CHAPTER 3:CONTINUATION OF UNEXPECTED TRUTH
That's the reason kung bakit nag pasya akong itago nalang ang totoong pagkatao ko. Dahil natatakot na ako na maulit muli ang nangyari at may mapahamak na naman. I just can't afford to lose someone important to me again, hindi ko na kakayanin pa.
Sa lalim ng aking pag iisip hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako kaya pinunasan ko ito. Ano ba yan sa tuwing naaalala ko kasi ang nangyari noon hindi ko maiwasang umiyak, malungkot at magalit sa sarili ko. Kung hindi kasi dahil sa akin hindi mamamatay si Papa at Lolo at sana nandito pa sila.
Pero kahit na ilang ulit kung sabihin sa sarili ko at isaksak sa kokote ko na hindi ko kasalanan at hindi ko ginusto ang lahat ay hindi ko parin magawa. In the first place kasi kung hindi ako nagpa abot ng gabi at nakinig sa payo sana nandito pa sila kasama namin.
Pero anyway wag na nating pag usapan yan wala na din naman akong magagawa at hindi na din naman sila maibabalik kahit na ilang ulit ko pang sisihin ang sarili ko.
"Anak! Hindi ka pa ba tapos dyan?" nabalik lang ako mula sa aking malalim na pag iisip ng marinig ko ang sigaw ni mama.
"Patapos na po mama! Nagbibihis nalang po ako!" Tugon ko naman dito at nagmadali na kumilos. Nang matapos ako mag bihis ay dali-dali akong lumabas ng kwarto.
Simple lang naman ang suot ko dahil nasa bahay lang naman ako. Naka fitted na sando lang ako na hapit na hapit sa katawan ko at short shorts. Hindi rin ako nag nerd get up nasa bahay lang naman ako at kami lang dalawa ni mama kaya walang problema.
Pag dating ko sa sala mag sasalita na sana ako ngunit nagulat ako sa aking nabungaran. Hindi kasi nag iisa si mama. May kasama itong mag asawa na sa palagay ko ay nasa mid 30's palang ang mga ito at basi na din sa suot nila masasabi kong hindi sila basta bastang tao. I mean na ma empluwensya silang tao hindi alien.
Sino kaya sila? Anong ginagawa nila dito? Bakit ganun sila kung makatingin? Hindi ko maipaliwanag pero para bang maiiyak sila na ewan. Yun bang parang nangungulila sila sa isang tao at makikita mo ang sakit at pangungulila sa mata nila.
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang gusto ko silang yakapin at i-comfort at bakit parang nasasaktan din ako pag nakikita ko ang sakit sa kanilang mga mata? Naguguluhang tanong ko sa aking sarili pero isinawalang bahala ko nalang ito baka kasi guni-guni ko lang.
"Good morning mama," masayang bati ko kay mama kasabay ng pag yakap ko dito at pag halik sa pisngi.
"Good morning din anak, maupo ka muna at may mahalagang pag uusapan tayo," saad ni mama sa akin kaya kahit nag tataka at naguguluhan ay sumunod nalang ako.
"Ano po ang pag uusapan natin mama at sino po sila?" Agad na tanong ko kay mama habang naka kunot ang noo, nang maupo ako sa tabi niya.
"Mabuti at narito kana anak. Sila nga pala si Mr. Alfonzo Dela Vega Villafor at Mrs. Windy Dela Vega Villafor," pakilala sa akin ni mama sa mag asawa, kaya agad akong lumapit sa kanila at nagpa kilala.
"Hello po! I'm Athena Rodriguez po nice to meet you po," puno ng kagalakan na pagpapakilala ko sa kanila habang nakangiti ng malapad at inilahad ko ang kamay ko upang makipag shake hands.
"Hi iha! Nice to finally found and meet you. You're so beautiful!" puno ng kagalakan at abot langit ang ngiti na tugon ni Mrs. Windy na parang bang ano mang oras ay iiyak na. Nagsalubong ang kilay ko at medyo naguluhan din ako sa sinabi niyang found pero ipinag kibit balikat ko nalang ito.
Baka kasi guni-guni ko lang. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit I can see longing in her eyes. Siguro may matinding pinag dadaanan ang mag asawa at kahit na naku-curious ako ay ayaw ko panghimasukan ang buhay nila.

BINABASA MO ANG
HBS1:The Long Lost Princess Meet The Billionaire Mafia Boss
AzioneShort Summary: Athena and her family have a seemingly perfect life but one unexpected day hee family were assassinated and killed. Athena made a promise to herself to avenge her family's death, she started to investigate and soon she found out that...