CHAPTER 46

10 5 0
                                    

Ronalyn's POV

(Timeskip two days later September 21,Saturday)

Hindi parin ako makapaniwala na sasaktan ulit nila si Danna. Hanggang ngayon ay hindi pa namin siya nakikita pati na rin sila Kevin at Jacob. Hindi ko na rin alam kung ano pa ang mga nangyari nung isang araw. Binisita na rin namin si Nanay Ann na nasa ospital kanina bago kami pumasok sa company na pinagtatrabahuan namin. Gusto kong i-text si Danna o tawagan sila Ate Angel at Kuya Rico.

Andito ako ngayon sa office ko, iniisip ko parin si Danna at alam kong gaanun din sila.

'Paano kung mas malala pa ang gawin nila kay Danna? Ronalyn...wag kang mag-isip ng ganyan!'

Hindi ko parin matanggal ang mag-isip ng kung ano-ano.

'Punta kaya ako sa office ni Kuya Rico?'

Tumayo ako at inaayos ko ang mga gamit ko. Kinuha ko yung cellphone ko at lumabas ng office ko. Saktong paglabas ko ay nakasalubong ko sila Jenalyn pati na rin sila Kyle at France.

"Ronalyn, pupunta ka din ba kay Kuya Rico?"tanong ni Elvie sa akin.

"Oo, kayo ba?"pabalik kong tanong.

"Pupunta din kami"sagot ni Steph.

"Hihintayin nalang muna namin sila Mike"sagot naman ni France.

"Sige, mauuna na muna kami"sagot ni Claire bago kami nag-lakad papunta sa elevator. Pumasok kami roon at pinindot ni Claire yung floor kung saan nandoon yung office nilang tatlo.

"Sa tingin niyo? Magiging ayos lang ba si Danna?"biglang tanong ko sa kanila.

"Ano ka ba, Ronalyn! Magiging ayos lang siya. Wag ka naman mag-isip ng kung ano! Magiging ayos lang si Danna"sagot ni Jenalyn.

Mas matagal na nakilala ni Jenalyn si Danna kaysa sa amin kaya alamkong mas nag-aalala siya. Tumahimik nalang ako hanggang sa tumunog yung elevator at bumukas. Lumabas na agad kami at pumunta sa pangatlong pinto kung saan nandun si Kuya Rico. Kakatok palang sana si Claire kaso may narinig kaming nag-uusap.

"At sa tingin niyo ba tama lang na saktan nila yung kapatid ko hah?"biglang sambit ni Kuya Rico. Alam kong si Kuya Rico iyon base palang sa boses niya.

"Huminahon ka, Rico"sagot ng isang lalaki.

"Tang-ina! Huminahon? Bakit ako hihinahon kung wala man lang akong magawa para pigilan sila? Sige nga, kuya Kiero? Paano ako hihinahon? Buntis si Ate Angel at si Danna naman ay nasa basement nila Mom habang pinapahirapan? Sa tingin mo paano ako hihinahon?"galit na tanong ni Kuya Rico. Nagkatingin lang kami bago kami nakinig ng mabuti.

'Si Kuya Rico pala yung kausap niya'

"Alam kong nag-aalala ka sa kanila but f*ck, Rico! Calm down"saad ni Kuya Kiero.

"Hindi ba't kasali kayo sa grupo nila? Bakit wala kayong gawin para itigil na ang pananakit sa kaniya? Kaya mas maganda nalang kung buhay pa si dad eh! Siya lang yung kayang magpatigil sa kanila pero wala eh! Wala na si dad"saad ni Kuya Rico.

"Alam kong alam mo na mahirap kalabanin ang mama at lolo mo! Wala kaming magagawa kung hindi ang hintayin na matapos ang ginagawa nila sa kaniya"sagot ni Kuya Kiero.

Isang katahimikan ang pumalibot sa amin bago kami naka-rinig ng kalabog kaya agad na binuksan ni Claire yung pintuan at naabutan namin si Kuya Kiero na naka-upo sa sahig habang hawak-hawak niya ang pisngi niya.

"Hindi mo alam kung gaano nasasaktan yung kapatid ko dahil lang sa mga pinaggagawa niyo! Oo mukhang wala siyang paki-alam pero ang totoo may paki-alam talaga siya. Hindi niyo alam kung gaano kasakit makit na umiiyak siya at kung gaano kasakit na marinig na tawagin niya akong kuya sa ganong sitwasyon"saad ni Kuya Rico.

"Alam ko kung gaano siya nasasaktan, Rico"sabat ni Kuya Kiero.

"Kung alam mo pala eh bakit hindi niyo siya tulungan? Ilang beses na akong nagmakaawa kay Mom kahapon at hanggang ngayon nagmamakaawa parin ako sa kaniya na itigil na niya iyon pero wala hindi nila ako pinakinggan!! Hindi ko din alam kung bakit wala man lang ginagawa sila Jacob at si Kevin para hindi na nila saktan pa si bunso"umiiyak na saad ni Kuya Rico. Susugudin na sana niya si Kuya Kiero ng may sumigaw sa likod namin kaya lumingon kami sa likod namin.

"Rico! Tama na yan!"sigaw ni Ate Angel na kakarating lang kasama sila Ate Faith.

Nagulat din kami ng makita namin na kasama nila si Bea. Lumapit kami kay Bea at niyakap siya. Sila Ate Angel naman ay pumasok sa loob at tinulungan si Kuya Kiero.

"Bea!!"saad namin.

"Wala parin ba dito si Danna?"tanong niya sa amin. Umiling lang kami.

"Puntahan nalang kaya natin sila?" sabi ni Bea.

"Hindi pwede, Bea"sagot ni Khalix.

"Ano bang nangyayari sayo,Rico?" biglang tanong ni Ate Angel kaya tiningnan namin sila sa loob.

"Tangina naman Ate eh! Alam kong alam mo na kung bakit ako nagkakaganito! Ginawa na nila yun kay bunso ilang taon na ang nakakaraan  tas ngayon? Gagawin ulit nila? Nakaka-tangina lang eh! Sa simpleng dahilan ganun agad ang parusa? Puta! Hirap na hirap na nga yung tao tapos ano? Ganun yung gagawin nila? At yang boyfriend mo at pinsan natin anong ginawa? Wala hindi ba? Si Jacob at si Kevin anong ginagawa? Pinapanood lang siya habang nahihirapan!"umiiyak na saad ni Kuya Rico. Huminga siya ng malamin bago nagsalita ulit.

"Ang saya ko nung tinawag niya akong kuya kahapon pero ang sakit lang sa pakiramdam na sa ganung sitwasyon niya ako tinawag na kuya!"sagot ni Kuya Rico.

"Pinaka-ayaw ko kasi sa lahat, yung nakikita ko siyang umiiyak. Mas gusto ko yung nakikita kong blangko siyang nakatingin o nang-aasar sa akin eh! Hindi ako sanay na makita siyang ganun"umiiyqk na sambit niya.

Magsasalita na sana si Ate Faith ng biglang may nagsalita ulit sa likod namin kaya agad kaming tumingin.

"Angel-neechan, Rico-niisan! Auntie want to talk to the two of you!"saad ni Kevin.

"Gago!"biglang sambit ni Ace bago niya sinugod si Kevin at sinuntok ito.

"ACE!!"sigaw namin sa kaniya. Si Mike at France naman ay inawat si Ace.

"Tang-ina mo!! Gago! Akala ko ba mahal mo yung pinsan ko? Tang-ina! Bitawan niyo ako!"saad ni Ace habang nagpupumiglas sa hawak nila France at ni Mike.

"Bro, huminahon ka! Nandito yung asawa mo!"saad ni Kyle.

"Tanng-ina lang eh! Alam mo bang gustong-gusto kitang patayin, Kevin? Kayong dalawa ni Jacob, gustong-gusto ko kayong patayin! Kayo yung nakasama ng pinsan ko simula nung mga bata kayo kaya ang akala ko magtitiwala kayo sa kaniya pero tang-ina anong ginawa niyo? Hinayaan niyo yung pinsan ko! Mga tang-ina kayo! Kung dati iniidolo ko kayo ngayon kinamumuhian ko na kayo!!"galit na sambit ni Ace.

"She break our number one rule" biglang saad ni Jacob.

"Tang-inang batas yan! Gago ka ba? Malamang may iba nga dyan na nilalabag yung batas eh! Gago ba kayo? Tanga! Malamang gago kayo!" sabat ko sa kanila na nagpagulat sa kanila. Walang nagsalita ni isa sa kanila.

"Tanga! Hindi porket kaaway mo hindi mo na magiging kaibigan! Mga gago! Lahat ng tao nagbabago mga ugok kayo! Paki-alam niyo ba kung tinulungan niya yung tao eh buhay niya yun! Mga tang-ina kayo! Bakit ba kasi kayo nakiki-alam kung yun ang gusto niyang gawin? At isa pa ugok! Hindi masamang tao si Nicolai, hindi porket tito niya ang pumatay sa lola't papa niya kasalanan na rin niya, mga gago talaga kayo eh no? Walang pang-kamalay malay si Nicolai nung mga yun mga tanga!"lakas loob kong sabi sa kanila.

"Hindi mo alam kung gaano kagalit ang lolo at mama niya ng malaman niya iyon, Ronalyn kaya wag mong isumbat sa amin yan!"saad ni Kevin.

"Gago! Malamang malalaman nila yun sinabi niyo eh! Inunahan niyo yung tao na sabihin sa kanila ang bagay na yun!"saad ko sa kaniya.

"Magsitigil na kayo!"......

To be continued

Fallin' for you (Friends to lovers Series #2)✓Where stories live. Discover now