CHAPTER 47

9 5 0
                                    

Ronalyn's POV

"Magsitigil na kayo!"maawtoridad na sambit ng isang boses babae kaya napalingon kaming lahat. Nakita namin so Tita Marinette na nakatayo Hindi kalayuan sa amin.

"Auntie!"sabay na sambit ni Kevin at Jacob bago sila lumapit kay Tita Marinette. May binulong muna sila bago lumapit sa amin si Tita Marinette.

"Why are you making some ruckus here on my company?"malamig na tanong niya sa amin pero hindi kami sumagot subalit biglang lumapit sila Kuya Rico sa amin.

"Mom! Where is she? Where is my sister?"tanong ni Kuya Rico sa kaniya.

"Why are you still calling her your sister?"she asked back.

"Because she's my sister so why not?" galit na tanong ni Kuya Rico.

"She's no longer your sister"she answered.

'Anong ibig niyang sabihin?'

"What?"Ate Angel asked her.

"She's no longer a part of our family but she can still use our surname" sagot ni Tita Marinette.

"The heck, Mom! You're lying! Why would you abandoned her? Don't tell me she's no longer a part of your gang too?"saad ni Ate Angel.

"Yes! And the new boss is Jacob and his right hand is Kevin"sagot ni Tita Marinette.

"Tita naman! Bakit kailangang umabot sa ganito? Simpleng dahilan umabot sa ganito?"tanong ni Ate Faith.

"Tita?"biglang sambit ni Bea bago lumapit kay Tita Marinette.

"Why? Why did you did that on her? She's your daughter but why? Tita, simpleng dahilan lang yun eh bakit kailangan niyo siyang parusahan? Dahil ba nilabag niya yung unang batas niyo? Sana naman po pinag-isipan niyo munang mabuti bago niyo gawin ang bagay na iyon. Gusto ko lang din po sanang malaman kung may halaga pa po ba si Danna sa inyo at bakit ganun na lang kadali para sa inyo ang parusahan siya" mahinahong sambit ni Bea kay Tita Marinette.

"Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa akin ang gawin iyon sa kaniya"tugon ni Tita Marinette.

"Pero bakit ginawa niyo parin po sa kaniya ang bagay na iyon? Alam niyo po bang iniidolo ko po kayo matagal na pero ngayon hindi ko na po alam eh. Bakit niyo po tiniis na makita siyang pinapahirapan?" saad ni Bea. Nagulat kami nang bahagyang itinulak ni Tita Marinette si Bea.

"Magpasalamat ka nalang Bea at buntis ka kung hindi-"hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng magsalita si Ace.

"Kung hindi ho eh ano? Sasaktan niyo rin po ba yung asawa ko gaya ng pananakit niyo sa pinsan ko? Wala na ho akong paki-alam kung mawalan man ako ng respeto sa inyo pero tita, pinsan ko ho ang nahihirapan dito at hindi kayo. Mas nahihirapan ho ang pinsan ko"mahinahong saad ni Ace.

"Kung wala na ho si Danna dito mas mabuti na rin ho kung magre-resign na rin ho kami"sabat ko sa kanila.

"Hindi kayo pwedeng mag-resign Ronalyn!"sabat ni Jacob.

"Tang-ina lang eh no? Kapag kami ang aalis o masasaktan nagmamakaawa kayo pero pagdating kay Danna hinahayaan niyo lang?"galit na tanong ko sa kanila.

"Boo! Calm down"pagpapakalma sa akin ni Mike.

"Hindi ko alam na ganito ho pala kayo kasama"biglang sabi ni Elvie na nagpagulat sa amin. Minsan lang siya maging ganyan eh.

"Hindi ako masamang tao"sabat ni Tita Marinette.

"Kung hindi ho kayo masamang tao, ipaliwanag niyo nga ho kung bakit hinayaan niyo siyang masaktan at mahirapan? Ipaliwanag niyo nga ho kung bakit tinanggal niyo siya sa grupo niyo at dito sa kumpanyang ito? Kung hindi ho kayo masamang tao bakit kailangan niyong gawin yun sa mismong anak mo?"tanong ni Elvie sa kaniya na nagpatahimik sa aming lahat.

Fallin' for you (Friends to lovers Series #2)✓Where stories live. Discover now