CHAPTER 51

12 5 0
                                    

Ronalyn's POV

(September 21, Monday)

Pagkatapos naming marinig ang pinag-usapan nila kahapon ay hindi namin mapigilan na maiyak. Dalawang araw din namin siyang nakita tapos aalis lang siya. Hindi rin mapigilan ni Bea ang magalit pero agad namin siyang pinakalma. Pagtapos nun ay umuwi na rin kami. Wala kaming ganang pumasok kaya nagstay nalang kami sa bahay.

Unang araw, unang araw na wala siya dito sa tabi namin.

Nasa kwarto ako ngayon at hanggang ngayon wala parin akong ganang pumasok. Ilang oras na akong nandito sa kwarto. 6 am nung magising ako at 8:15 na ng umaga pero andito parin ako.

Napabalik ako sa reyalidad ng may kumatok sa kwarto ko.

"Ronalyn?"isang boses ng babae pero alam ko kung sino iyon. Si Claire. Hindi rin pala siya pumasok.

"Pasok!"saad ko bago ako umupo. Bumukas yung pinto at pumasok si Claire.

"Kakain na, wala ka bang balak bumababa?"tanong niya sa akin.

"Parang nawawalan na nga ako ng gana eh"sagot ko. Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Wag kang mag-alala, alam kong babalik siya pero siguro hindi ngayon?"saad niya.

"Paano kung hindi na siya bumalik?" tanong ko sa kaniya.

"Imposibleng hindi yun babalik dahil nandito tayo na mga kaibigan niya" sagot niya.

"Wag mong isipin na hindi siya babalik dahil alam kong babalik at babalik siya. Alam mo namang yun eh tsaka gusto niya pang makita yung mga baby ni Bea at Ace di ba? Kaya halika na, sabay-sabay na tayong kumain"saad niya.

Napangiti nalang ako bago ako tumayo. Umalis na kami sa kwarto at bumaba. Tumuloy kami sa kusina kung saan nandun sila naghihintay. Tumabi ako kay Mike na tahimik. It's very odd to see him like that.

"Kumain na kayo mga iho at iha" biglang sabi ni Nanay Ann. Nadis-charge na rin si Nanay Ann sa hospital kahapon. Nagsimula kaming kumain ng tahimik wala ni isa sa aming nagsalita.

"Ang  tahimik niyo ata ngayong? Samantalang dati nag-aasaran pa kayo?" tanong ni Nanay Ann sa amin habang naka-upo siya sa isang silya.

"Nakakapanibago lang ho kasi na wala dito si Danna na laging nambabara sa amin at nag-aasaran" sagot ni Kyle.

"Kaya naman pala ang tahimik niyo eh. Alam niyo ba na hindi nagugustuhan ni Danna kapag nalaman niyang nagkakaganyan kayo dahil sa kaniya? Eh baka nga magalit pa iyong batang yun eh"saad ni Nanay Ann.

"Iba parin ho kasi yung nandito siya" sagot ni Steph.

"Hindi niyo masisi si Danna na umalis siya dahil yun ang gusto ni Ma'am Marinette. Kahit na ilang beses siyang saktan ng mga taong mahal niya hindi siya magsasawang mahalin ito. Wag na kayong mag-alala sa kaniya dahil alam kong magagalit siya kapag nalaman niya ang nangyari sa inyo. Kilala niyo naman ang batang iyon, malalaman at malalaman niya ang mga nangyari sa inyo. Tsaka alam kong babalik din yun. Hindi man ngayon malay niyo baka anumang araw nandito na yun"saad ni Nanay Ann.

"Nanay Ann? Alam niyo po ba kung nasaan siya ngayon?"biglang tanong ni Elvie.

"Hindi ko maaring sabihin sa inyo kung nasaan siya. Pasensya na"sagot niya.

"Pero alam niyo ho kung nasaan siya?"tanong ko sa kaniya.

"Alam ko iyon dahil sila Senyorito Franco pa ang nagsabi sa akin. Alam Kong galit parin kayo sa kanila pero nagsisisi na sila sa lahat ng ginawa nila sa kaniya. Kahit pagbalik- baliktaran niyo ang mundo hindi niyo parin maitatanggi na mahal parin nila si Danna"sagot niya.

Fallin' for you (Friends to lovers Series #2)✓Where stories live. Discover now