CHAPTER 55

13 5 0
                                    

Ronalyn's POV

(Timeskip 4 weeks and 2 days November 11, Tuesday)

Natapos ang araw ng hindi kami nag-uusap. Nakaka-inis na. Parang mas mahalaga pa si Maia kaysa sa akin. Ako yung girlfriend pero parang si Maia yung girlfriend niya. Sobrang selos na selos na ako kay Maia pero hindi niya napapansin. Nai-inggit na ako sa kaniya parang nanlilimos ako ng oras sa kaniya. Samantalang dati lagi niya akong binibigyan ng oras pero nung nawalan ng alaala si Maia nagbago na siya.

Gusto ko siyang komprontahin pero natatakot ako na baka magalit siya sa akin. Natatakot na baka dahil dun hiwalayan niya ako. Alam ko na lagi siya ang nagfi-first move sa aming dalawa. Nakaka-inis na talaga, gusto ko ng sumuko pero iniisip ko na baka masasaktan ko without knowing na ako naman talaga ang nasasaktan niya. Hindi ko mapigilan ang umiyak towing naiisip ko na siya na yung mahal niya kaya nagagawa niya na akong tiisin.

'Paano kaya kung nandito si Danna? Alam niya na kaya ang mga nangyayari sa pagitan namin ni Mike?'

Napabuntong-hininga nalang ako. Wala kaming pasok ngayon dahil may kailangang puntahan ang mga CEO, COO at iba pang mga tauhan na may matataas na pwesto sa company nila Ate Angel.

Nakahiga parin ako dito sa kama ko ng may narinig akong kumatok.

"Pasok"saad ko. Narinig kong bumukas ang pinto kaya umupo ako at tumingin kung sino ang tayong iyon.

"Ronalyn, I...I want to talk you about something"saad ni Mike. Tumingin lang ako sa kaniya bago ako nagsalita.

"About what?"I asked coldy.

"About...us"he replied.

"What about it?"I asked him again.

"D-do you still love me?"he asked me back.

"Yes...but...If you need some space. I'll give you some space to think of about your feelings"sagot ko hindi siya nagsalita.

"The more you ignore me, the more I'm hurting. Hindi ko na kasi alam yung gagawin ko, Mike. Nandito naman ako pero bakit iba ang hinahanap mo? Ako yung girlfriend mo pero bakit parang siya ang girlfriend mo? Nagseselos ako pero hindi mo man lang mapansin. Naisip ko, siguro napagod ka na. Pero okay lang naman mapagod di ba? Basta wag ka lang susuko. Ang sakit na kasi eh, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo. Hindi ko alam kung mahal mo pa ba ako o siya na ang mahal mo. Sobrang sakit na, Mike. Kaya ba tinanong mo sa akin ang bagay na iyon, dahil nahuhulog ka na ulit sa kaniya?"saad ko sa kaniya.

"S-sorry Ronalyn"yun lang ang nasabi niya kaya mapakla akong napatawa.

"Mike, kung...siya na ang mahal mo sabihin mo lang hah? Papalayain naman kita eh. Kung dun ka sasaya, papalayain kita. Gusto ko maging masaya ka kahit na alam mong ikakasakit ko kapag pinalaya kita kasi mahal kita eh. Mahal na mahal kita, Mike"ani ko sa kaniya. Tumayo ako at lumapit sa kaniya.

"Sabihan mo lang kung hindi na ako ah? Papalayain kita kahit na mahal na mahal pa kita"saad ko sa kaniya bago ako lumabas ng kwarto.

Pumunta ako sa sala kung saan nakita ko ang iba pa namang mga kaibigan. Lumapit ako sa kanila at tumabi kay Aquisha.

"Oh? Nag-usap na kayo?"biglang tanong niya sa akin.

"Hindi kami masyadong nag-usap" sagot ko lang.

"Ano? Did he already tell you?"biglang tanong ni France sa akin kaya napalingon ako sa kaniya.

"About what?"tanong ko pabalik sa kanya.

"Nevermind"sagot niya lang kaya nagtaka ako.

"May alam ba kayo na hindi ko alam?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan lang silang lahat bago sila bumuntong hininga.

Fallin' for you (Friends to lovers Series #2)✓Where stories live. Discover now