CHAPTER 3

307 16 3
                                    

Chapter 3:Badtrip

VALENTINE's POV

Nakakainis na lalaki na yun.Sing kapal ng kilay niya ang mukha niya.Kabago-bago ko palang sa university na ito tapos ganong lalaki sasalubong sakin.

"Valentine,are you okay?"

"Hindi!"pasigaw na sagot ko kay Amari.

"Okay"

"Sorry,kasi naman na lalaki na yun,nakapasama ng ugali!"

Saad ko rito sabay inom ng tubig na hawak ko.

Bakit ba kasi dito ako pinasok ni dad nakakagigil ang lalaki na yun.Naglalakad kami sa hallway papunta sa next class namin.

Huminto ako sa paglalakad ng nasa tapat namin ang tatlo na tumigil rin sa paglalakad at dahan-dahan na tumingin sakin ang Zyair na magkasalubong ang kilay niya kulang nalang magbanggaan.

"Valentine,let's go wag mo na lang silang pansinin"bulong sakin ni Amari sabay hawak sa kamay ko.

Nagkatitigan kami ng lalaki na to na sing kapal ng mukha niya ang kilay niya.

Naglakad ito papunta sa kinaruruunan namin sabay bangga niya sa balikat ko at hindi man lang ako nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad nila habang naka lagay ang coat niya sa likod niya habang hawak ito.

"Hoyy....."

"Valentine,tama na yan!"

awat sakin ni Amari habang hawak ang kamay ko ng akma ko sanang susugurin ang lalaking sabog na ito.

Pabagsak ako na umupo sa upuan ko pagpasok namin ng room sabay inom ng tubig ko at hindi kumikibo.

Hindi ako nakikinig habang nag didiscuss ang propesor namin at pasimpleng nagsusulat ako.

"Valentine anong gingawa mo?"Tanong sakin ni Amari kaya tinignan ko naman ang sinusulat ko.

Ano 'tong ginagawa ko?.

"Ang pangit naman nyang drawing mo"Saad ni Amari sabay ngisi niya.

"Stick man na nga,ang kapal pa ng kilay at ang laki pa ng mata"

Pang iinsulto niya sa drawing ko.Hindi nya alam habang ginagawa ko to ang lalaking sabog ang nasa isip ko.

Pagkatapos ng discussion ay lumabas na ako sabay tinungo ang sasakyan ko ng paglabas ko ng field naririto na naman ang lalaking sabog nakatayo sa harap ko.Kaya umiinit ulo ko eh!,Hindi ko nalang ito pinansin at dinaanan lang siya habang nakatayo.

"Hoy,Babae,ang bastos mo ah!"

Napahinto ako sa paglalakad ng magsalita ito.

"Bastos?,Ako?,And so!,sino kaba para sabihan ako ng ganyan?"

Sagot ko rito sabay pagpatuloy ko sa paglalakad ko.Hindi ko naman siya nilingon at alam kong hindi rin siya lumingon sakin.

"Hindi mo ba ako kilala?"

Napahinto ako sa paglalakad ng magsalita ulit siya.

"Bakit kita kikilalanin?"Sagot ko rito.

"Wala akong oras para sa kalokohan mo!"

Dagdag ko pa rito at hindi na siya pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad at sabay sakay ko ng kotse.

Iniwan ko siyang nakatayo pa at nakatalikod.

Pagkarating ko ng bahay wala naman sila Mom tanging mga maid lang ang naririto sa bahay.

Agad akong umakyat sa kwarto ko sabay pabagsak na huminga sa kama ko.

Breaking The RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon