CHAPTER 25

20 10 0
                                    

Ronalyn's POV

"By the way I'm Nicolai Ramos" pagpapakilala niya sa akin habang inaabot niya sa akin ang kaniyang kamay para makipagkamay sa akin.

"A-ah R-ronalyn C. Dela Cruz" pagpapakilala ko rin sa kaniya at nakipagkamay sa kaniya.

'Waaaah! Ang kinis ng kamay niya'

"Tara dun sa bench,kanina pa tayo nakatayo dito eh"natatawang saad niya kaya tumango nalang ako at naglakad na kami sa papunta sa bench na malapit sa amin. Nang maka-upo na kami ay nagsalita ulit siya.

"So? Would you like to tell me why are you crying?"tanong niya sa akin. Sinulyapan ko siya bago ako tumingin sa harapan namin kung saan may mga batang naglalaro.

"Sabi kasi ng mga kaibigan ko mahal ako nung taong mahal ko. Ako itong si tanga naniwala naman. Siya yung first kiss ko. He said that he meant that kiss. Kanina tumawag yung kaibigan namin, narinig niya yung pangalan ng ex niya binato niya na agad yung cellphone ko. Hahaha,narinig niya lang yung pangalan nung ex niya nagalit na agad siya,the worst thing is he threw my phone. Base palang sa ipinapakita niya alam kong mahal niya parin yung ex niya. Kung ako talaga yung mahal niya,bakit ganun yung ipinapakita niya? Pagod na akong umasa eh. Pagod na akong umasa na ako talaga yung mamahalin niya.Pagod na akong maniwala sa sinasabi nila. Sino ba naman ako para mahalin niya? Kaibigan niya lang naman ako eh,kaibigan lang pero......ang sakit eh,sobrang sakit malaman yung totoo na hindi naman pala talaga ako yung mahal niya kung hindi yung ex niya"mahabang paliwanang ko. Naramdaman ko yung mga kamay niya sa magkabilang pisngi ko at pinaharap niya sa kaniya.

"Sorry if I asked you about that. Umiyak ka tuloy ulit"saad niya pagkatapos ay pinunasan niya yung mga luha ko gamit yung hinlalaki niya. Hindi ko alam na tumutulo na pala yung mga luha ko. Nakatingin ako sa mga mapupungay niyang mga mata. Ngumiti siya sa akin bago niya tinanggal yung mga kamay niya sa mga pisngi ko at tumingin sa harapan.

"Hindi ko alam na ganun pala yung nangyari"saad niya ulit,umiiling ako bago ulit ako humarap sa harapan.

"Hindi mo naman kasalanan eh. Gusto ko lang talaga yung may makakausap ngayon"sagot ko naman. He giggled before speaking.

"Nagtataka lang ako dahil kakakilala mo palang sa akin pero sinabi mo na agad yung dahilan kung bakit ka nagkakaganyan"sambit niya.

"Hindi naman importante kung kakikilala mo palang yung tao basta ba magaan na yung loob mo sa kaniya ayos na yun"saad ko naman.

"So magaan na agad yung loob mo sa akin kahit na kakakilala ng natin?" tanong niya sa akin.

"Oo,hindi ko din alam kung bakit ang gaan na agad ng loob ko sayo,siguro dahil kabaliktaran mo yung taong mahal ko"nakangiting sambit ko sa kaniya.

"Paano kung nalaman mong.... masama akong tao?"biglang tanong niya na tinawanan ko lang.

"What? Why are you laughing?"he asked curiously at me.

"Hahaha! Wag kang mag-alala,kung isa ka man sa miyembro ng gang bakit hindi mo pa ako inalayo dito? Pero kahit naman na sabihin mong masama kang tao at isa ka sa miyembro ng gang, tatanggapin parin kita katulad ng pagtanggap ko sa kaibigan ko. Isa siyang member ng gang at mafia pero tinanggap parin namin siya"sagot ko naman.

"Bakit mo pala naitanong?"tanong ko sa kaniya.

"Wala lang, baka kasi ma-disappointed ka sa akin, kapag nangyari yun"sagot niya.

"Hahaha! Ayos lang,ganun yung naramdaman namin nung nalaman namin yung totoong pagkatao niya" saad ko sa kaniya.

"Can you tell me who is that person your talking about?"tanong niya sa akin.

Fallin' for you (Friends to lovers Series #2)✓Where stories live. Discover now