CHAPTER 58

10 5 0
                                    

Ronalyn's POV

(November 20, Thursday)

Mahigit isang linggo na rin nung nakipaghiwalay siya sa akin. Unti-unti na rin akong nakaka-move on dahil sa tulong ni Claude at ng mga kaibigan ko.

Day off naming lahat ngayon at nandito kaming lahat sa sala pwera lang si Mike na alam kong nandun kay Maia. Napansin ko rin na parang iba ang ikinikilos nila Danna simula kahapon.

"Punta tayong park"biglang yaya ni Jenalyn.

"Bakit naman? Ang init-init pa oh"sagot ni ni Claire.

"Sige na! Ngayong na nga lang ulit tayo magkakasama-sama eh"saad ni Jenalyn.

"Oo nga no! Matagal na rin nung huli tayong nagbonding lahat"saad naman ni Claire.

"Tara na! Wag na kayong KJ!"saad ni Elvie.

"Makasabi ka naman ng KJ dyan"saad ko naman.

"Tara na kasi"saad naman ni Steph.

"Let's go?"biglang sabi ni Nicolai habang nakatingin kay Danna.

"Ay! 'Bat parang may pa-espesyal?" pambabara ni Claude kaya binato ni Nicolai si Claude ng unan.

"Gago"saad ni Nicolai.

"Hoy! Bawal magmura"saad ni France.

"Parang di ka rin nagmumura eh no"pambabara ni Khalix.

"Tang-ina mo"saad ni France.

"Oh! Kita mo! Nag-mura ka na"saad naman ni Kyle kaya napatawa kami.

"Tara na kasi! Napaka-KJ Naman netong mga 'to"saad ni Aquisha.

"But I want to go to Auntie's house!" masayang sambit ni Jacob.

"Ano naman gagawin natin dun?" tanong ko sa kaniya.

"I just want to go there. Let's just go there,please?!!"saad niya sa amin bago siya tumingin kila Kevin at Danna.

"Nisshoku-chan? Can we?"tanong niya kay Danna.

"Only if they want"kalmadong sagot ni Danna.

"Siya, sige na"saad ni Claude.

"Yosh"masayang saad ni Jacob bago niya hinila sila Kevin at Danna palabas.

"Hindi parin nagbabago si Jacob"saad ni Justin.

"Sus! Ang sabihin mo, nagseselos ka lang kasi lagi na ulit magkakasama si Kevin at si Danna"saad ni France.

"Tang-ina mo"saad ni Justin.

"Hoy! Wag niyong kalimutan si Nicolai"saad ko.

"Hah? Bakit ako?"naguguluhang tanong niya.

"Kunwari pa, nagseselos din naman"pagpaparinig ni Jenalyn.

"H-hoy! Hindi ako nagseselos"nauutal na saad niya.

"Sige deny pa more Dragon!"saad ni Claude.

"Gago ka, Jackal! Manghuhulog ka pa"biglang saad niya bago umalis.

"Oh kita mo!"saad ni Claire.

"Huli pero di kulong"sabay na sabi ni Kyle at Khalix.

"Oh! May bago kang karibal, Justin" saad ni Steph.

"As if naman na may pag-asa sila"saad ni Justin.

"Oss! Taas ng confidence ah! Ang tanong may pag-asa ka rin ba?" nang-aasar na tanong ni Aquisha.

"Tara na lang"saad ko sa kanila.

"Oh! Narinig niyo ang mahal na Reyna"saad ni Claude kaya napatawa ako.

Fallin' for you (Friends to lovers Series #2)✓Where stories live. Discover now