mas pinili niya pa si Maia kaysa sayo"sagot ni Claire.

"Pero feel ko mahal ka pa ni Mike"biglang sambit ni Jenalyn kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Paano mo naman nasabi?"tanong ni Elvie.

"Halata din kaya yun. Kung nakatingin nga siya sa inyo ni Claude kahapon parang gusto na niyang sapakin si Claude eh"sagot ni Jenalyn.

"Pero mahal mo pa?"tanong ni Aquisha sa akin. Napatango nalang ako.

"Gagi!! Paano si Claude? Mahal ka ni Claude, Ronalyn. Paano naman yung tao na nandyan nung mga panahong nasasaktan ka dahil kay Mike?"tanong sa akin ni Aquisha.

"Nililigawan ka pa nung tao, Ronalyn. Sana naman kung alam mong mahal mo pa yung isa sana hindi ka na pumayag pang magpaligaw. Sa huli kasi masasaktan mo rin si Claude, Ronalyn"saad ni Elvie.

"Hindi ko na alam"saad ko sa kanila.

"Alam ba ni Claude na mahal mo pa si Mike?"tanong ni Steph sa akin.

"Hindi ko alam kung alam na niya" sagot ko.

"Sabihing mo na habang maaga pa kasi kapag nagtagal pa mas masasaktan mo lang yung tao"saad ni Claire.

"Sabihing mo na kaya ngayon"sabat ni Elvie.

"Para naman hindi na mas masaktan pa si Claude. Alam ko namang maintindihan ka nun. Mahal ka nun eh"saad ni Jenalyn.

"Tama si Jenalyn"sabay-sabay nilang saad. Bumuntong hininga nalang ako bago ako tumayo.

"Ano? Sasabihin mo na ba sa kaniya? Alam naman kasi namin na ayaw mong may nasasaktan ka eh"saad ni Aquisha. Tumango ako at ngumiti sa kaniya bago ako lumabas. Pumunta ako sa kusina at nakita kong nag-uusap usap sila Claude kaya agad akong lumapit sa kaniya.

"Claude"tawag ko sa kaniya. Tumingin silang lahat sa akin.

"Oh bakit?"tanong ni Claude sa akin.

"Ano...pwede ba tayong nag-usap?" tanong ko sa kaniya.

"Sure...Hoy! Usap lang kami"saad ni Claude. Tumango lang sila kaya naglakad na kami palayo hanggang sa makarating kami sa garden.

"Bakit parang sobrang halaga ata ng sasabihin mo?"tanong niya sa akin ng huminto ako sa harap niya.

"Kapag sinabi kong mahal ko pa si Mike, anong gagawin mo?"tanong ko habang nakatalikod sa kaniya. Ayaw kong humarap sa kaniya dahil ayokong makita yung mukha yang nasasaktan dahil sa akin. Mapakla siyang napatawa.

Fallin' for you (Friends to lovers Series #2)✓Where stories live. Discover now