CHAPTER 29:THE BLOODY GAME HAS STARTED
Nang makarating ang binata sa mansion nila agad itong dumiritso sa kwarto at bumungad sa kaniya ang dalagang payapang natutulog.
Lumapit siya dito at hinalikan ito sa noo bago nagpasyang pumasok sa banyo upang mag linis ng katawan.
Matapos makapag linis ng katawan agad din itong tumabi ng higa sa dalaga. Samantalang Naalimpungatan naman ang dalaga ng maramdaman na lumubog ang kabilang side ng kama at may tumabi sa kaniya. Iminulat niya ang mga mata niya at ng masiguro niyang ang binatang si Alexander ang tumabi sa kaniya agad din niyang ipinikit ang mga mata at nagpatuloy sa pag tulog.
Habang ang binata naman ay inangat nito ang ulo ng dalagang muling nakatulog saka ito pinaunan sa matipuni niyang braso bago ito hinalikan sa noo saka ipinulupot ang kamay sa bewang ng dalaga. Tumugon naman ng yakap ang dalaga dito at ng maging kumportable siya ay ipinikit niya ang mga mata. Ilang sigundo lang nakapikit ang binata kalaunan ay nilamon na din ito ng kadiliman at tuluyang nakatulog.
Kinabukasan hindi pa sumisigat ang araw ay gising si Alexander pinilit niyang matulog ulit ngunit hindi na siya dalawin ng antok.
Walang siyang magawa kung hindi ang imulat ang mga mata niya. The moment Alexander open his eyes a smile stretched on his lips when he came face to face with a sleeping Athena.
Ilang pulgada lang ang layo ng mukha nila at maglalapat na ang kanilang mga labi. Puno ng pagmamahal na tinitigan niya ang dalagang payapang natutulog.
Naramdaman naman ng dalagang si Athena na may nagmamasid sa kaniya kaya iminulat niya ang mga mata niya at bumungad sa kaniya ang naka ngiting binata kaya nag iwas siya ng tingin ng hindi niya matagalan ang mga titig nito na para siyang tinutunaw, naramdaman din niyang uminit ang dalawa niyang pisngi.
"Morning honey." aniya Alexander sa dalaga kaya napa lingon ito sa binata saka sinalubong ang mga titig nito bago nag salita.
"Good morning too honey." tugon dito ni Athena, ilang minuto din silang nagka titigan nang unti-unting tinawid ng binata ang pagitan nilang dalawa hanggang sa tuluyang naglapat ang kanilang mga labi na agad naman tinugon ng dalaga.
Ilang minuto din silang nanatili sa higaan bago nagpasyang bumangon at mag ayos, matapos gawin ng dalawa ang morning routine ay bumaba na ang mga ito at nagtungo sa kusina.
Agad na pinagtimpla ni Athena si Alexander ng kape samantalang kinuha naman ni Alexander ang dyaryo na nakapatong sa hapag kainan at binuklat ito habang hinihintay ang kape niya.
Matapos maibigay ng dalaga ang gawa niyang kape kay Alexander agad din siyang naghanda ng breakfast.
Tahimik lang na kumain ang dalawa ng hanggang sa matapos ang mga ito. Ilang minuto rin nagpahinga ang binata kasama si Athena bago nagpaalam dahil nga sa may trabaho pa ito sa company na pag-aari nito.
Samantalang ng makaalis si Alexander ay inutusan ni Athena ang mayordoma na si Rosario na iligpit ang pinagkainan nila dahil nga sa may aasikasuhin pa siya at ito lang ang tanging katulong nila.
Ayaw kasi nila ng maraming katulong at mas gusto niyang siya ang kumilos at magsilbi sa binata kaya hindi na sila nagabala na maghanap ng mga maid.
Matapos maghabilin ni Athena sa mayordoma ay agad siyang nagtungo sa private room at may pinindot sa ding-ding bigla nahati ang bookshelf at lumabas code.
"Demon Queen." malamig at walang emosyon na aniya ni Athena.
"Welcome your highness." aniya ng isang tinig saka bumukas ang pinto at pumasok siya sa loob ng secret room kung saan matatagpuan ang iba't ibang uri ng teknolohiya.
![](https://img.wattpad.com/cover/167173850-288-k232388.jpg)
BINABASA MO ANG
HBS1:The Long Lost Princess Meet The Billionaire Mafia Boss
Hành độngShort Summary: Athena and her family have a seemingly perfect life but one unexpected day hee family were assassinated and killed. Athena made a promise to herself to avenge her family's death, she started to investigate and soon she found out that...