CHAPTER 66

18 5 0
                                    

Ronalyn's POV

Kinabukasan

Ang daming nangyari kahapon na halos hindi ako makapaniwala na nangyari sa amin. Naka-uwi na kami dito sa bahay. Pagdating namin dito ay agad nila akong niyakap ng mahigpit at umiyak. Sumama din si Maia sa amin kaya sobrang nagalit sila sa kaniya pero nagpaliwanag na din siya at humingi ng tawad kaya ayun inaasar na kay Claude.

"Yieee si Maia nagseselos"biglang sabi ni Aquisha kaya napatingin ako sa kanila. Nandito kasi kami sa cafeteria kumakain ng pananghaliaan dahil marami-marami rin yung ginagawa namin sa companya.

"A-ano hindi ako nagseselos ah" pagtatanggi niya.

"Sus, kung makatingin ka sa babaeng kasama ni Claude kanina parang gusto mo ng sugudin eh"sambit ni Claire.

"H-hindi ah! Ano lang....ang pangit niya kasi. Hindi sila bagay"sagot niya.

"Oh edi nagseselos ka nga"saad ni Jenalyn.

"Hindi nga"saad niya pero halata naman yung pamumula ng pisngi niya.

"Bakit ka namumula?"tanong ko sa kaniya.

"Ano? Blush on lang yan"sagot niya.

"Puta! Indenial"saad ni Claire.

"May crush ka kay Claude?"tanong ni Elvie sa kaniya kaya mas lalo siyang namula.

"Wala! Wala akng crush dun" pagtatanggi niya.

"Deny pa more, Maia"sabat ni Steph.

"Uy si Claude oh"biglang sabi ni Jenalyn kaya napalingon naman si Maia.

"Oh ano? Deny ka pa?"tanong ni Aquisha sa kaniya.

"Oo na! Crush ko na siya"saad niya.

"Hahahha! Edi umamin ka din" natatawang sambit ni Elvie.

"Gwapo naman siya eh"saad niya kaya mas lalo namin siyang inasar kay Claude.

Hanggang sa matapos kaming lahat na kumain. Bumalik kami sa mga office namin at si Maia naman ay umuwi na dahil pinuntahan niya daw kami. Napabuntong-hininga nalang ako dahil hindi ko lubos na maisip na kaibigan na namin si Maia.

Pumunta ako sa office chair ko at nagsimulang magtrabaho. Ilang minuto pa ay narinig kong tumunog yung cellphone ko kaya agad kong tiningnan kung sino yung nagtext kaya napangiti nalang ako ng makita yung pangalan ni Mike.

On text

Mike:
Hey, Ronalyn!

Ronalyn:
Hm? Bakit?

Mike:
Are you busy right now?

Ronalyn:
Hindi Naman masyado, bakit?

Mike:
Can we...you know.
Can we talk?
I just want to say something

Ronalyn:
Sige ba! Saan ba banda?
Tatanungin ko muna si Kuya Rico kung pwede akong lumabas!

Mike:
No need!
I already told him
And he said yes!
I'll wait for you here at the park!

Pagkatapos kong mabasa iyon ay inayos ko ang mga gamit ko bago ako lumabas ng opisina ko. Pumunta ako sa elevator at pinindot ang ground floor.

'Ano kayang sasabihin niya?'

Nang tumunog ang elevator ay agad akong lumabas at naglakad papunta sa parking lot. Nakita ko si Danna dun kaya agad akong lumapit sa kaniya.

Fallin' for you (Friends to lovers Series #2)✓Where stories live. Discover now