CHAPTER 21:DINNER WITH ALEXANDER'S FAMILY
"For every memory that Carries emotion, there are lessons to be learned and wisdom to be gained. " -Gareth Michael
Ilang araw na rin ang lumipas mag mula noong namayapa ang pamilya ni Athena Cassandra at mag mula noong mapag pasyahan nitong alamin ang katotohanan sa likod ng pagka matay ng pamilya niya.
Tuluyan na rin nitong natanggap ang mga nangyari sa tulong ni Alexander King na laging nandiyaan para sa kaniya na ni minsan ay hindi siya iniwan at sinukuan, ngunit hindi ibig sabihin nito ay ipag sasawalang bahala nalang niya ang lahat.
Sa ngayon masaya siyang merong nag mamahal at ang aalala sa kaniya. Kaya ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para sa mga taong mahalaga sa kaniya at sa taong mahal niya hindi na niya hahayaan na may mapahamak pa at may mawala na naman.
Sa ngayon nag hahanda ang dalagang si Athena Cassandra dahil may dinner sila ni Alexander kasama ang pamilya nito. Dahil nga sa biglaan ang pangyayari at nagkataon na noong nabalitaan ng mga ito ang tungkol sa relasyon nilang dalawa ng binata ay namatay naman ang pamilya nito.
Labis na nanghinayang at nasaktan ang magulang ng binata para sa dalaga lalo na ang ama ni Alexander ng malaman nitong namayapa na ang matalik niyang kaibigan.
Kaya nangako siya sa sarili niyang iingatan ang prinsesa nito. Mamahalin at ituturing na anak alang-alang sa kaibigan at panatag din silang ito ang babaeng minahal ng unico hijo nila.
Sa kabilang banda naman ay naghahanda ang dalagang si Athena para sa dinner nila ng pamilya ni Alexander sa bahay ng mga ito. May sarili kasing mansion ang mga ito at bago niya nalaman na pinagawa ng binata ang mansion na ito kung nasaan sila ngayon para sa kanila.
Matapos makapag handa ni Athena agad din siyang bumaba at naabutan niya si Alexander sa sala na nakaupo. Naka bihis narin ito at hindi naman maiwasan ni Athena ang humanga rito lalo pa't napaka gwapo nito sa kaniyang suot. Bumagay rito ang suot niyang black fitted jeans at grey polo shirt na pinatungan niya ng black open suit na bahagyang nakatupi hanggang siko at converse shoes. Kung titingnan mo ay simple lang ang suot ng binata pero labas parin ang kagwapuhan nito at ang cool nitong tingnan.
Samantalang sa kabilang banda naman agad napatingin si Alexander sa may hagdan ng makarinig ito ng yapak pababa. Kaya lumingon ito at pag lingon niya hindi niya maitago ang pag hanga sa dalaga simple dress lang ang suot nito ngunit napaka elegante at sexy nito na talaga namang kita ang shape ng dalaga sa katawan na lalong nag palutang sa taglay nitong ganda.
simple lang din ang ayos nito dahil hindi ito mahilig mag lagay ng kung anong kolorete sa mukha.
Desire flash through Alexander eyes the moment he saw Athena walk down the stair. "damn she's so beautiful and sexy" di maiwasang komento ni Alexander sa isipan niya dala ng kaniyang pag hanga sa dalaga.
Nang nasa huling baitang na ng hagdan si Athena agad itong sinalubong ni Alexander at ng makalapit ang binata sa dalaga ipinulupot agad niya ang kamay sa bewang ni Athena at tinitigan ito ng malamlam at puno ng paghanga sa mga mata na sinalubong naman ni Athena ng tingin.
Sigundo lang ang dumaan na magkatitigan ang dalawa ng tawirin ni Alexander ang pagitan nila at inangkin ang mga labi ng dalaga na agad din namang tinugon ng dalaga at dahil sanay na ito kay Alexander na bigla nalang nanghahalik. Wala din itong pakialam kahit na maraming tao sa paligid kung gusto siya nitong halikan.
Matapos pakawalan ni Alexander ang labi ni Athena agad din itong nag yaya na umalis.
"let's go" pag yaya ni Alexander kay Athena kaya nag lakad na ang mga ito sa kotse ng binata.
![](https://img.wattpad.com/cover/167173850-288-k232388.jpg)
BINABASA MO ANG
HBS1:The Long Lost Princess Meet The Billionaire Mafia Boss
ActionShort Summary: Athena and her family have a seemingly perfect life but one unexpected day hee family were assassinated and killed. Athena made a promise to herself to avenge her family's death, she started to investigate and soon she found out that...