CHAPTER 12:FUNNY MOMENT
Sa tahanan ng mga Montreal, abala ang lahat sa kanilang mga gawain ang mga gwardya na abala sa pagbabantay, gayun din ang mga maid na abala rin sa kanilang mga gawain.
Habang ang ginang naman na si Shaira ay abala sa pagluluto habang may ngiti sa mga labi at may pakanta-kanta pa ito. Katuwang nito sa pagluluto ang mayordomang si Marjie.
Shaira Montemayor Montreal
former famous model and the wife of Xander and the mother of Alexander and claire. A loving wife and mother, sweet and caring also known in business industry.Hindi na bago sa lahat ang eksinang ganito. Normal na sa lahat ang ganitong sinaryo ang makita ang amo nilang babae sa kusina.
Batid nilang lahat na gusto ng amo nila na pinagsisilbihan ang asawa at mga anak nito masaya ito sa ginagawa niya.
Minsan narin nila itong pinigilan ngunit isang ngiti lang ang isinusukli nito sa kanila kaya ipinag kibit balikat nalang nila ito at hindi na pinag tuunan ng pansin.
Habang ang asawa naman nitong si Xander Knight ay as usual nasa study room na naman niya ito. Abala sa mga papeles at sa business plan dahil may bagong project na naman silang ila launch.
Samantalang sa kabilang banda naman, nakangisi at tumatawa ang dalagang si Princess Claire dahil sa kalokohan nitong naisip at ginawa.
Kasalukuyan na tumatakbo ako at naghahanap ng mapagtataguan, para hindi ako maabutan ni kuya King/Alexander King. Wahahaha!
Wala trip ko lang at panigurado mag aalboroto si kuya oras na malaman nito ang ginawa ko. Hehehe!
"Ahhhhhh! PRINCESS CLAIRE MONTEMAYOR MONTREAL! Come back here, you naughty brat!!" Malakas na sigaw ni kuya King at mukhang galit na galit ito. Wahaha.
"PRINCESS CLAIRE MONTEMAYOR MONTREAL!!" Malakas na sigaw ko. Kulang nalang lumabas ang mga ugat ko sa leeg sa pag sigaw. Paano ba naman kasi walang pasabi lang naman itong pumasok sa kwarto ko at pinagtripan ang mga brief ko.
Walang hiya lahat ng mga brief ko puro butas, wala man lang tinira. Kainis talaga wala na namang magawa sa buhay at ang mga brief ko ang pinag-initan.
"Magbabayad ka talaga Princess pag naabutan kita!!" Nanggagalaiting sigaw ko ulit dito pero ang loka tumawa lang at nagtatakbo.
Arrrggg, nakakainis talaga, ipaghihiganti ko talaga ang mga underwear ko. Nakita ko itong pumasok sa guest room kaya dali-dali akong bumaba at sinundan ito.
Nang malapit na ako sa guest room may narinig ako na kumalabog sa loob nito kaya dagan-dahang binuksan ko ang pinto at pumasok dito.
Well did I forgot to tell you, yes I am cold but not with my family I admit sometimes I am but they're use to it anyway so no worries.
Takbo lang ako ng takbo upang hindi maabutan ni kuya Xander, hanggang sa makarating ako sa guest room. Agad ako pumasok dito pero pag apak ko palang sa sahig bigla nalang ako natipalok. Shit! Why did I forgot I am still wearing my stilettos damn! Ang sakit ng paa ko malas talaga.
Kahit na hirap sa pag tayo pinilit ko na maglakad dahil sa nakita ko ang anino ni kuya na paparating sa direksyon ko. Paika-ika na naglakad ako at humiga sa ilalim ng mini table. Ito lang kasi ang nakita ko na safe pagtaguan.
"Walang hiya ka Princess bakit mo pinagtripan ang mga underwear ko?" Nanggagalaiting sigaw ni kuya at hihilahin na sana ang kurtina ng mini table ng biglang bumukas ang pinto.
"Pweew, save by the door," hindi ko maiwasang aniya sa aking isipan at nakahinga ako ng maluwang ng hindi natuloy ang binabalak nito dahil sa nagbukas ng pintuan. Kung sino man ito nagpapasapamat ako sa kaniya.

BINABASA MO ANG
HBS1:The Long Lost Princess Meet The Billionaire Mafia Boss
ActionShort Summary: Athena and her family have a seemingly perfect life but one unexpected day hee family were assassinated and killed. Athena made a promise to herself to avenge her family's death, she started to investigate and soon she found out that...