CHAPTER 1:UNEXTECTED TRUTH
Tahimik na tao, mabait, may pagka seryoso, short temper at bitch at the same time. Her attitude is depend on how you act and treat her.
May pagka moody din ito, malambig, caring at childish when it comes to her love ones. May makinis at maputing balat na ani mo'y hindi nasisinagan ng araw sa sobrang puti. Ang nakaka-akit nitong labi na sing pula ng rosas at ang mapipilantik nitong mga pilik mata, ang mahaba nitong buhok na straight at kulot pag dating sa dulo. Ang katawan nitong perpekto ang pagkakalilok.
Yan si Athena Rodriguez. Isang simpleng babae na may natural beauty kumbaga hindi na niya kailangan pa maglagay ng kolorete sa mukha dahil sa taglay nitong ganda na nakakahalina.
Kapos sa buhay ngunit kuntento ito kasama ang pinakamamahal na ina.
Krrrrriiiinnnnnnggggg!!!!!!
Napabalikwas ako mula sa aking mahimbing na pagkakatulog ng makarinig ng tunog na nanggagaling sa alarm clock na nakapatong sa side table. Kinuha ko 'yun para patayin. Pinasabugan ko ng bomba, saka tinadtad ko ng pinung-pino. Pero syempre joke lang yun!wahaha!
Nakakainis naman kasi, inaantok pa ako gusto ko pa matulog tapos bigla nalang tutunong para bulabugin ang napaka himbing ko na tulog. Nakangiwing aniya ni Athena sa isip.
"Kunting tulog pa mga five minutes pa alas sais palang naman ng umaga e,"
bulong ko sa aking sarili saka humiga ulit sa kama upang matulog. Ngunit wala pa yatang limang minuto nang magising na naman ako dahil sa sunod sunod na katok sa aking pinto. Hindi ko ito binigyang pansin dahil malamang si mama Tanya lang yun, matutulog nalang ulit ako.
"Athena!" Malakas na hiyaw ni mama sa labas ng pintuan kasabay ng pagkatok nito.
"Anak!, bumangon kana at may mahalaga akong sasabihin sa'yo!" May kalakasang tinig na aniya ni mama Tanya bago umalis kaya wala akong nagawa kung hindi ang bumangon at gawin ang aking morning ritual or daily routine, beside nacu-curious din ako kung anong sasabihin ni mama ang seryoso kasi ng boses niya.
Oh My! nakalimutan ko hindi pa pala ako nag papakilala, by the way I'm Athena Rodriguez fifteen years of age at naniniwala sa kasabihang "Ang Pride parang Panty pag hindi mo Binaba walang Mangyayari" echos lang hahaha.
anyway ipapakilala ko muna ang pamilya ko.
Tanya Rodriguez yung babaeng sumigaw kanina si mama Tanya kayumanggi ang balat at maikli ang buhok. Maraming nagsasabi na hindi ko daw kamukha si mama hindi ko nalang ito pinapansin.
Si papa Andy Rodriquez naman asawa ni mama tanya ay matagal na namayapa. Kayumanggi din ang kulay nito at hindi ko rin daw kamukha wala daw ako kamukha sa kanila kaya marami ang nangaasar sa akin na ampon lang daw ako.
Si mama Tanya nalang ang kasama ko sa buhay, dahil matagal ng wala si papa. Ganun din si lolo at lola sabi ni mama naaksidente ang bus na sinasakyan ni lola habang nasa biyahe pauwi ng bahay. Galing kasi sa probinsya ito. Bukod doon wala ng binanggit pa si mama. Pag nagtatanong naman ako tungkol sa kanila umiiwas siya kaya hinayaan ko nalang alam ko naman na nahihirapan parin si mama hanggang ngayon at nasasaktan kaya mag mula noon I never bring it up again. Ayoko kasing nakikitang malungkot si mama at nahihirapan.
Mahirap lang kami pero kuntento sa buhay. Nagtitinda si mama ng gulay na galing sa aming bakuran. May taniman kasi kami ng mga gulay sa likod ng bahay, kaya minsan pag may spare time ako at walang pasok ay tinutulungan ko si mama sa pag lalako ng mga gulay. Gusto ko nga sana na tumigil nalang sa pag aaral at tumulong nalang kay mama sa pag titinda para hindi na siya mahirapan pa at mabawasan ang mga gastusin sa bahay.
Ang kaso ayaw niya hindi siya pumapayag sa gusto ko. Gusto niya kasi na makapag tapos ako ng pag aaral dahil ito nalang daw ang maipa mamana niya sa akin dahil nga sa hindi naman kami mayaman at lagi niya nga sinasabi na..."Education is the key to your success"
Taray ni mama no?? Naka english, haha, pero anyway may point naman siya doon eh diba?
Kaya tumutulong nalang ako sa mga gawaing bahay upang mabawasa ang trabaho at paghihirap ni mama at ng makabawi ako.
Ako ang gumagawa ng mga gawaing bahay bilang ganti na din sa pag sasakripisyo at paghihirap nito.
Sa murang edad ko ay mulat na ako sa hirap ng buhay at sa maraming bagay. Dahil kami nalang dalawa ni mama ang magka sama sa buhay.
Wala rin akong mga kaibigan sa school. I'm a loner actually. You know just a nobody, isa lang naman akong di hamak na nerd kaya wala din may gustong kumaibigan sakin at lagi akong na bubully. Tinatapunan ng kung anu-ano, sinasabihan ng mga masasakit na salita at kung anu-ano pa. Hinahayaan ko nalang ito wala naman kasi akong magagawa kahit na ang totoo hirap na hirap na ako at parang gusto ko ng sumuko nalang.
Pinanghihinaan na din kasi ako ng loob pero sa tuwing naaalala ko ang mga pag hihirap at sakripisyo ni mama ay lumalakas ang loob ko at na mo-motivate ako na ipag patuloy ang pag aaral ko at magsumikap kahit ano pang mangyari. Nakaya nga ni mama itaguyod ako ng mag isa lang ng hindi sumusuko ako pa kaya diba?
Hinding hindi ko makakalimutan ang pag hihirap ni mama mag mula noong mag isa niya akong tinaguyod.
May one time kasi nung first year high school palang ako alas tres palang ay pinalabas na kami ng school dahil sa nagka roon ng emergency meeting ang mga teacher. Hindi na ako dumiretso sa bahay upang magbihis kay mama agad ako pumunta upang tulungan ito sa pag titinda.
Pero nanikip ang dibdib ko at nadurog ang puso ko sa nasaksihan ko. Naabutan ko kasi si mama na inaalipusta at pinapahiya ng isa sa mga customer nito. Kung anu-anong pang lalait sa mga paninda at kay mama ang ginawa nito.
Kaya mag mula noon ipinangako ko sa sarili ko na magsusumikap ako at iaahon ko si mama mula sa kahirapan. Kaya kahit ano pa ang masasakit na salita ang ibato nila sa akin kinakaya ko lalo na at si mama at ang mga karanasan namin ang naging motivation ko upang lumaban at magsumikap.
Yung mga salitang binabato nila na kesyo pangit daw ako, nerd walang tatay, mabaho, na hindi ko daw kamukha sila mama at ampon lang daw ako. Pinapasok ko nalang sa isang tenga at labas sa kabila pagka tapos kahit na masakit ito tinitiis ko ang lahat. Papatunayan ko sa kanila na mali makakaahon kami mula sa kahirapan, na mali ang mga paratang nila at balang araw mag sisisi sila sa pang aalipusta nila sa amin ni mama tanya.
Pero sa totoo lang, I have a secret that no one knows kung hindi kami lang dalawa ni mama. Hindi naman kasi ako totally nerd eh nag babalat kayo lang ako dahil nga sa ayaw ko ng maulit ang nangyari noon na lubos kong pinag sisihan hanggang ngayon.
******
Make sure to vote on this chapter, comment, and follow me. Private message me if you have any questions or request.
Peace. Love. Thanks
Hi! Guys thanks for reading and sorry sa wrong grammar and spelling
BINABASA MO ANG
HBS1:The Long Lost Princess Meet The Billionaire Mafia Boss
AksiShort Summary: Athena and her family have a seemingly perfect life but one unexpected day hee family were assassinated and killed. Athena made a promise to herself to avenge her family's death, she started to investigate and soon she found out that...